KAAGAD pumara ng taxi si Angelie papuntang hospital. May isang sasakyan sila sa garahe ngunit hindi niya magamit ito dahil hindi niya alam kung paano magmaneho. Wala din ang kanilang driver dahil nagpaalam itong umuwi ng probinsiya.
“Don Hernandez Hospital po, Manong.” Magalang niyang saad. Kahit nasa biyahe hindi niya mapigilan ang sarili na umagos ang kanyang masaganang luha. Labis siyang nag-aalala sa kalagayan ni Michael.
‘Kapapasok na balita. Kinilalang si Governor Michael Sandoval ang nagmamaneho sa nadaganang kotse ng isang ten wheeler truck kaninang alas otso ng umaga. Maliban sa kanya walang nasaktan sa aksidenti. Kasalukuya namang dinadala ngayon ang ating mahal na gobernador Don Hernandez Hospital. Ayon sa panayam natin sa naturang driver, nawalan ng preno ang kanyang minamanehong truck. At da ngayon hawak na ng mga otoridad. Karen Miranda nag-uulat.’
“Tsk . . . tsk. . . kawawa naman si Governor. Napakabait pa naman niya. Isa ako sa mga natulungan niya noong lumapit ako sa kanya. Humingi ako ng tulong para pambayad sa hospital nang na admit asawa ko. At walang pag-atubiling tinulungan kami,” Umiiling na saad ng driver. Ramdam niya ang lungkot sa tinig nito. Talagang napakabait ng kanyang asawa, kahit na sino’ng lumalapit n humihingi ng tulong o kahit sino na makita niyang kailangan ng tulong walang pag-alinlangan magbibigay ito ng tulong sa kahit sinong nangangailangan.
“Ma-manong, pakibilisan naman po,” utos niya sa driver sa gitna ng kanyang pag-iyak.
“Sige po, Ma’am Angelie.” Gano’n na lang ang pagkagulat niya na pati siya kilala ng kanilang mga kababayan. Isang beses lamang nang ipinakilala ni Michael sa harap ng publiko ngunit maliban doon hindi na nasundan dahil sa kanyang kahilingan na iginalang naman din ng lalaki. Nais niya na kahit papaano maging pribado ang buhay nilang mag-asawa.
Pagkaparada ng kanyang sinasakyang taxi sa harap ng hospital. Kaagad siyang kumuha ng bayad at mabilis na umibis ng sasakyan. Matulin niyang tinakbo ang emergency room. Para makita kaagad ang kalagayan ng asawa. Ngunit kaaagd siyang hinarang ng iilang mga reporter.
“Mrs. Sandoval, ano po ang masasabi mo sa nangyari kay Governor Sandoval?” tanong ng isang babaeng reporter.
“Mrs. Sandoval, nasa otoridad na ang driver ng truck na nakadagan sa sasakyan ni Governor Sandoval. May sasabihin ka ba sa kanya?” tanong naman ng lalaking reporter.
“Pasensiya na po, nagmamadali po ako,” tugon niya. Nagtuloy-tuloy na siya sa emergency room at hindi na niya pinansin ang mga reporters na sumusunod sa kanya. Mabuti naman at naintindihan siya nang sinabi niyang hindi muna siya magpapa interview hangga’t hindi pa niya alam ang kalagayan ng kanyang asawa.
“Nurse! Nurse! I’m the wife of Michael Sandoval. Na saan siya? Kumusta ang kalagayan ng aking asawa?” puno ng pag-aalalang tanong niya sa nurse na kanyang nakasalubong.
“Mrs. Sandoval, don’t worry. Nasa loob ngayon ng operating room si Governor Sandoval, kasalukyang inoperhan na ng mga doktor. Maraming bubog ang tumusok sa kanyang mga mata. Hindi po maganda ang kalagayan ni Governor Sandoval. For now, kailangan natin ng matinding dasal para sa kanya,” tugon sa kanya ng babaeng doktor. Iginiya siya nito papuntang operating room. Patuloy pa rin sa pag-alpas ang kanyang masaganang luha habang sumusunod sa doktor Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao sa hospital.
“Dios ng mahabagin, maawa po kayo kay Michael. Iligtas mo po ang asawa ko sa bingit ng kamatayan, Dios ko,” tahimik niyang dasal. Wala siyang ibang makakapitan kundi ang Panginoon lamang. Alam niyang walang impossible sa kapangyarihan ng ating lumikha. Nanghihinang naupo siya sa labas ng operating room. Hinintay na lumabas ang mga doktor na nag-aasikaso sa kanyang asawa.
“Ma’am, maiwan ko muna kayo. May kailangan pa akong gagawin.”
“Sa-salamat nurse.” Pinahid niya ang kanyang mga luha na milisbis sa kanyang pisngi. Hindi pa man siya nagtagal sa pag-upo. Hindi na siya mapapakali, lakad upo ang kanyang ginawa dahil ilang minuto na ang nakalipas wala pa ring doktor na lumalabas. Hindi na nga niya alintana na pagkalam ng kanyang sikmura dahil nakalimutan niyang hindi pala siya nakakain ng agahan.
Napahilamos siya sa kanyang mukha at muling umupo. Mas lalong tumindi ang kaba sa kanyang dibdib. Pero ilang sandali kaagad napamulat ng mata si Angelie nang nauligan niya ang tinig ng kanyang biyenan. Nakita niyang papalapit ito kanyang kinaroroonan habang nakaagapay nito ang tatlong body guards.
“Where’s my son? Nurse, kumusta na ang kalagayan ng anak ko?” narinig niyang tanong ni Donya Clemente sa isang nurse.
“Kasalukuyan po inoperahan si Governor, Ma’am,” magalang na tugon ng isang nurse.
“What? Until now theres no update about the situation of my son! Ano’ng klaseng hospital kayo, ha? If there’s something bad happen to my son, malalagot kayong lahat sa akin!” Hindi na nakuhang sumagot ng nurse na natili na lamang itong nakayuko ang ulo. Nagpatuloy ito sa paglakad at tumigil lamang nang nasa kanyang harapan na ito.
“Mo- mommy,” mahinang sambit niya ngunit kaagad nagdilim ang mukha ng matanda nang makita siya.
“You! Ikaw ang may kasalanan nito! Ikaw ang nagdala ng malas sa buhay ng anak ko! Kung hindi ka niya pinakasalan hindi sana maaksidenti si Michael!” sumbat sa kanya ng matanda.
“Ah!” napahiyaw ni Angelie nang bigla na lamang tumama ang mga palad ni Donya Clemente sa kanyang pisngi. Isang malutong nasampal ang iginawad sa kanya. Siya ang sinisisi nito sa pagkaka aksidenti ng anak. Maluha-luhang tumingin siya rito.
“Hi-hindi ko po ginusto ang nangyari, Mo-mommy,” mahinang sambit niya na sakto lang nakaabot sa pandinig ni Donya Clemente dahilan na muli na naman siyang sinaktan nito. Napasapu siya sa kanyang magkabilang pisngi dahil sa ginawa ng matanda.
“Wala ka talagang modo! Bastos! Sumasagot ka pa talaga sa akin, ha?! At kung hindi pa ako tinawagan ng aking kumare hindi ko malalaman. Hindi mo man lang pinaalam sa akin ang nangyari sa anak ko!”
Napanganga si Angelie dahil sa kanyang pagmamadali at labis na pag-aalala kay Michael nakalimutan niyang tawagan ang ina nito. Kaya ngayon halos sumabog na dahil sa sobrang galit sa kanya.
“Pa-pa-patawarin mo po ako, Mommy. Nakalimutan kong ipaalam sa’yo.” Nanginginig ang tinig habang umiiyak. Humihingi siya ng paumanhin.
“How many times do I have to tell you, ha? Huwag mo akong matawag-tawag na mommy. Nandiri ako sa’yo.” Itinaas ang kanyang baba ng matanda para magpantay ang kanilang paningin.
“Tandaan mo ito, kahit kailan hindi kita matatanggap para sa anak ko! Isa kang salot!” Pabalang na binitawan nito ang kanyang baba. Mas dumoble ang sakit na nararamdaman ni Angelie ngunit hindi na lamang niya ito pinapansin dahil masyado na siyang pinapahiya nito. Maraming mga tao ang nakapalibot sa kanila.
“Ma’am, kung p’wede lamang po, huwag po tayong mag-eskandalo. Makaka istorbo po kayo sa ibang pasyenti.” Isang guard ang dumating at pinakalma ang donya ngunit mas lalo lang itong nanggagalaiti sa galit.
“Hindi mo ba ako kilala, ha? Baka gusto mong mawalan ka ng trabaho ora mismo!” galit na asik nito sa guard.
Hindi na nakaimik ang guard dahil sa tinuran ni Donya Clemente marahil natakot ito na baka totohanin ng matanda ang banta.
Napatigil lamang si Donya Clemente sa pagtatalak nang biglang bumukas ang operating room at iniluwa ang lalaking doktor na isa sa mga nag-aasikaso kay Michael. Hindi na hinintay na makalapit sa kanila ang doktor kaagad na nila itong sinalubong.
“Doctor, how’s my son? Maayos na ba ang kalagayan niya?”
“Kumusta ang asawa ko, Dr.?” puno ng pag-aalalang tanong ni Angelie.
“As of now hindi pa stable ang lagay ni Michael. He is stil unconscious and in critical condition. Natapos na ang pagtanggal namin sa mga bubog na tumusok sa kanyang buong katawan. And sad to say maraming bubog na tumusok sa kanyang mga mata. Were hoping na sana hindi maapektuhan ang kanyang paningin.”
Tahimik na napahagulhol si Angelie dahil sa narinig. Napakapit siya sa pader dahil sa labis na panlalambot ng kanyang mga tuhod. Hindi niya mapigilan ang mapatanong sa Panginoon bakit sa dinamiraming tao sa mundo sa asawa pa niya ito nangyari?
‘Marami namang masasamang tao, bakit si Michael pa na maraming natulungan ang nagkakaganito?’
“God! My son. My poor son. Doktor, Gawin ninyo ang lahat para gumaling ang anak ko.” Napapangawa ng iyak si Donya Clemente. Hindi niya lubos maisip ang sinapit ng kanyang anak. Pagkatapos maoperahan kaagad dinala si Michael sa ICU dahil sa critical pa rin ang kanyang condition. Pinapayagan na sila ng mga doktor na namakapasok sa kinaroroon ng kanyang asawa ngunit mas naunang pumasok si Donya Clemente. Ayaw nitong makasabay papasok sa loob nang umalis ang donya saka pa lang siya nakalapit kay Michael. Sobrang awang-awa siya sa kalagayan nito. May mga naglalakihang hose na nakalagay sa bibig, may bandana ang mga mata at may mga nakakabit sa buong katawan na mga wires. Bali rin ang kaliwang binti nito. At tanging makina na lamang ang nakasuporta nito sa kanyang asawa.
“Michael, magpagaling ka. Nandito ako naghihintay sa’yo. Mahal na mahal kita.” Tahimik siyang lumuluha habang maingat na hinahawakan ang kamay ng asawa at dinala iyon sa kanyang bibig para hagkan.