Temptation 4 √

4328 Words
PRESENT TIME Tulala si Emily habang nakatitig sa magandang kisame ng kwarto niya. Masama ang pakiramdam niya. Nagsisinungaling siya sa pamilya niya at hindi sinasabi sa mga ito ang totoo. Sa pinapakita niya sa mga ito, parang siya lang ang nagsawa sa mga bagay-bagay at napagod sa walang atensyon na ibinibigay sakaniya ng asawa. But it's deeper than that. Pero hindi niya magawang aminin ang totoo. Dahil hanggang ngayon, ay mahal na mahal pa rin niya ang asawang si Cruz. Ito lang naman kasi ang minahal niya. At alam niyang masasaktan din naman siya kapag nagsalita ang pamilya ng mga masasakit na termino laban dito. Alam niya sa sarili niyang dito na nagtatapos ang lahat sakanila ni Cruz. Na hindi na madudugtungan pa ang kanilang pagsasama. Ngunit gayon man, bumalik siya sa Pilipinas na hindi sigurado ang lahat. Ni wala silang pinagusapan ni Cruz. Ni hindi nila napagusapan kung magdi-divorce ba sila. Pero ano pa nga ba ang aasahan niya? Hindi naman ito nagsasalita at parang wala pakialam sakaniya. Ni hindi nga man lang ito nagparamdam o nagpakita ng interest na gusto siyang kamustahin. Alam din naman ni Emily sa sarili na katulad nito, ay ayaw din naman niyang maging malinaw ang mga nasa pagitan nila. Kahit mahal niya si Cruz, hindi na iyon tulad dati. Nabawasan na ang pagmamahal niya rito. Alam niyang malabo na ang kanilang pagsasama at tuluyan na silang mauuwi sa legal na hiwalayan. Gaano man niya ipinangako sa sarili nila noon, na through thick and thin ay walang iwanan, ay mahirap palang pangatawanan. Pagod na pagod na siya kasama si Cruz. Sa buhay na kaya nitong i-offer sakaniya. Ang mga pangbabalewala nito sakaniya. Na siya lamang lagi ang nag-e-effort sa relasyon nila. Gusto rin naman niyang maramdaman na kaibig-ibig siya. Na kapili-pili siya. Na importante siya. Hindi naman kalabisan na hilingin iyon diba? Hindi naman siya materialistic na tao. Hindi rin siya demanding sa oras at atensyon. Pero iyong, maramdaman man lang niya kahit kaunti na paminsan-minsan ay siya ang pipiliin nito over his precious job. Na may pangarap itong bumuo sila ng isang masayang pamilya. Pero hindi yata love ang hanap ng asawa. Companionship lang. Mukhang wala talaga sa isip nito na magkaroon ng anak, magkaroon sila ng permanenteng bahay at marami pang iba. Gusto lang yata talaga nito na may nag-aalaga rito. May nagsisilbi rito. May kumakausap dito kapag kailangan nito. May kasama ito. Kung gayon, hindi asawa ang kailangan nito, kundi isang care-giver! Nalasahan ni Emily ang pait na nasa dulo ng dila niya sa mga pumapasok na kaisipan sa utak niya. Gaano man sabihin ng puso niya na lumaban pa at kumapit pa, pero ang utak niya ay pagod na pagod na. Nasaid na lahat ng pagpapasensya na mayroon siya sa katawan. Isama pa ang mga bad experiences niya sa ina nito. At alam niya, sa lalong madaling panahon ay kailangan na niyang makapagisip at desisyon kung ano ba ang dapat niyang gawin. Kailangan niyang masiguro sa sarili na handa na siyang legal na makipaghiwalay dito. Matagal na proseso, oo. Pero alam niyang iyon lamang ang makakapagpahiwalay sa natitirang koneksyon nila sa isa't-isa. At ngayong naririto na siya sa Pilipinas, at alam niyang walang nagaasikaso sa business