CHAPTER 13

1673 Words
NAKAPIKIT pa ang kanyang mga mata nang abutin ni Angelie ang kumakantang alarm clock para patayin. Alas kwatro pa lang nang madaling araw, baka magising na si Michael at magagalit pa. Nakapatong ito sa mini table malapit sa itim na couch na kanyang hinihigaan. Nang silipin niya ang kanyang asawa na nakahiga sa malaking kama tulog mantika pa rin ito. Nais niyang bumangon para ayusin ang comforter sa katawan ng asawa ngunit nabibigatan siyang bumangon. Araw-araw ganitong oras siya madalas nagigising ngunit sa pagkakataon na ito ilang ulit siyang naghikab dahil antok na antok pa ang kanyang diwa. Muli niyang ibinagsak ang kanyang manipis na katawan sa itim na couch. Mabigat pa ang kanyang katawan para gawin ang kanyang morning routine. Inabot siya ng alas diyes kagabi sa hardin bago umakyat sa kanilang silid. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Kailangan niyang manatili ng ilang minuto sa higaan para dagdagan ang kanyang lakas. Pakiramdam niya pagod na pagod siya, namamaga ang kanyang mga mata, dahil sa walang sawang pag-iyak. Ibinalot niya ang kanyang nanginginig na katawan sa makapal na kumot dahil sobrang ginaw ng kanyang pakiramdam. Hindi rin naman niya magawang e-off ang aircon dahil magagalit sa kanya si Michael. Hindi ito makakatulog ng mainit. Sinubukan na niya isang beses na patayin ang aircon, sandamakmak na tadyak at sampal at tadyak ang inabot niya. ‘Lalagnatin yata ako.’ Sinubukan niyang bumangon kahit sobrang bigat ng kanyang pakiramdam. Pati ang kanyang ulo tila binabarina sa sakit. Hinang-hina ang kanyang katawan ngunit pinipilit niyang makaabot sa banyo. Para doon dumuduwal. Hilong-hilo siyang naupo sa kubeta. Pagkatapos ng ilang minutong nagpahinga, inabot niya ang first aid kit sa ibabaw ng sink. Nanginginig ang kanyang kamay na binuksan ang kabinet at kinuha niya ang digital thermometer para malaman kung mataas ba ang kanyang lagnat. Ilang minuto ang kanyang pinalipas bago tumunog iyon. Namilog ang kanyang mga mata nang makitang sobrang taas ng kanyang lagnat. Thirty nine point seven degree celcius. Kaya pala halos hindi na niya kayang maihakbang ang kanyang mga paa. Kumuha muna siya nang gamot at ininom iyon para hindi magtagal ang kanyang sitwasyon ngayon. Hindi pwede na magkakasakit siya dahil marami pa siyang gagawin. Magagalit na naman ang kanyang biyenan kapag hindi niya nagagawa ng maayos ang utos ng Donya. Kahit hilong-hilo ang kanyang pakiramdam ngunit sinikap niyang makabalik sa kanyang tinutulugan. Dumaan muna siya sa closet para kumuha ng sweater at medyas dahil sa ginaw na ginaw ang kanyang pakiramdam. Masakit ang kanyang buong katawan kaya nahihirapan siyang makakilos. Napahawak siya sa pader dahil muntik na siyang nabuwal, dahil mas tumindi ang sakit ng kanyang ulo at umiikot ang paningin. Dahan-dahan niyang inihiga ang kanyang nanghihinang katawan sa couch, pero bago pa man sinilip muna niya ang kanyang cellphone at tiningnan kung ano’ng oras na. Malapit na mag-alas singko ng umaga kaya minabuti niyang itulog muli ang kanyang nararamdaman baka maging maayos na ang kanyang pakiramdam paggising niyang muli. Alas otso pa nang umaga gigising si Michael kaya may dalawang oras pa siyang natitira bago makapagluto ng kakainin at ihanda ang mga kakailanganin ng kanyang asawa. Ilang minuto lang ang nakalipas muli siyang iginupo ng antok. “Aw! Ah!” mariing sigaw