Chapter 18

1803 Words

Lumabas ako ng restroom at saka nagtuloy sa pagwo-workout. I did my best to focus at hindi na sila pinansin pa. Malamang ay nagtataka silang lahat kung bakit ako nakatalikod sa kanila. Nang matapos kaming lahat ay nagpasya na silang magpunta sa bahay ni Ares. Naunang lumabas sina Theo at Collin sa gym. Sumunod ako sa kanila habang si Ares at Natalya ay naroon pa rin sa loob at nag-uusap. Ganoon ba sila katagal na hindi nagkita para hindi sila matapos sa pinag-uusapan nila? “Hintayin natin sina Ares,” wika ni Collin. Sakto namang palabas na silang dalawa ni Natalya. Sabay pa talaga silang lumabas. Like magkatabi at may sinasabi pa si Ares sa kanya. Tumango naman si Natalya hanggang sa makalabas na sila ng gym. “Mauna na kayo, susunod ako,” wika ni Natalya. Lumakad siya papunta sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD