Part 11

1083 Words

SUNOD-SUNOD na katok sa pinto ang nagpagising kay Ailyn kinabukasan. Napaungol siya dahil sa palagay niya ay kakatulog lang niya. Hindi kasi agad inantok si Ailyn kagabi dahil inis na inis pa rin siya kay Riki at sa sarili niya dahil iniisip niya kung ano na ang ginagawa ng binata at ng babaeng kasama nito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gigil na gigil siya nang makita si Riki na nakikipaghalikan sa babaeng iyon. Naiinis na bumuga si Ailyn ng hangin at marahas na bumangon sa kama. Hindi kaya si Anton na naman `to? Nang maisip ang posibilidad ng pagsulpot na naman ng kapatid niya ay lalo lang siyang nainis. Marahas na binuksan ni Ailyn ang pinto nang makarating siya roon. “Akala ko wala ka na dahil hindi ka sumasagot.” Napabuga siya ng hangin nang makitang si Winnie pal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD