Shine’s POV Upang hindi makita ng barkada ang bigay ni Gavin na flowers ay pinabili ko si Kuya Ben ng pinakamalaking paper bag kung saan ko balak na itago ang bouquet at bago pa nga natapos ang klase ay nakatayo na labas ng classroom ko si Kuya Ben bitbit ang paper bag na inutos ko sa kanya. Ilang saglit nga ay narinig na namin ang pag-tunog ng bell. Nahinto naman sa pag-lelecture si Gavin ng marinig ang itol hudyat na tapos na ang oras ng class niya. “Stand up for prayer,” utos niya sa aming mga estudyante. Nagsitayuan kaming lahat. Gavin led the prayer. “In the name of the father, of the son, and of the Holy Spirit,” then he started uttering his prayer. “Amen!” Sabay-sabay naming tugon at nag-sign of the cross matapos siyang mag-pray. “Before you go, let me remind you that we’ll