nila, kundi si Dante lamang, ay oras na siguro para tulungan niya ang mga magulang at pagbigyan ang mga ito na matutunan kahit papaano ang negosyo nila. Alam niyang walang interest ang dalawang kapatid doon. At nahihiya rin siya kay Dante dahil hindi naman nila ito kaano-ano pero nai-istorbo ito ng kanyang magulang para pangalagaan ang kompanya nila. Oras na para magkaroon siya ng silbi sa magulang at mapagbigyan ang mga ito. Gagawin niya ang lahat para maging kapaki-pakinabang. Ang pagsusulat naman niya ay pwede niyang gawin kahit anong oras at hindi 'yon magiging sagabal sa kagustuhan niyang tulungan ang mga ito. ~ KINABUKASAN, nagulat si Emily nang pumasok sa kwarto niya ang dalawang kapatid. Sapilitang itinayo siya ng mga ito at pinagbihis. Gulat na gulat naman ang reaksyon niya. "Saan ba tayo pupunta, ate? Emiko?" tanong niya sa mga kapatid. Napangisi si Emira. "I-te-treat ka namin. Pupunta tayo ngayong Zambales. Maganda roon, Emily! Mag-be-beach tayo. Dali, ngayon na." "H-Huh? Naku! Hindi ako ready, ate. Atsaka, wala akong dadamitin." gulat na sabi niya. "Okay lang, ano ka ba? Maraming damit at swimsuit si Ate Emira. Pare-parehas lang tayo ng mga katawan, tiyak na magkakasya saiyo 'yun. Halika na, para makapagenjoy ka naman at makapagbonding tayong tatlo. Sobrang tagal mo kayang nawala," nakalabi namang sabi ni Emiko. "Tama si Emiko, Emily. Sige na, maligo kana at mag-ayos. Kami na mageempake ng gamit mo. Sinabi na namin ito kila papa, and guess what? Pabor na pabor sila! Come on, we need to have some fun kahit papaano," Wala nang nagawa si Emily kundi ang sumunod. Gusto rin naman niya 'yon. Hindi naman siya nagrereklamo. "Tayong tatlo lang ba?" Umiling si Emira. "Hindi, kasama ko ang boyfriend ko." Tinignan niya si Emiko. Napangisi ang bunsong kapatid. "Kasama ko rin ang boyfriend ko," Nabwisit si Emily at napasimangot. "Ganon? Oh, edi kayo nalang. Thirdwheel lang pala ang labas ko r'yan. Iinggitin niyo lang ako. Sige na, mag-enjoy na lang kayo," naiinis na sabi niya. Natawa ang dalawa at napahalakhak. "Emily, huwag ka ngang OA. Hindi ka lalabas na thirdwheel," si Emira naman ang ngumisi. Nagkatinginan ang dalawang kapatid. Hindi nagustuhan ni Emily iyon dahil parang may pinapahawitag ang mga ito na hindi niya matukoy. "Hoy, hoy. Ano 'yan, ha? Hindi ko gusto 'yung mga tinginan niyong ganyan. Kilala ko kayo, may kapilyahan nanaman kayo naiiisip," sita niya sa mga ito. Hinimas ni Emiko ang braso niya. "Emily, hindi ka nga lalabas na salingkitkit kasi sasama saatin si Dante," at muling malisyosang nagkatinginan ang dalawa. Napakunot-noo naman si Emily. "Si Dante?" Tumaas ang isang sulok ng labi ni Emira. "Yes, Emily. Si Dante. May problema ba kung kasama siya?" "Hindi naman. Pero, bakit sasama siya?" takang tanong niya pa. Nagkibit balikat ang dalawa at tila inosenteng tinignan siya. "Because he's a friend? Hindi na siya iba saatin, Emily." "I know that, pero hindi ba nakakahiya sa kanya? Alam niyo namang busy 'yung tao," "Para may partner ka rin, ate. At hindi mukhang left-out saamin ni ate Emira," napahagikgik si Emiko. Pinanlakihan niya ito ng mata. "E-Emiko...!" Napahalakhak si Emira. "Trust me, Emily. Kahit gaano ka-busy 'yon si Dante, I'm sure matutuwa 'yon na