Shine’s POV “Sir Patterson?” Narinig kong sambit ni Rafa. Hindi ako makapagsalita, I was shocked. No! I was surprised. Anong ginagawa niya rito? Sinadya ba niyang sundan ako rito? At bakit parang galit siya? May nagawa ba akong kasalanan? Mula sa akin ay nilipat niya ang tingin kay Rafa. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin, naroon pa rin ang galit sa mga mata. “I apologize, it was an accident. I was reaching for something in the backseat when I unknowingly pressed the horn,” kalmado niyang saad. “Ayon naman pala, Rafa,” saad ni Uriel. “Pasensya na sir.” Unti-unti namang kumalma si Rafa. “Pasensya na rin, Sir. Nabastusan lang talaga ako kanina. Akala ko trip mo lang,” dagdag pa ni Rafa. “It’s fine,” muli niyang nilipat ang tingin sa ‘akin, muli’y nakita ko ang galit sa kan