"Panyang," tawag ni Xian. Nakita niyang nakakumot ang babae, agad siyang sumampa sa kama dahil may permiso na naman ang ama. Niyakap ang dalaga saka bumulong. "I love you," bulong dito. Bumalikwas si Panyang at nakita niyang madilim pa rin ang mukha. "Huwag mo akong daanin sa pa-I love you, I love you mo ha," mataray na turan sa lalaki. "Anong ginagawa niyo ni Fiona? Bakit mo siya buhat?" Sunod-sunod na tanong sa kasintahan. Nakita niyang maluwang ang pagkakangiti nito. "Huwag mo akong ngingisihan. Kailangan ko ng sagot," ubos pasensiyang saad. "Okay, Fiona came and ask me to talk to Mr. Ocampo because he had an affair with Mr. Ocampo's son and he's pregnant. That bastard doesn't want to take the responsibility and she want me to talk to the old Ocampo so that he could talk to his son