ininvite natin siya... hindi ba, Emiko?" Nagningning ang mga mata ni Emiko. "You're right, ate. Kaya naman huwag ka nang magpabebe r'yan. Maligo ka na at magbihis. This is girl's night out!" Nagpapalatak siya. "Mga kalokohan niyo talaga kahit kailan. Pero hindi ako magsusuot ng swimsuit ah? Alam niyo namang may asawang tao ako eh..." Muling nagkatinginan ang dalawang babae. Tumikhim si Emira. "Asawa? Parang hindi naman siya kailanman naging ganoon sayo, Emily..." Hindi siya nakakibo. Napansin naman iyon ni Emiko at iniba ang mood ng usapan. "Wala namang masama magsuot ng swimsuit, ate Emily. It's a beach. Alangan namang magsaya ka, diba? Come on. Kami lang naman ito, and Dante is a family. Hindi na siya iba saatin. Minsan na nga lang tayo makapagbonding eh," Nagets naman ni Emily ang pinpunto ng mga kapatid kaya naman talunan siyang nagtaas ng kamay tanda ng pagsuko. "Alright, alright. Maliligo na." "Yes! Huwag ka na mag-alala, kami na bahala sa gamit mo." "Magpaganda ka, ate ha? Para naman mukhang hindi ka battered wife," humagikgik na sabi ni Emiko. Natatawang pumasok siya sa banyo at napailing. Tama naman ang mga ito, paminsan-minsan, kailangan din siguro talaga niya ng break. Afterall, she deserves it. ~ ZAMBALES, PHILIPPINES Wala na ngang nagawa pa si Emily kundi ang magpatangay sa kapatid na si Emira at Emiko. Pagkalabas niya ng banyo ay naka-empake na ang duffel bag niya at naroroon na ang kakailanganin niya. Talaga nga yatang pinagplanuhan ito ng maigi ng dalawang kapatid! Wala sa sariling naiiling na napangiti na lamang siya. Aaminin niyang namiss niya talaga ang dalawang babae at napakatagal na noong huli silang nakapagbonding ng mga ito. "Oh, ayan baka may reklamo ka pa, ha? Bilisan mo na kumilos. Maya-maya ay dadating na si Marco," ani Emira na ang tinutukoy ay ang boyfriend nitong kano. "Ano'ng kotse nga pala ang gagamitin?" tanong niya habang kinukuskos ng tuwalya ang basang buhok. "Ang fortuner nalang ni papa para pang 8-seater na katao." Napatango si Emily. "Sige na, maiwan ka na namin. Mag-aayos na rin ako para isahang alis nalang pag dating nila dito," si Emiko naman. Nang iwan siya nang dalawang kapatid ay kumuha na lamang siya ng isang nude halter top at puting maong short. Simpleng sandalyas lamang sa para naman magmukha talaga siyang magbe-beach. Naglagay siya ng kaunting make-up sa mukha para naman hindi siya mukhang puyat tignan. Saktong tapos na siya nang katukin siya ng dalawang kapatid at sinabing nasa ibaba na ang mga binata. Sumabay si Emily sa pagbaba ng mga kapatid sa hagdan. Nakita niya ang kasiyahan at pagka-excited nang dalawa nang masilayan ang mga boyfriend nito. Nagyakap ang mga magkasintahan. Nagtama naman ang tingin nila ni Dante at nakaramdam si Emily nang pagka-awkward dahil sila lang ang hindi magkasintahan doon. Napansin naman yata ni Dante ang nararamdaman niya dahil napakamot din ito sa ulo at natawa. "Noong niyaya nila ako pumuntang Zambales at mag-beach, akala ko lalabas na talaga akong third-wheel. Thank god na kasama ka, atleast hindi lang ako nag-iisa," biro ni Dante. Natawa si Emily. "Well, pinilit lang nila ako sumama. Pero tama ka, atleast hindi lang ako nag-iisang thirdwheel dito," Nagkatawanan sila ni Dante at napakanatural