"Bakit mo ako ginaganito? Wala naman akong ginagawa sa'yo ah?" Naiiyak na turan ni Panyang sa sarili dahil sa sakit ng puson. Ganito kasi kapag first day niya. May dysmenorrhea siya, pahirapan. Natatakot naman siyang mag-take ng gamot. "Oh please layuan mo ako. Ayoko na," malakas pang sigaw niya. Hindi na nakayanan ni Xian ang naririnig mula sa pintuhan ng babae. "Problema sa boyfriend? Teka may bf ba si Panyang?" Mahinang tanong sa sarili. Nakalimutan niyang tanungin ito tungkol sa personal life nito. "Ah please Lord help me. Ayaw ko na. Mamamatay na ako," malahaw na wika ng babae. Hindi na talaga napigilan ni Xian ang sarili pinihit at tinulak ang pinto. Nabungaran ang nakatuwad na si Panyang habang iniipit ang tiyan nito. "Ang sakit ng pus--" putol ang sasabihin ng biglang bumukas n