Shine’s POV “Shine!” Muli ay tawag sa ‘kin ng mga tropa ko. Ayaw ko mang iwan siya ngunit kailangan ko ng kumilos dahil sa tunog ng boses nila’y alam kong palapit na ang mga ito sa kinaroroonan namin ni Gavin. Malakas akong napabuntong hininga. Naipikit ko ang mga mata nang pinagdikit niya ang noo naming dalawa. We shared the breath, hingal kami pareho mula sa pinagsaluhan naming halik. “I have to go now, Babie before they gonna see us here together,” ‘di ko mapigilang makaramdam ng inis lalo sa sitwasyon na meron kami ngayon. Tila ba kay laki ng kasalanan naming dalawa, para ba kaming magnanakaw na nagtatago at takot na mahuli. “D*mn, it's so hard to let go,” muli’y pinatakan niya ng halik ang labi ko sabay yakap sa ‘akin ng mahigpit. Niyakap ko siya pabalik, sing higpit ng yakap n’