niyon. Sa lakas ng tawanan nila ay natalo pa nila ang paglalandian ng mga dalawang magkasintahan. Kaya naman malisyosang nagkatinginan si Emira at Emiko na parehas ang iniisip. Hindi naman ito pansin ni Emily at Dante. Dahil busy ang dalawa sa pagtatawanan. "Alright, guys. Let's go," pumalakpak si Emira at kinuha na ang mga gamit. "Mom, Dad, alis muna kami." paalam ni Emiko sa mga magulang at humalik sa mga ito. Hindi na napansin ni Emily na nasa likuran na pala ang mga ito. "Sige, mag-enjoy kayo. Mag-iingat, ha? Tumawag kaagad kung may problema," "Opo," humalik sila ng pagpapaalam sa magulang. "Boys, ingatan niyo ang mga babae niyo. Enjoy your vacation," nakangiting sabi ni Mauricio. Gustong mamula ng mga pisngi ni Emily sa narinig. "Mga babae niyo" talaga ang ginamit na term ng kanyang papa! Hindi man lang naisip na hindi naman siya babae ni Dante. "Papa," pagpo-protesta niya. Tinaasan siya ng kilay ng ina. "Ano'ng masama sa sinabi ng ama mo, Emily? Bakit, hindi ka ba babae?" pilosopong tanong nito. Naiinis na hindi nalang siya nagsalita. Natawa sa inakto niya si Dante. "Come on, Emily. It's no big deal. Babae ka naman talaga," pang-aasar nito. Napapailing na kinuha niya ang gamit at nagpatiuna nang lumabas ng bahay. Nasa garahe nila ang fortuner. "Sino bang magmamaneho?" tanong ni Emiko. Tiyak isa sa boyfriend ng mga ito. Hindi sila nabiyayaang tatlong magkakapatid ng driving skills. "Hindi pupuwede si Marco, wala pa siyang lisensya." ani Emira. "Ayaw kong magmaneho ito si Joseph eh, kaskasero," naiiling na sambit naman ni Emiko. Umangal ang kasintahan nito. "Hon naman..." Pinandilatan ito ni Emiko. "Oh bakit, totoo naman ah? Parang lagi tayong hinahabol ni kamatayan kapag nagmamaneho ka," Napakamot nalang sa ulo ang pobreng binata. Kung gayon... sino? Lahat ay napatingin kay Dante. Napangisi si Emira. "Dan, ikaw na ang magmaneho. Ikaw naman talaga ang magaling mag-drive at kayang bumiyahe ng matagal." "I have this feeling na kaya niyaya niyo lang akong magkapatid ay para may instant driver kayo," sagot nito na hindi naman umangal mag-drive. "Grabe ka naman, kuya Dante! Hindi ha!" tanggi ni Emiko. Natawa nalang si Dante at kinuha na ang susi kay Emira. Pumasok na ito sa kotse kaya naman pumasok na rin sila. Naunang pumasok si Emiko at Joseph sa loob para makaupo sa likuran. Nang maiangat ang upuan ay pumasok naman si Emira at Marco sa gitna. Nasa likod na ang kanilang mga gamit. Akmang sasampa na siya sa loob nang pigilan siya ni Emira. "Hep, hep, hep. Huwag ka umupo dito. Masikip na. Mainitin si Marco." pigil sakaniya ng nakakatandang kapatid. Napakunot-noo siya. "Oh, eh, saan naman ako uupo?" Ngumuso naman si Emiko at sinasabing umupo siya sa harap, katabi ng driver seat na si Dante. "Ate Emily naman, huwag kang panira. Per couples ang upuan, kami dito ni Joseph, sila ate Emira d'yan. Huwag ka na maki-epal," Uminit ang ulo ni Emily. "Niyaya niyo pa ako!" Natawa si Emira sa pag-outburst niya. "Diyosko, Emily. Paganahin mo ang utak mo. Umupo ka sa tabi ni Dante. Ang lagay ba sa gwapo niyang 'yan pagmumukhain nating driver?" Awtomatikong namula ang dalawang pisngi ni Emily at napatingin kay Dante. Doon niya nalaman na kanina pa pala siya tinitignan ng binata dahil naghinang ang mga mata nila. "Tama si Emira, Emily. Third-wheel na nga ako, gagawin niyo pa akong driver. Come on, tabi na tayo dito sa harap," At pinagpag pa nito ang upuan ng passenger seat. Napahiya naman si Emily kaya wala nang nagawa kundi bumaba at muling sumakay sa harap ng kotse. Nang makaupo siya ay tukso ang inabot niya sa mga kapatid. "Oh diba, tamang tama. Couples seat tayo? Atsaka, infairness, mukha kayong mag-asawa r'yan sa harap," ani Emira. Ginatungan naman iyon ni Emiko. "Napansin ko nga rin, Ate. Diba, sa pamilya, sa harap talaga ang mag-asawa. Aba, parang mag-asawa lang ang peg ni Kuya Dante at Ate Emily," natatawang sambit naman nito. Hiyang hiya naman si Emily sa mga pinagsasabi ng mga kapatid. Apologetic na tumingin siya kay Dante. "Pagpasensyahan mo na ang mga 'yan, Dante. Malala na yata ang utak." naiiling na sabi niya. Dante just shrugged his shoulders at ini-start nang paandarin ang sasakyan. "No big deal. Atsaka tama naman sila, kadalasan upuan talaga ng mag-asawa ito," anito at ngumiti. Lumabas tuloy ang puti at pantay pantay na ngipin nito. Doon lang napagaralan ni Emily ang buong itsura ng binata ngayon. Nakaputing collar shirt ito na fitted. Light blue na maong shorts at loaf shoes bilang sapin sa paa. Nakabrush-up ang makapal nitong buhok. Ganoon lang kasimple ang gayak nito, ngunit agad na mapapansin ang malakas na appeal at karisma nito. Bakat na bakat din sa damit nito ang fit na pangangatawan. Mabango rin ito. Neat at smart magdala si Dante ng sarili. Maitsura si Dante. Gwapo. Ang totoong depinisyon ng tall, dark and handsome. Brusko tignan. Ngunit kung pagtatabihin ito at ang asawa niyang si Cruz ay masasabi ni Emily na mas gwapo talaga ang asawa. May lahi kasi ang asawa at maganda talaga ang mukha. Samantalang si Dante ay hindi naman sobrang espesyal ng mukha, ngunit ang malakas na s*x appeal nito ang mas nakaka-attract kung bakit ito mapapansin. Mas lamang naman si Dante sa asawang si Cruz kung labanan ng pagdadala ng sarili at lakas ng karisma. Naging busy na ang mga mag-kasintahan sa likod at may kanya-kanya nang pinaguusapan na malabo na rin naman sa pandinig niya dahil naghahalo-halo na ang mga boses nito. Nagulat siya nang kausapin siya ni Dante. "You look good in your outfit today. Hindi pa kita nakikita na nagsuot ng ganyan," pasimpleng sabi ni Dante at mabilis na pinasadahan siya ng tingin. Hindi naman masyadong revealing ang suot niya at hindi naman masyadong maikli ang short niya. Hindi na rin naman na siya birhen, pero namula siya sa paraan ng paghagod nito ng tingin sakaniya. Pinilit niyang tanggalin ang bara sa lalamunan. "Ngayon lang, kasi nga mag-be-beach tayo, but yeah, thanks. You don't look bad yourself too," ganting puri niya rito. "Hindi ko naman hinihingi na i-compliment mo ako pabalik. Totoo namang maganda ka at bagay sa'yo ang suot mo ngayon," anito. Nag-init ang mga pisngi ni Emily. At naiinis siya sa sarili kung bakit siya nakakaramdam ng ganoon kahit may asawang tao na siya. Tanging si Dante lamang ang nakapagparamdam sakaniya ng kaba. Pinilit niyang magrelaks at sinandal ang likod sa upuan. "T-Thanks," Natawa ito at hindi na inalis ang tingin sa daan. "Mabuti na rin naman na may kausap ako. Busying-busy na ang mga