Tumingin ako kay Chief. Hindi kasi ako makapaniwala sa pinag-uutos nito sa akin. Saka, mahirap banggain ang isang mafia lord. Nakakatiyak akong nasa ilalim ng lupa ang isang paa ko, baka nga dalawang paa, eh. Baka hindi pa ako nakakalapit sa lalaking mafia lord ay tinamaan na ako ng bala ng baril nito. At iyon ang ikamatay ko ng maaga, matitigok pa yata akong hindi man lang nakakatikim ng masarap na langit.
“SPO 3, Gatchalian, simple lang naman ang ipapagawa ko sa ‘yo, subaybayan mo lang si Mr. Z at maghanap ka ng mga ebidensya. Hindi mo naman kailangan makipaglaban sa kanya. Saka, oras na makakuha ka ng matibay na ebidensya na may ginagawa siyang kakababalaghan ay madali na lang natin siyang maipapalukong. At kung mangyari ‘yun titiyakin kong tataas ang rango mo.”
Dahil sa sinabi ni chief inspector natataas ang aking rango ay mabilis pa sa alas-kwatrong sumang-ayon ako rito. Gumanda rin ang ngiti ko sa aking chief. Kitang-kita ko namang nakahinga ito ng maluwag.
“Pag-aralan mo ang nilalaman ng files na ito upang may alam ka kay Mr. Z. At bago ka kumilos ay dapat alam mo na ang lahat-lahat sa kanya. Mag-iingat ka, SPO 3 Mich Gatchalian, dahil isang Mafia Lord ang susubaybayan mo.”
“Salamat po, chief,” anas ko rito. Hanggang sa nagmamadali na akong tumayo mula sa aking pagkakaupo. Agad din akong umalis at baka naghihintay na sa akin si Jocita. Mainipan pa naman ang babaeng ‘yun. Ang pinakaayaw pa naman noon ay paghihintayin ng matagal. Ang sarap lang peksusan ng babaeng ‘yun.
“Ang tagal mo naman, Mich, nilalangaw na ako rito. Siguro kung isa akong karneng baboy, tiyak wala nang bibili sa akin dahil marami nang dumapo sa akin na langaw!” palatak ni Jocita, hindi rin maipinta ang mukha nito. Gusto ko tuloy matawa itsura ng babae.
“Pasensya na po aking kaibigan, sapagkat marami pa kaming pinag-usapan ni chief tungkol sa mga kasong dumating.”
Bigla namang tumawa ng malakas si Jocita. Pinitik din nito ang aking noo.
“Ikaw naman hindi ka na mabiro, Mich, let’s go na nga at ililibre mo pa ako ng meryenda para naman matuwa ako sa ‘yo kahit dalawang oras lamang,” nakangising anas ni Jocita sa akin.
Iiling-iling na lamang ako na hinawakan ko ang kamay nito para hilahin na ito para umalis. Hindi naman kalayuan ang Mall na pupuntahan namin kaya nagdesisyon kaming maglakad na lamang upang makatipid kahit papaano.
Ngunit biglang napahinto si Jocita sa paglalakad at tila kinikilig ito na tinitingnan ang kotseng papalapit sagawi namin.
“Oh! My Gosh! Hindi ako puwedeng magkamali si Mr. Z, ang sakay ng kotse na ‘yan! Teka muna, baka biglang mahulog ang aking underwear!” palatak ng babae, mabilis din nitong hinawakan ang gilid ng beywang niya para kapain ang panty nito kung nandoon pa, lalo at bakasuot pa naman ito ng miniskirt.
Nagtimpi na lamang akong mapahalakhak at baka masapak ako ni Jocita.
Mayamaya pa’y tuluyan na ngang dumaan sa harap namin ang kotse at ang sabi ni Jocita ay sasakyan daw ni Mr. Z. Ngunit napansin kong parang dahan-dahan itong tumatakbo nang tumapat sa amin ni Jocita.
Tumaas na lamang ang kilay ko lalo at hindi ko naman tiyak kung tunay bang si Mr. Z, ang nasa loob ng kotse. Marahas na lamang akong umiling at muling pinagpatuloy ang paglalakad ko. Hindi ko na lang pinansin ang kotseng tila ba sumasabay sa amin ni Jocita.
Ang kaibigan ko namang si Jocita ay kilig na kilig na para bang maiihi. Kaya naman para mabulilyaso ang kilig na nararamdaman ng babae ay agad ko itong hinila papalayo.
“Mich, bakit mo naman ako hinila? Sayang naman, dahil nakita kong binuksan na ni Mr. Z, ang bintana ng kotse niya!” palatak ng babae at nasa tono nang pananalita nito ang panghihinayang.
“Nakakatiyak ka bang mukha ni Mr. Z ang tumambad sa ‘yong harapan? Paano kung isang granada pala? At pinasabog ang mukha mo? Magiging ikaw na si Jocitang sunog ang mukha, saka, hindi naman natin kilala ang Mr. Z na ‘yun, eh,” tuloy-tuloy na litanya ko kay Jocita.
Kitang-kita ko namang parang natakot ang babae sa mga pinagsasabi ko. Hinawakan din niya ang kanyang mukha na tila takot na takot.
Natatawa na lamang ako sa itsura ng babae. Hanggang sa tuluyan ko na itong hinila para makapasok na kami sa loob ng Mall. Lulubos-lubusin ko na ang pamamasyal dahil bukas ay sisimulan ko na ang pagsubaybay kay Mr. Z. Sana lang ay makakuha ka agad ako ng mga ebidensya laban sa Mafia Lord na ‘yun. At sana lang ay buhay pa ako bago matapos ang taon na ‘to.
Aaminin kong kabado ako sa aking gagawin bukas, lalo at isang mafia ang aking susundan. Gosh! Tama bang tinanggap ko ang pinag-uutos sa akin si Chief? Parang bigla akong nagsisi?
“Mich, ayos ka lang? Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?” Mabilis naman akong napalingon kay Jocita. Doon lamang ako natauhan nang magsalita ang babae.
“Jo-Jocita. . . Ahhh. . . Eh. . . A-Ano kasi--- nagugutom na pala ako, hindi nga pala ako kumain kanina bago tayo umalis.”
“Naman! Problema ba ‘yun? Eh, ‘di kumain muna tayo, ayon, oh, restaurant.” Sabay turo nito sa restaurant dito sa loob ng Mall. Wala naman akong nagawa nang hilahin niya ako.
Ito na rin ang naghanap ng table na puwede naming ma-pwestuhan. Nang may lumapit sa amin na waiter ay agad kaming nag-order ng makakain namin ni Jocita.
Ngunit biglang lumaki ang mga mata ng kaibigan ko habang nakatingin sa pinto ng restaurant. Kumunot tuloy ang aking ulo habang nakatingin kay Jocita. Kaya naman sinundan ko na lamang ng tingin ang sinusundan nito.
Napakunot ang aking noo, nang masilayan ko ang mukha ng lalaking papasok dito sa loob ng restaurant. Ngunit dali-dali ko ring binuklat ang aking bag para tingnan ang picture na galing kay chief inspector at baka nagkakamali lamang ako ng tingin.
Nang makita ko ang picture ng lalaki ay muli akong tumingin sa likuran ko para tingnan muli ang picture ng lalaking papasok dito sa loob ng restaurant. Aba! Siyang-siya talaga ito, ah? Mabilis ko ulit itinago ang picture ni Mr. Mafia Lord.
Grabe, mas gwapo pala ito sa personal? Mabuti na lang hindi ako tumitig nang matagal sa mukha nito. Para kasing nakakaadik titigan ang gwapong mukha nito. Bigla tuloy akong napahilot sa aking noo. Peste! Bakit bigla yata akong humanga sa isang lalaki? Hindi puwede ito kailangan ko itong supilin.
Hanggang sa sabay kaming napatingala ni Jocita dahil lumapit sa harap ng table namin ang mga tauhan ni Mr. Mafia Lord, ganoon din si Mr. Z.
Tumingin ako kay Jocita na nakanganga pa rin habang nakatingin sa mga lalaking boby guard. Kumunot din ang noo ko at may pagtataka sa mukha ko habang nakatingin sa kanila?
“M-Mga Mr. May kailangan ba kayo?” tanong ko sa kanila. At pinilit kong hindi mabulol.
“Sige na, dalhin ang dalawang babaeng ‘yan!” malamig na utos ni Mr. Z sa mga tauhan yata nito. Sabay naman kaming napasinghap ni Jocita dahil sa aming narinig.
Ano’ng problema nila?