Part 10

1026 Words

UMUBO nang umubo si Ailyn pagkaahon niya sa tubig na binagsakan niya ng hilahin siya ni Riki. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya sa kakulangan ng hangin at sa tubig na pumasok sa ilong at lalamunan niya. Nangaligkig si Ailyn sa lamig at bumigat ang pakiramdam niya dahil sa nabasa niyang damit. Napasinghap siya nang sa wakas ay makatayo siya nang maayos. Inis na inis na binalingan ni Ailyn si Riki na kasalukuyang tawa nang tawa. “Bakit mo ginawa `yon?” umuubong angil ni Ailyn sa binata. Lalo siyang nainis nang painosenteng tumingi sa kanya si Riki. “Anong ginawa? Ang sabi ko tulungan mo akong umahon. It is not my fault if you weren’t strong enough to keep me from pulling you. Akala ko ba mas malakas ka kaysa sa akin?” Napatiim-bagang siya. “Para kang bata,” sikmat ni Ailyn sa binata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD