Part 8

1239 Words

KULANG ang salitang nasorpresa para ilarawan ang reaksiyon ni Ailyn nang makapasok sila sa opisina ni Raiven na kasinglaki at kasinsosyal ng pad ni Riki. Mas propesyonal lang ang dating niyon. Sa guest area sila dinala ni Raiven kung saan narinig ni Ailyn ang hagikgik ng isang batang babae. Napahinto siya sa paglalakad dahil huminto rin sa bungad ng pinto si Riki. “Oh, so the brat is also here,” wika ng binata. Natigilan si Ailyn sa pag-iiba ng tono ni Riki. Mas naging malambot at mainit iyon, bagay na noon lang niya narinig mula sa binata. Nagkaroon tuloy siya ng matinding kagustuhan na makita kung ano ang ekspresyon ng mukha ni Riki nang mga sandaling iyon. “Riki!” tili ng batang babae. Sa lalong pagkamangha ni Ailyn ay narinig niya ang naaaliw na tawa ni Riki bago tuluyang pumaso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD