Shine’s POV
“Guess what?” Bungad ko kaagad sa barkada ko ng marating ang table nila. Kay lapad ng ngiti ko habang nakatayo sa pagitan ni Kuya Rain at Rafa na parehong nakaupo. Nabaling sa ‘kin ang atensyon nilang lahat. Nilagay ni Rafa ang braso nito sa baywang ko at hinila ako palapit sa kanya. Inakbay ko naman ang isang braso ko sa kanyang balikat, inabot ko ang kanyang baba at nilaro ng daliri ko ang mumunting buhok niya roon.
“What?” Sabay-sabay na tugon ng mga kaibigan ko.
“Dad, allow me to have an after party!” I excitedly said.
“So, does it mean, you’re allowed to drink too?” Kuya Rain asked to confirm.
“Of course, Kuya! Eighteen na ‘ko! Legal na ‘kong uminom!” Saad ko.
“What is the only thing I strictly forbid?”
Napalingon ako sa likod ko ng marinig ang boses ni Daddy. Lumuwag ang hawak ni Rafa sa ‘kin ng lumapit ako kay Daddy. Siniksik ko ang sarili sa tagiliran niya sabay akbay niya sa ‘kin.
“Having a boyfriend,” I rolled my eyes. Natawa naman ang mga kaibigan ko.
“Wag mag-alala, Tito, bantay sarada yan sa ‘min!” Saad naman ni Uno.
“Good! I count on you, guys!”
“Oo, Tito yung tipong isang metro pa lang ang layo backstroke na agad,” singit ni Thirdy.
“Gago!” Mura ng tropa ko.
“Yung bubuka pa lang ang bibig spin kick na agad,” sabat naman ni Rafa.
Tawang-tawa naman ang buong tropa.
“Saya n’yo, no?”
“But hopefully no one from you guys ang may balak-”
“Na! Mahal pa namin buhay namin!” Sabay-sabay nilang sabay.
“Daddy, gross! They’re like my kuyas!”
“Good! She can go out now with you guys, she can drink but moderate, no cigarettes, most especially drugs, but I know you guys are not in to it-”
“Si Thirdy lang, Tito, laging bangag,” kantyaw ni Uriel.
“Hoy, shuta ‘to! Panty lang sinisingot ko-”
“Thirdy!”
Sabay kaming nagtawanan ng marinig ang boses ni Tita Addison.
“Hanep ‘tong nanay ko, ‘di na ‘ko magtataka sa’n nagmana si Alien dahil mukhang kamag-anak ng nanay ko yung alien sa Quiet place-”
“I heard you, Thirdy! One year grounded!”
Napalingon kaming lahat ng marinig ang malakas na tawa ni Tito Miggy. Nasa katabing table lang kasi sila.
“Wawa!” Kantyaw ni Tito Miggy sa anak.
“Ta’s nagtataka pa kayo ba’t lagi akong bangag tatay ko nga laging sabog!”
Nahinto naman sa pagtawa si Tito Miggy at kay samang tinignan ang anak.
“No allowance for one year, mag part time ka sa farm, taga IE ng inahing baboy,” saad nito. Tawang- tawa ang ang buong tropa.
“Shuta, sana all!” Kantyaw ng tropa.
“Nasa mga limang raan yun,” saad ni Dos.
“Magsawa ka roon,” tawang-tawang saad ni Rafa.
“Saya n’yo!”
Napuno ng kantyawan ang buong mesa. Napapailing na lamang ako sa kulitan ng magkabilang grupo. Parang magbabarkada lang rin.
Matapos kong isa-isang nilapitan ang bawat table ng mga guests ko’y sa mesa nina mommy ako umupo.
“Miggy boy, okay lang yan,” napalingon ako kay Tito Miggy na ngayo’y nakatingin na sumasayaw na sina Fifth at Uriel.
“Sana ginaya mo si Justine, tinalo pang tore ni Rapunzel sa taas ng bahay. Walang terrace-terrace! Nakaglass wall pa! Walang makakalusot!” Saad ni Tito Kevin.
“Of course!” Segunda ni Daddy.
“Justine, ‘di ka naman Architect, pa’no mo naisip ‘yun?” Segunda ni Kyle.
“Iba pag base on experience,” sabat ni Tito Jeric.
“Naman, it’s hard to be haunted by our own ghosts,” saad ni daddy.
Yes, my room and Ate Abby's room are on the top floor of our house, which consists of five floors. Walang terrace ang mga kwarto namin ngunit tanaw pa rin naman ang view sa labas dahil nakaglass wall ang harapang bahagi ng room namin. May mga bintana pero nakarailings.
It was already eleven o’clock when my birthday party inside the Grand hotel had ended but for us it was just the beginning of the real party.
The bar was a blur of neon lights and loud music, the kind of place where the drinks flowed freely. It was a usual weekend crowd, a mix of laughter, clinking glasses, and the low hum of conversation blending with the background music.
Naka-akbay si Rafa sa’kin habang papasok kami ng A’coholic nang maalalang naiwan ko sa loob ng kotse ang cellphone ko.
“What?” Tanong niya ng huminto ako bigla.
“I left my phone inside my car, mauna na kayo, kukunin ko lang,” saad ko.
“Samahan na kita-”
“Wag na, I’ll be quick!” Hindi ko na hinintay ang sagot niya at basta na lamang tumalikod pabalik sa pinto palabas ng bar.
“Where are you going?” Tanong ng mga kaibigan ko.
“Naiwan phone ko, kunin ko lang saglit,” sagot kong ‘di sila tinitignan habang nagmamadali ang mga kilos ko palabas.
“Hintayin ka na namin dito-”
“Wag na, dumiretso na kayo nakaharang kayo sa daraanan,” putol ko.
Naging alerto naman si Kuya Ben nang makita ako palabas ng A’coholic. Kuya Ben is my personal driver slush bodyguard. Sinalubong niya ‘ko.
“Uwi na tayo ma’am?” He asked.
“No! Of course not!” Mabilis na tanggi ko. “I left my phone inside the car, can you please get it for me?”
“Sige po.”
Hindi na ako sumunod sa kanya patungo sa sasakyan. Hinintay ko na lamang ang pagbalik niya. Nakatayo sa labas ng A’coholic. Sa rami ng mga tao lalo dahil weekend ay hindi maiiwasang masagi ako ng iilan sa kanila. Nang ‘di sinasadyang natabig ako ng babaeng lasing, muntikan na kong matumba mabuti na lamang at may maagap na mga kamay ang mabilis na sumalo sa ‘kin.
“My God!” Bulalas ko.
“Sorry, miss! Lasing kasi,” hinging pasensya ng kasama ng babae habang inalalayan naman ako ng sumalo sa ‘kin makatayo ng tuwid. Hindi ako agad nakasagot, agaw pansin kasi ang bango ng lalaking tumulong sa ‘kin lalo ang gawi ng paghawak niya sa ‘kin, I suddenly felt so safe in those big arms. I was about to thank him ngunit napalingon ako kay Kuya Ben ng tawagin niya ‘ko at nang lingunin ko ang lalaki’y wala na siya sa tabi ko.
“Ma’am okay lang kayo?” Nag-alalang tanong ni Kuya Ben marahil ay nakita nito ang nangyari sa ‘kin.
“Opo, nakuha niyo po phone ko?” Tanong ko.
“Ay! Opo, heto po,” saad nya sabay abot ng cellphone ko.
“Thank you, po! Balik na po ako,” paalam ko saka tumalikod at umalis.
Pumasok muli ako sa glass door ng bar. Siniksik ko ang sarili sa gitna ng maraming tao, tinitingnan ang paligid para hanapin ang mga kaibigan ko ngunit habang ginagala ko ang mga mata sa paligid ay agad nakuha ang atensyon ko sa isang matangkad na lalaking nakasandal sa counter who was casually talking to the bartender. I don't know but there was something about him that drew my attention instantly. He had this relaxed confidence, like he was perfectly at ease with himself and the world around him.
He was about to sip on his wine glass nang tila’y naramdaman niyang may nakatitig sa kanya, napalingon siya sa gawi ko, hindi ako nag-iwas ng tingin. Sinalubong ko ang mga titig niya, nakipagtitigan ako sa mga mata niya.
His eyes, a deep shade of blue, met mine for a fleeting moment. Was it just me or did he feel it too, the spark, I felt a connection that I couldn't quite explain…
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakikipagtitigan sa kanya tila nawala ako sa 'king sarili saglit. It was like everything else faded into the background.
“Shine, here’s our spot,” inakbayan ako ni Rafa ngunit nanatili ang mga titig ko sa kanya, napasunod siya ng tingin sa ‘kin ng igiya ako ni Rafa patungo sa couch na napili ng barkada. Gagya ko tila walang balak na tanggalin ang mga titig sa ‘kin. There’s something in his stares, it feels so good, feels like butterflies are fluttering in my belly, the kind of gaze that makes me wish he'd look at me forever.
Ayaw ko sanang mag-alis ng titig sa kanya kung hindi lamang sa mga taong nakaharang. Nakita ko na lamang ang sarili kong nakangiti habang palapit sa pwesto ng mga kaibigan ko. Agad na inabutan ako ni Kiara ng isang bottle ng beer. Sabay-sabay namin itong tinaas sa ere.
“Happy birthday, Shine! Cheers!” Sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan ko.
“Cheers!” Malakas na sigaw ko sabay kumpulan ng mga hawak naming bote.
I really did enjoy the night with my friends. Saglit na nawala siya sa isipan ko habang nakikipagkulitan sa mga kaibigan ko.
Napalingon ako kay Rafa, nakit ko ang swabeng paghithit nito sa hawak niyang vape sabay buga ng usok pataas, ang angas parang gusto kong sumubok.
“What?” Untag niya sa ‘kin ng makitang nakatitig ako sa kanya.
“Can I try-”
“No!” Hindi pa nga ako tapos magsalita ay binara niya agad ako. I pouted my lips.
“Isa lang-”
“Hindi, nga!”
“Damot!”
“Let’s dance!” Aya nina Amber.
“Dito lang ako, nahihilo na ako,” saad ko.
Naiwan ako kasama nina Rafa, Dos, at Ian.
I was on my third— no, fourth?—bottle of beer, ‘di ko na matandaan, feeling the buzz take over, making me bolder and more carefree than usual.
All of a sudden, naalala ko bigla yung matangkad na lalaki. I found myself scanning the place, I started to look for him, the guy with deep blue eyes. Umiikot na paningin ko ngunit desidido pa rin akong hanapin siya’t kausapin.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Abala sa pag-uusap ang tatlo, iniwan ko sila at nagsimulang humakbang upang hanapin yung lalaki.
“Gotcha!” Anas ko sa sarili.
I spotted him across from where I stood. Nanatili siya sa kanyang pwesto kung saan ko siya nakita kanina but this time ay hindi na siya nakatalikod sa gawi ko. He was still standing by the bar, casually sipping on a wine glass, whiskey, I guess. Kinuha ko ang pagkakataon na matitigan siya ng matagal. He was effortlessly attractive, with tousled dark hair and a jawline that could cut glass. He's strikingly hot! My liquid courage kicked in, and I decided to make my move.
Naglakad ako palapit sa kinatatayuan niya. Sinusubukang panatilihin ang balanse ko with my three inches high heels. Medyo tipsy na ‘ko mula sa mga nainom kong beer. Nang makalapit ay sinandal ko ang sarili sa gilid ng counter. Mula sa gilid ng mga mata ko’y alam kong nakuha ko ang kanyang atensyon. Dama ko ang mariin niyang mga titig. Nag-angat ako ng tingin, muli’y nagsalubong ang mga mata naming dalawa. I flashed a tempting smile.
“Hi!” Bati ko sa kanya.
He took a sip on his wine glass, I noticed the way his lips curved into a slight, appreciative smile without taking his eyes off me.
“I hope you didn't fake your age just to get into this place,” as I heard his voice for the first time, a shiver ran down my spine. It was deep and commanding, with a coldness that sent chills through me. Each word seemed to drip with authority, resonating with a raw masculinity that demanded attention. It was the kind of voice that could silence a room with just a few words, its icy tones cutting through the air like a knife. In that moment, I couldn't help but be both intimidated and strangely fascinated by the sheer power of his voice.
I was suddenly rendered speechless for a second. I immediately composed myself as well.
“Will I be flattered or offended? Rest assured you won't be charged with child abuse,” buong kumpyansa kong saad sa kanya.
“I just don't want any trouble.”
“Do I look like trouble to you?”
A corner of his lips lifted slightly.
Hindi siya sumagot. Muli’y sumimsim siya mula sa hawak niyang wine glass.
“A close friend of mine owns the bar. I just saw you today. Do you come here often, or did you just show up to make my night?”
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para isatinig iyon. Kay laki ng partisipasyon ng nainom kong alak para sa binitawan kong salita. I worried a bit, baka nagmumukha na akong desperada makuha lang ang atensyon niya.
He chuckled, a deep warm sound that made me grin. "I'm here pretty often," he replied, his voice smooth and inviting. “Ikaw? Maganda ba ang gabi mo?”
“Mas maganda ngayon,” I said, giving him the most flirtatious smile. “I’m Shine, by the way,” I handed him my hand. Bahagya niya iyong sinulyapan. Nilapag niya ang hawak niyang baso sa ibabaw ng counter. inabot niya ang kamay ko. As our hands met, a sudden jolt surged through me, causing a tingling sensation down my entire being. It felt like an electric charge passed between us, creating a connection that left me momentarily stunned. In that fleeting instant, I felt a magnetic pull, drawing me closer to him, leaving me at a loss for words.
“Shine…” There was something about the way he said my name that made me feel so special, as if my name had never sounded better than it did in that moment.
“I’m Allaric…” The name that will undoubtedly be engraved in my heart forever.
“It sounds familiar, katunog ng pangalan ng mapapangasawa ko.”
“Shineeca Jasmine!”
Kay bilis kong nabitiwan ang kamay niya ng marinig ang sabay-sabay na pagtawag ng mga tropa kong lalaki sa pangalan ko. Paglingon ko’y seryosong mga mukha ng tropa ang nasilayan ko.