Shine’s POV As we made our way to the restaurant section, we were both silent, none of us wanted to talk first until we passed several lined-up restaurants. “A-ahm, what would you prefer to eat for dinner?” Maya-maya’y untag niya sa ‘kin. Medyo nagulat pa ‘ko ng magsalita siya, pano kasi’y abala ang utak ko sa pag-proseso sa bilis ng mga pangyayari. “H-ha?” Nilingon ko siya, saglit lang at muling binalik ang tingin sa harapan ng magtama ang mga mata namin. “I-ikaw, po, ikaw po bahala,” tugon ko. Kahit saan basta kasama kita, nais ko sanang idugtong pero mahal ko pa sarili ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Muli’y ilang restaurant pa ang dinaanan namin. Muli’y okyupado ang utak ko. Dire-diretso lamang ang hakbang ko hanggang sa nagulat na lamang ako ng hawakan niya ang isang kamay ko.