ni Angelie dahil sa sobrang lamig na kanyang nararamdaman. Napabalikwas siya ng bangon dahil sa labis na pagkabigla. Basang-basa at nanginginig ang kanyang buong katawan dahil sa malamig na tubig na ibinuhos sa kanya. Nang inilibot niya ang kanyang paningin para alamin kung sino ang may gawa. Sumulabong sa kanya ang nakakamatay at nanalisik na mga mata ni Donya Clemente, bitbit ang isang balde. Katabi nito si Myrna na nakapamaywang, mala asong gumisi ito sa kanya. Tila tuwang-tuwa pa ito sa kanyang sinapit. Daig pa niya ang basang sisiw na nagkahalukipkip dahil sa labis na panlalamig. Puno ng pagtataka ang mukha ni Angelie nang tumingin siya sa kanyang mala bruhang biyenan. Ano naman kaya ana kanyang nagawang kasalanan? Wala naman siyang natatandaan na may nagawa siyang mali. Ngunit hindi pa man siya nakahulma ng itatanong mabilis na tinawid ng donya ang pagitan nilang dalawa at mag-asawang sampal ang tumama sa kanyang pisngi, dahil sa panghihina ng kanyang katawan napapasulampak siya sa sahig. “Malandi kang babae ka! Haliparot! Pinatuloy kita sa pamamahay ko! Binihisan ka ni Michael tapos ganyan ang igaganti mo sa anak ko? Wala kang kasing landi! Manloloko! Get out of my house! Nakakadiri ka!” galit na sigaw ni Donya Clemente. Hindi pa ito nakuntento kaagad na hinablot ang mahaba niyang buhos dahilan na napasubsob ang kanyang mukha sa sahig. “A-aray! A-ang sakit! Bi-bitawan po ninyo ako,” nanginginig ang kanyang boses na nagmamakaawa. Ngunit tila hindi man lang siya nito narinig at nagpatuloy sa paghahablot sa kanya. Tumutulong na rin si Myrna sa paghila ng kanyang buhok, wala siyang nagawa laban sa dalawa dahil sa kalagayan ng kanyang katawan ngayon. Hindi pa man siya nakatayo ngunit muli na naman siyang pinaundayawan ng suntok ni Myrna. Hindi man lang niya magawang makailag o maprotektahan ang kanyang sarili sa mga demonyong tao. Sumulyap siya sa kinaroroonan ng kanyang asawa ngunit wala siyang nakitang pag-asa na matulungan siya dahil sa mahimbing pa rin itong natutulog sa kabila ng ingay ng kanyang ina at ni Myrna. Kahit ano’ng kanyang pagpupumiglas hindi pa rin siya nakakaligtas sa dalawa na tila ba mababangis na leon na ayaw magpaawat. Hindi man lang niya magawang maikilos ang kanyang mga kamay dahil hawak ito ni Donya Clemente habang patuloy siyang sinasaktan ni Myrna at tanging ang pagpalahaw na lamang ang kanyang nagagawa. “Ma-ma-ma awa na po kayo tama na! Wa-wala naman po akong alam sa pinagsasabi ninyo,” nanginginig ang kanyang tinig. Muli nagmamakaawa siya sa dalawa ngunit katulad kanina tila hindi man lang siya narinig. Tumigil lamang ito nang nakitang tuluyan na siyang napahiga sa sahig. Pinipilit niyang makabangon kahit na nanginginig ang kanyang katawan. Mas tumindi ang sakit ng kanyang ulo at dumagdag pa na tila napupunit ang kanyang anit dahil sa lakas ng pagkakahila ng kanyang mahabang buhok. “Hindi ko alam kung saan ninyo nakuha ang pinagsasabi ninyo. Pero mali po kayo dahil kahit kailan hindi ko magagawang lokohin si Michael! Paano ko lokohin siya, ni hindi ako makalabas sa bahay na ito!” galit na tugon ni Angelie. Wala na siyang pakialam. Napupuno na ang kanyang pasensiya. “Ows! Talaga ba? You’re such a lier! Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano kayo naglalandi ni Kuyang driver kagabi!” maarting lahad ni Myrna. Naikuyom ni Angelie ang kanyang kamao. “Ano? Hindi ko alam kung ano’ng pinagsasabi mo, Myrna!” “Bakit gulat ka ba? Kaya huwag ka na lang magsinungaling pa. Sabihin mo na lang ang totoo na isa kang malandi!” tila mas lalo pa siyang inaasar ng babae. Napakagaling gumawa ng kwento. “Ikaw ang sinungaling! Alam ng Diyos na wala kaming ginawang masama ni kuya Elmer kagabi! Ikaw lang ’to na makitid ang utak! Lahat na lang binibigyang malisya. Sa bagay gawain mo ‘yan ’di ba? Sa tingin mo hindi ko nakikita kung paano mo nilalandi ang asawa ko? Tapos ngayon pinagbibintangan mo sa mga bagay na kahit kailan hindi ko magagawa!” buong tapang niyang tugon kay Myrna. “That’s enough! Do you think na mas paniniwalaan kita over her? I know Myrna more than you! Get out of my house! Michael don’t need you. Ayaw ko na may makakati na tumira sa aking pamamahay. Sa bagay hindi na ako magugulat pa, isa ka lamang basura na pinulot ng anak ko. What do I expect?” Napaluha na lamang si Angelie dahil sa masasakit na salitang naririnig. Paano pa nga ba niya depensahan ang kanyang sarili? Wala siyang laban. Myrna’s words against her words. Mas pinaniniwalaan ng Donya ang babae kaysa sa kanya na manugang. Mariing pinahid niya ang kanyang mga luha at matapang na tumingin sa kanyang biyenan. Nakikipagsukatan pa siya ng tingin bago nagsalita. “Hindi ako aalis dito. Nandito ang asawa ko. Kung aalis man ako isasama ko si Michael. Hindi ko hahayaang malayo sa kanya!” matapang niyang tugon. “How dare you! At sino ka para kunin sa akin ang anak ko? Saan mo siya dadalhin sa bahay ninyong basura na kagaya mo? Ano’ng ipapakain mo sa kanya? Mas mahirap pa kayo kasya daga! Kaya hindi ako papayag, na mas lalong madikitan ang anak ko ng maraming basura. Manang-mana ka sa iyong mga magulang. Mga amoy imburnal!” Napalunok ng sariling laway si Angelie. Mahigpit na ikuyom ang kanyang mga kamao. “Maliitin na ninyo ako huwag lang ang pamilya ko. Nanahimik ang aking mga magulang pero dinadamay ninyo sila! Hindi namin kasalanan na naging mahirap kami. Mahirap man kami pero malinis at mabuti ang aming mga puso. Hindi kami nang-aagrabyado ng mga tao!” unang pagkakataon na sinasagot niya si Donya Clemente. “Masakit talaga ang katotohanan. But you’re too much drama. Lumayas ka na rito. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni tita? Lumayas ka na! Layas!” “Hindi mo rin ba naririnig aking sinabi ko? Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko kasama ang asawa ko!” Hindi na alintana ni Angelie ang lamig ng kanyang nararamdaman. Ayaw niyang umalis nang hindi kasama si Michael. Siya ang may higit na karapatan dahil siya ang legal na asawa. “Matigas talaga ang mukha mo? P’wes, ako na ang kumakaladkad sa’yo palabas!” tila may-aring saad ni Myrna. “Tawagin mo ang mga guwardiya. Sila ang kumaladkad sa higad na babaeng ’yan palabas!” “Mom, maniwala ka. Kahit ngayon lang, pero totoong wala kaming relasyon ni Kuya Elmer. Nagkataon lang na nagpang-abot kami sa hardin dahil sa nais kong lumanghap ng sariwang hangin,” pagmamakaawa ni Angelie. Sa huling pagkakataon lunukin niya ang kanyang pride alang-alang sa kanila ni Michael. Ngunit tanging nakakainis natawa lamang ang naging tugon ng dalawa. “At ngayon nagmamakaawa ka sa akin. Kanina ang tapang-tapang mo. Magdusa ka dahil kahit kailan hindi kita matatanggap lalo ngayon na lumabas ang tunay mong ugali. You’re a filthy woman! Haliparot!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD