Kabanata VI

1903 Words
Bago pa man ako makauwi ay muli akong dumaan sa HR Office at hinanap si Miss Gina. I’ve decided na tanggapin ang alok ni Sir Clyde. Malaki ang tulong ng benepisyong matatanggap ko kung sakaling tinanggap ko ang alok na ito. Saka ko na lang iisipin si Celestine kapag nandiyan na siya sa harapan ko. Kung bubuwisitin niya araw ko, mas bubuwisitin ko rin ang araw niya. Basic. Nang makarating ako sa HR at ipinaalam kay Miss Gina ang desisyon ko'y tuwang-tuwa ito. Tinawag pa nito si Sir Clyde, just like her ay masaya rin si Sir Clyde sa naging desisyon ko. May pinabasang papeles sa akin si Miss Gina, she even told me na I can take it home. Pinag-antay niya pa ako ng ilang saglit to give me my new company's ID. Kung saan nakalagay sa ID na CEO's Secretary ang trabaho ko rito sa kumpanya. Pagkatapos no'n, ay umuwi na ako. Sinabihan ko na rin si Chloe na mauuna na ako sa kaniya at dumaan na muna siya sa bahay dahil may importante akong sasabihin sa kaniya. Kinagabihan ay dumating na nga si Chloe galing trabaho. Naghanda na rin si Mama ng dinner para sa amin. Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko si Chloe sa salas habang sina Mama at Shaina naman ay nasa kusina at kasalukuyang naghuhugas ng pinagkainan namin. Nang makaupo kami sa sofa ay nagsimulang magbukas ng usapan si Chloe. "Ano? Mukhang seryoso ang pag-uusap natin, ah," panimula niya. Sinulyapan ko pa sina Mama at Shaina na ngayon ay nagkukulitan sa lababo saka ko muling ibinaling ang atensyon ko kay Chloe. "Si Sir Clyde kasi, iyong daddy ng CEO…" "Ano'ng meron kay Sir Clyde?" "Kanina kasi tinawag ako sa HR. Alam mo naman na alam nilang sekretarya ng CEO ang una kong in-apply-an na trabaho, hindi ba?" Biglang nanlaki ang mata niya. "Wait! You mean?" "Itinanong nila sa akin kung gusto ko pa ba raw maging secretary ng CEO. Then, ayon…biglang dumating si Sir Clyde. Sinabi niya na kung sakaling tinanggap ko ang alok niya, at umabot ako ng isang buwan sa pagiging secretary ng CEO, dadagdagan niya raw ang mga benepisyong matatanggap ko—" "So, you agreed?" excited niyang tanong. "Yes," diretsong sagot ko. Tumili naman siya saka mabilis akong niyakap. "Omg! I'm so proud of you! So, ano? May susuotin ka na bang attire for tomorrow? Kailangan bongga! You need to be presentable in front of your boss. Ang guwapo kaya ni Mr. Monteverde!" kinikilig na sabi nito at bahagya pa akong niyuyugyog. "Hey, relax. Hindi naman si Mr. Monteverde ang dahilan kaya ko tinanggap iyon, e. Ayoko rin ng gulo. May kailangan pa akong isipin bukod diyan," wika ko. Tumaas naman ang kilay niya. "Ano naman iyon?" "Si Celestine. Iyong girlfriend ng CEO. Alam kong kapag nalaman niyang may bagong sekretarya na naman ang boyfriend niya, gagawa't gagawa ng paraan iyon para mapalayas ako." Pati si Chloe ay natahimik. "Well, at some point tama ka. But I know na hindi mo hahayaang mangyari iyon. Right?" She smirked. "Of course. You really knew me well." "So, ano na nga ang susuotin mo?" muling tanong niya. Nagkibit-balikat naman ako sa kaniya. Wala akong sense of fashion. Simple lang lagi ang mga suot ko unlike Chloe na mataas masyado ang sense of fashion. Parehas sila ni Bryle, since Bryle is a gay. "Knowing you, alam kong wala ka pang naiisip na puwedeng suotin." She glanced at her wrist watch. "Maaga pa naman. It's still eight in the evening. Tara sa mall?" Nagulat naman ako sa biglang pagyaya niya. "Ano'ng gagawin natin doon?" "Basta!" Saka siya tumayo. "Tita, aalis lang po kami saglit ni Sha, ah! Babalik din po kami agad!" paalam niya kay Mama. "Saan kayo pupunta, Tita Chloe?" tanong ni Shaina. "May importanteng bibilhin lang. Gusto mo ng ice cream?" Nagliwanag naman ang mukha ni Shaina saka mabilis na tumango. "Opo, Tita!" "Sige. Bibilhan ka namin basta behave ka lang, ah?" Alam ko kung ano ang binab alak ng babaeng ito. Mabilis niya na akong hinila paalis ng bahay. For Pete's sake naka-shorts lang ako ngayon! Pupunta kaming mall na ganito ang suot ko?! "Hoy, ano ba ang binabalak mo?" tanong ko nang makapasok ako sa kotse niya. "Mamimili tayo ng puwede mong suotin," seryosong sagot niya. "Wala akong pera! Tsaka may mga damit naman ako sa cabinet. Puwede na iyon." She even rolled her eyes and started the engine. "Hindi ko gusto ang taste mo sa pananamit. Kaya huwag ka nang magreklamo. This is my treat. Okay?" The next thing happened, nasa mall na kami. Ang dami naming boutique na pinasukan at si Chloe lang ang halos pumipili ng mga damit para sa akin. Pang-apat na botique na itong pinasukan namin. Aaminin kong nagagandahan din ako sa mga damit na ipinapasuot niya sa akin. May dalawang pares ng heels na rin siyang binili para sa akin. Kahit na hindi na magtrabaho si Chloe ay mayaman na sila. Kung saan-saan nga lang ang branch ng restaurants nila, e. Gusto niya lang din magtrabaho dahil ang sabi niya'y ayaw niyang umasa sa pera ng mga magulang niya. Wala rin siyang interes sa negosyo nila. Ang gusto niya'y kumayod muna mula sa baba. She's really that humble. Si Bryle naman ay abala sa mga salon na pinatayo niya. Kagaya ni Chloe ay marangya na rin ang buhay ni Bryle noon pa man. Ako? Simple lang naman ang buhay ko kasama sina Shaina at Mama. Hindi naman din ako maluho sa mga bagay-bagay dahil mas iniisip ko ang anak ko at ang kinabukasan niya. Saka na siguro kapag medyo nakaahon na kami. Kaya kailangan kong kumayod para sa amin. It took us two hours bago kami natapos. I know Chloe's tired already dahil galing pa ito sa kaniyang trabaho. "Excited na akong makita ka bukas! Ikaw na ang bahala kung paano mo susuotin ang mga iyan. Gumising ka ng alas singko para pagdesisyonan ang mga isusuot mo. Ayos ba?" "Ang dami nito, Chloe—" "Shut up, okay? Masaya lang ako for you. Alam mo naman na I am always this supportive when it comes to you. Huwag mo nang isipin ang mga ginastos ko." I sighed—giving up. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Miss Gina told me that I should be at the office around 7:30a.m. since lagpas alas otso naman daw pumapasok si Mr. Monteverde. Kagabi bago ako matulog ay binasa ko iyong mga papeles na ibinigay sa akin ni Miss Gina. Doon ko rin napagtanto na Lunoxx Monteverde pala ang pangalan ng CEO. He's 27 years old. He's just 4 years older than me since mag-23 na rin ako next month. One of Mr. Monteverde's rule is, he doesn't want him to be called Lunoxx or Sir. Gusto niya ay Mr. Monteverde lang. Ang dami ko pang nabasang mga rules na nandoon. Pati iyong mga schedules niya ay binasa ko rin. Wala namang mabigat sa mga patakaran niya kaya alam kong kaya kong tumagal doon. Nabanggit ko na rin kay Mama kagabi iyong tungkol sa bago kong posisyon. Masaya siya sa naging desisyon ko. Ipinagbilinan niya rin na kapag minaltrato ako roon ay umalis na dapat ako. Huwag ko raw hahayaan na apihin ako ng mga tao roon. Naligo na ako't nagbihis. It almost took me half an hour to find a clothes to wear. Ang hirap pala nito lalo na't ang dami kong pagpipilian. Sa huli ay pinili ko iyong white V neck cami and pair it with a nude trousers na high waist para mas maging visible ang figure ng katawan ko. Kinuha ko rin ang nude overcoat ko na binili ni Chloe sa akin saka isinuot ito. Habang ang isusuot ko namang heels ay ang black ankle strap heels na binili ni Chloe sa isa pang boutique. I am used to this kaya alam kong kaya ko ito hanggang mamaya. I ponytailed my long wavy hair at nang-iwan pa ako ng mga hibla ng buhok sa harapan. I finally look myself at the mirror and viola! I know I look good right now. Isinuot ko na ang ID ko, saka kinuha ang bag ko. Sinulyapan ko pa ang relos na nasa kwarto namin ni Shaina bago ako tuluyang makababa. 6:30 na ng umaga. Sakto lang dahil mag-aalmusal pa ako. Thirty minutes lang naman ang tagal ng biyahe papunta sa kumpanya. Sana ay hindi traffic ngayon. Pagkababa ko'y naabutan ko pa si Mama na nagtitimpla ng gatas sa kusina. Nang marinig nito ang yapak ko ay nag-angat ito ng tingin. Ngumiti ako sa kaniya saka bumati. "Good morning, Ma." Halatang natigilan siya nang makita ako. "Ang ganda mo naman, anak!" "Mama naman. Ang aga-aga," natatawang sabi ko. Lumapit siya sa akin saka inayos ang hibla ng buhok ko. Muli niya akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. "Manang-mana ka talaga sa akin!" sabi nito na ikinatawa namin pareho. Nag-almusal na ako at nang mag-alas syete na ng umaga ay nakarinig na ako ng pagbusina sa harapan ng bahay namin. Mukhang nandito na yata si Chloe. Nagpaalam na ako kay Mama saka lumabas. Hindi pa man ako tuluyang nakapasok sa kotse ni Chloe ay lumabas na ito saka pinagmasdan ako. Katulad ni Mama ay halatang namangha ito nang makita ako. "Hindi ako nagkamali sa mga damit na pinili ko para sa'yo. You look great!" puri niya. "Thanks to you!" Then I winked at her. Kagaya ng nakasanayan ay sabay kaming pumasok ni Chloe sa kumpanya. Ngunit, kakaiba nga lang ngayon dahil pagkapasok pa lang namin ay pinagtitinginan na ako ng mga empleyado rito. Biglang tumunog ang cellphone ko. It’s an unknown number. Sinagot ko naman ito. "Miss Riley, this is Clyde Monteverde." Muntik pa akong madapa nang marinig iyon. Napansin yata iyon ni Chloe kaya kagaya ko'y tumigil din siya. "Good morning, sir. Bakit po kayo napatawag?" "Where are you? Nandiyan na ang anak ko sa kumpanya." Namilog naman ang mata ko sa narinig. "Nako, sir! Kararating ko lang ho—" "Don't panic. He's just too early. Sige. I just wanted to check on you. Good luck." "Salamat po." Nang maibaba ko na ang cellphone ay tinanong agad ako ni Chloe kung sino iyong kausap ko. "Si Sir Clyde. Nandito na raw si Mr. Monteverde," sabi ko. Kaya nagmadali na kaming pumunta ng elevator. Nang makarating kami sa palapag ng opisina ni Chloe ay nagpaalam na ito sa akin. Huminga ako nang malalim. Ilang beses ko ring pinakalma ang sarili ko. Ba't ba ako kinakabahan? Bakit kasi ang aga niya ngayon? Aish. Nang tumunog na ang elevator at bumukas ito, alam kong nasa huling palapag na ako kung nasaan ang opisina ng CEO—at magiging opisina ko rin. Nang mailapag ko na ang bag ko sa desk, napansin kong may tao sa pantry area. Nakatalikod ito sa gawi ko at para bang may hinahanap sa cabinet. Paano ko nalaman? Dahil naiwang nakabukas ang pinto doon. Maybe it's Lunoxx Monteverde. The CEO. Naglakad na ako papunta roon. Hindi niya pa napapansin ang presensya ko. Sa huling pagkakataon ay kinalma ko muli ang sarili ko. I plastered a smile on my lips saka ako nagsalita. "Mr. Monteverde, kailangan po ba ninyo ng kape? Ako na po ang magtitimpla para sa inyo." Ngunit, hindi ko inaasahan ang nakita ko. Parehas kaming nagulat nang makita ang isa't isa. Iyong ngiti ko rin kanina ay unti-unting nawala. After four years, sino ang mag-aakalang magkikita pa kami ulit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD