Kabanata 8.. Kinaumagahan... "Good morning, Elice." bati ni Andrew sa dalaga. Marangya na pinalo ng unan sa katawan ni Andrew ang kaibigan na natutulog pa. "Hoy bruha!! Izabel, Umaga na! Tumayo ka na d'yan!" hinila nito ang kumot para mabungad sa kanila ang katawan ng dalagang ginigising. "Andrew.. Maaga pa, mamaya pa naman 'yung alis natin 'di ba?" pupungas-pungas niyang sabi at itinabing pa sa mukha ang unan na hinila niya galing sa gilid niya. "Mamasyal tayo, di ba? Iyon naman ang usapan, 'di ba? Kaya bumangon kana at gumayak, okay?" "Mamaya na lang. P'wede? Inaantok pa kase ako." binaluktot niya ang paa sa pagkakahiga para lalong makapwesto sa pagtulog ulit. "Gusto mo ipasyal kita Andrea?" Biglang sagot sa usapan nila si Elice. "H'wag na! Salamat na lang! Bruha ka Izabel! P