UMAKYAT ako sa’king kwarto at kumuha ng tuwalya para makaligo, pakiramdam ko ay nakadikit pa sa akin ang amoy niya pati ang amoy ng napakalambot niyang kama. Pagsara ko ng aparador, tumambad sa salamin ang itsura ko, nakita ko ang kabuuan ng aking sarili na suot ang damit niya. Ilang segundo kong tinitigan ang sarili sa salamin bago bumaba muli patungong banyo. Habang naliligo ako, muling bumalik ang nangyari kagabi. Napapikit ako. His deep kisses, when he licked me, his talented hot tongue and the way he moved his body. No! Pinilig ko ang ulo ko matapos na parang may sumigaw sa’kin. Ano bang iniisip at ginagawa ko? This is not right! Ano kayang sasabihin ni Mama kapag nalaman niyang hindi na ko birhen? Humiga ulit ako sa kama para umidlip muna. Pero sa pagpikit ko pa lang ay ang ma