kapatid mo sa kanya-kanyang kasintahan oh," tumingin pa ito sa salamin sa itaas. Tama naman ito. Parang nasa palengke na sila sa ingay sa loob ng kotse. "Isa pa, alam mo ba na kapag walang kausap ang driver o kaya'y inaantok ang mga kasama niya sa kotse ay mabilis na ma-adapt ito ng driver at naantok din? At syempre, ang buhay ng lahat ng nasa sasakyan ay nasa driver. Kaya importanteng panatilihing laging alive ang driver," "So, you're basically saying na hindi ako dapat matulog and keep you awake?" nakangangang sabi niya. "Hindi ko sinabi 'yan. Ikaw ang nagsabi n'yan. But I like that idea," napangisi ito. Hindi malaman ni Emily kung paano siya magre-react. "A-Ahm... i-ilang oras ba ang byahe mula rito hanggang sa Zambales?" tanong nalang niya. "Kung walang problema at maging smooth ang biyahe natin, kaya nating makarating doon sa loob ng limang oras," sagot nito. Napatango siya. Mahabang katahimikan ang namayani sakanila. "Kamusta ka naman?" nilinga siya nito at muling tumingin sa kalsada. Naisip ni Emily na baka naghahanap lang talaga si Dante ng makakausap upang hindi ito makatulog. Mukhang hindi rin naman siya makakaidlip dahil tiyak hindi siya tatantanan ng mga tanong ni Dante. "Okay naman ako, heto, hindi pa rin sanay dito sa Pilipinas. But I know that I can get by. Ikaw? Ang kambal?" Tukoy niya kay Alessandra at Cassandra. Parang nakinita ni Dante ang dalawang kambal nang matanong niya iyon. Napangiti ito. "Busy sa kompanya niyo. Nakakapagod. Nakakastress. Pero kapag tuwing naiisip kong nakakatulong ako sa magulang mo, and they give me enough opportunities to showcase my skills, ay napapawi iyon. Not to mentioned na lahat ng ito ay para sa kinabukasan ng kambal," Hindi maiwasan hindi mapangiti ni Emily sa narinig. No wonder that Dante is an amazing father. Mapagmahal ito sa mga bata. At bilib siya rito dahil nakakaya nitong gampanan ang pagiging CEO at the same time ay ama sa mga pamangkin nito. Malayong malayo sa asawa niyang si Cruz. "Sino nga pala ang nagbabantay ngayon sa dalawang bata?" "Hindi mo ba nakita? Dinala ko sainyo kanina ang kambal. Oh, baka nasa kwarto ng magulang mo. Tulog kasi ang kambal noong dinala ko ito sainyo kanina. Sila muna ang magaasikaso sa mga chikiting," "Hindi ko nga alam na mahilig pala sila mama sa bata. Lolang lola at lolong lolo ang datingan nila sa kambal eh," puna niya. Natawa ito. Muli, gustong mapatulala ni Emily sa klase ng tawa nito. "Hindi mo sila masisisi, may-edad na sila. Natural lang na naisin nila magka-apo. Si Emira, alam mo namang malayo pa sa isip n'yan magka-anak. Si Emiko naman, baby pa para sainyo. Ikaw... bakit hindi ka pa nag-aanak?" baling nito sakaniya at muling binalik sa daan ang tingin. Napalunok si Emily. Kung alam lang ng mga tao ang totoo... Nagka-anak siya. Ngunit binawi rin ito ng maaga. Naramdaman niya ang bara at pait sa lalamunan niya dahil doon. "W-Wala pa sa plano ni Cruz 'yan eh," nasagot na lamang niya. Tila naman nahulog sa isang palaisipan si Dante sa sinagot niya. "Ganoon ba? Pero matagal na kayong kasal, ah. Nasa tamang edad na rin naman kayo. Maganda ang trabaho ng asawa mo, tiyak kong hindi kayo mamomroblema financially," kaswal na saad nito. Tama ito. Kasal na sila ni Cruz. Nasa tamang