Shine’s POV Pasukan na ulit. Second year college na ako at Prof ko pa rin si Gavin sa dalawang minor subjects ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako para kumain ng breakfast. “Shine, can you hand me the rice, anak,” utos ni mommy sa ‘kin. Gamit ang dalawang kamay ay kinuha ko ang rice plate at nilapit kay mommy. Saglit na nahinto si mommy at napatitig sa kamay ko. Napalunok ako ng wala sa oras ng mapansin niya ang ring kong bigay ni Gavin. “Nice ring, when did you just buy it?” Tanong ni Mommy. Mabilis kong sinulyapan si Daddy. Napatingin rin siya sa kamay ko. “Matagal na ‘to mom, birthday gift ko sa sarili nung debu ko,” pagsisinungaling ko. “Ganun ba, ngayon ko lang napansin.” “‘Di ko rin siya laging sinusuot,” tugon ko naman. “Nice, looks like your mom’s enga