edad. Hindi namomroblema sa pera. Akala niya noon, mayroon lang siya ng mga bagay na ito ay sapat na rason na para magka-anak. Ngunit, may mga bagay pala talagang kahit nand'yan na ang lahat, ay hihindi pa rin pupwede. Dahil ayaw ng asawa niya, at hindi ito handa sa panibagong yugto ng buhay nito. Nang hindi siya sumagot ay muling nagsalita si Dante. "O pwede ring sadyang hindi pa handa ang asawa mo. May mga lalaki kasing ganoon. Na gusto lang kasal muna at companionship lang. Pero hindi pa talaga handa sa next level ng pagsasama. Atsaka noon pa. Mataas na ang pangarap ng asawa mo. Alam kong malayo pa talaga sa plano niyang magka-anak kayo. Kung hindi naman big deal saiyo ang pag-aanak, good for your relationship. Atleast wala kayong pagtatalunan. Pero kung ikaw ay mahilig sa bata at pinapangarap na magkaroon ng pamilya, eh tiyak na malaking problema 'yan..." Nagulat si Emily sa sinabi ni Dante. Gusto niyang mapahiya at mainis sa asawa. Mantakin ba niyang pati si Dante na hindi naman nila kamag-anak ay napansin pa iyon dito? Ibig sabihin lamang niyon, lahat ng persepsyon dito ng pamilya ay totoo. Siya lang pala talaga itong masyadong nabulag ng pag-ibig. Napaka pathetic naman niya. Parang nakakain si Emily ngayon ng ampalayang hindi binabad sa asin sa sobrang pait na nararamdaman. Napansin naman ni Dante ang pananahimik niya kaya naisip nitong hindi pa handa ang dalaga na pagusapan ang ganoong ka-sensitibong bagay. Tinignan ito ni Emily. "Ikaw, Dante? Kailan mo balak mag-asawa?" tanong ng babae. Natawa ito ng pagak sa tanong niya. "Tanong ko rin 'yan sa sarili ko," "Hindi nga... kailan mo nga balak?" Naging seryoso ang itsura nito. "Parang wala na," Napakunot-noo naman siya. "Huh? Bakit naman? Bata ka pa naman ah," "Alright," huminga ito ng malalim. "Back then, I used to like this woman. Kaso na-torpe ako. I don't know. Para kasi saakin noon, hindi ko deserve ang babaeng ito. That's why I let her go at hindi pinaalam dito ang feelings ko." Naintriga si Emily. "Talaga? Then, bakit ngayon hindi mo gawin? I mean... y-you're good. Impossibleng hindi ka magustuhan ng babaeng 'yon. Tanga nalang siguro hindi magkakagusto sayo," huli na para bawiin pa ni Emily ang sinabi. Nagningning ang mga mata nito. "You think so?" Kung babawiin niya ang sinabi niya, magmumukha naman siyang affected kaya tumango nalang siya. "Oo naman. Bakit hindi?" Ngunit agad ding nawala ang kislap ng mga mata nito at napabuntong-hininga. "That's good to hear. But that's not the only case, Emily. I can't have her. I can't have that woman. S-She's... already married," nakayukong sabi nito sa malungkot na tinig. Nagulat naman si Emily at nakaramdam ng awa rito. "I-I'm sorry to hear that Dante... ngayon, sana magsilbing leksyon 'yan sayo. Kapag may mahal ka, iparamdam at sabihin mo. Bago pa mahuli ang lahat. Hindi mo ba naisip, kung sakaling sinabi mo iyon sakanya, parehas pala kayo ng nararamdaman? Na pwedeng iba ang estado ng mga buhay niyo ngayon?" affected na sagot niya. Napasandal ang ulo nito sa headrest ng upuan. "Yeah, I'm a coward. I deserve this pain, you know." he bitterly chuckled. Naisip ni Emily na swerte ang babaeng iyon. To think na minamahal ito ni Dante. "So ayun nga, nasabi mo 'yan. Pero wala ka bang balak magka-anak man lang?" "May anak na ako, Emily. Dalawa pa nga agad," natawa ito. Natawa rin siya. "No, I mean, a child of your own. Hindi mo ba pinangarap na alagaan ang sarili mong anak?" Muling naging mailap ang mga mata nito. "Ofcourse, I do. At tuwing naiisip ko kung nagkaanak kami ng babaeng tinutukoy ko, I'm sure, we'll have a beautiful family. Maalaga kasi 'yong babae na 'yon at family first talaga sakaniya. Sigurado akong lalaking mabuting bata ang anak namin," "Pero Dante, sabi mo nga, she's married. So you can't have her. Wala ka bang plano magkaroon ng ibang anak, sa ibang babae? Baka hindi talaga kayo para sa isa't isa niyan," Nagkibit balikat ito. "Sa ngayon, honestly? Wala pa sa isip ko 'yan. Siya lang naman kasi ang babaeng pinangarap kong iharap sa dambana eh. Isa pa, masaya at sapat na saakin si Alessandra at Cassandra. Kung sa ibang babae lang din, ayaw kong mahati ang atensyon ko sa kambal. Gusto kong matutukan maigi ang paglaki nila," That woman must be so lucky. Gustong mabilib ni Emily kung anong klaseng ama si Dante. At natitiyak niyang magiging proud ang kambal laglaki ng mga ito dahil mayroon ang mga ito ng isang amang katulad ni Dante. Hindi na namalayan ni Emily na saan saan na dumako ang usapan nila at ang kaninang naantok na diwa ay napalitan dahil sa paguusap nila ng binata. Ngayon lang din narealize ni Emily na silang dalawa na lang pala ni Dante ang naguusap dahil ang dalawang lalaki sa likod ay pawang mga tulog na. Ang mga kapatid naman na si Emira at Emiko ay busy kakadutdot ng cellphone. Gulat na nilingon niya ang mga ito. "Kanina pa tulog ang mga 'yan?" sabay nguso sa mga kasintahan ng mga ito. Tinaasan siya ng kilay ni Emira. "Duh, oo. Kanina pa," Napasinghap si Emily. "Bakit hindi ko namalayan?" Napangisi naman ng nakakaloko si Emiko. "Talagang hindi mo mapapansin ate. Paano, busy kayong magusap ni Kuya Dante. Napasarap nga ang kwentuhan niyo to the point na boses niyo nalang dalawa ang maririnig dito sa kotse at naantok na sainyo 'tong dalawa," Nakagat ni Emily ang ibabang labi sa sobrang kahihiyan. "T-Talaga ba...?" May panunukso sa labi ni Emira. "Oh, Emiko's right, my dear sister. Aba, parang solo niyo ang mundo kanina ah. Parang kayo lang ang laman nitong kotse kung magkwentuhan kayo,'' naiiling na sambit nito. Namula ang dalawang pisngi ni Emily sa narinig. Paano niyang hindi napansing hindi na nagsasalita ang mga ito? Nakakahiya! "Hindi nga kami sumasabad eh. Parang nakakahiya kasi kayong istorbohin," a devilish grinned were formed in Emira's lips. Sinegundahan naman ito ng magaling nilang bunsong kapatid. "Oo nga, kaya shut-up nalang kami dito sa likod. Ayaw naming sumabad sa usapang mag-asawa," Nagkatawanan ang dalawang bruha. Nanlaki ang mga mata ni Emily sa narinig at hiyang hiya na pinanlalakihan ang mga ito ng mata. "M-Mag asawa...! Kayo nga ang mga kalokohan niyo ilagay niyo sa lugar, nakakahiya kayo kay Dante...!" gigil na sambit niya. "Oh, I'm sure Dante don't mind... right, Dan?" nakakalokong tanong dito ni Emira. Nakita naman ni Emily ang matinding paglunok ni Dante at paano tumulo ang pawis nito sa noo. Tila nakorner ito sa isang sulok. Nangatal ang mga labi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD