chapter two

1350 Words
NAPUNO ng luha ang mga matang pinagmasdan ni Angelie ang kanyang asawa, pagkapasok nila sa loob ng kanilang silid. Hindi na ito nag-aksaya ng oras. Mabilis ang naging kilos ni Michael habang pinagkukuha ang kanilang mga gamit sa loob ng kabinet at inilagay sa kanilang malaking maleta. Nanatiling walang imik si Angelie. Nagsilaglagan ang kanyang mga luha dahil sa nakikitang galit sa asawa. Ngayon lang niya ito nakikita kung paano magalit ang kabiyak. Nais niyang pigilan ang lalaki sa ginawa ngunit wala siyang lakas ng loob para gawin ’yon. “M-Michael honey, k-kailanganin pa ba talaga natin umalis? P’wede naman pag-usapan ito ng maayos. Kasalanan ko rin naman kaya nagalit ang iyong ina. Nabasag ko kasi ang kanyang mga gamit. Kaya natural lamang na ganoon ang reaction niya,” sa wakas na isatinig niya. Napatigil si Michael sa ginawa at kaagad siya nitong hinarap. Iniisang hakbang ang pagitan nilang dalawa at kaagad na hinuli ang kanyang magkabilang kamay. Napayuko siya ng ulo at nanlalabong pinagmasdan niya ang kamay ng lalaki. Marahang hinawakan nito ang kanyang baba at pinahid ang masaganang luha na namilisbis sa pisngi niya gamit ang mga daliri ng lalaki at pinakatitigang mabuti ang mga namamasa niyang mga mata. Nababanaag sa mga mata nito na niyang buo na ang desisyon nito kaya mahirap na kontrahin. “Yes, honey. Were leaving in this house. I’m doing this for you. I don’t want you to got hurt again. Just like what I promise, protektahan at aalagaan kita kahit pa sa aking sariling ina. Hindi ko hahayaang na nasasaktan ka niya. Ganoon kita ka mahal, Angelie. Ilalayo kita kay Mommy.” Nagpapasalamat ng lubos dahil may paninindigan ang kabiyak, kahit na malayo siya sa mga babaeng na li-link nito noon. Ngunit, siya pa rin ang pinipili ng lalaki para mahalin at higit sa lahat pinakasalan. Pero sa kabila nang nangyari kanina, naiintindihan naman niya ang saloobin ni Donya Clemente. Isa lamang itong ina walang iniisip ang kapakanan ng anak. “P-pero, lahat naman nadadaan sa mabuting usapan, ’di ba? Kaya ko naman tiisin lahat para sa’yo. At isa pa hindi naman ako laging pinapagalitan ni Donya Clemente. Mabait naman ang ina sa a—” hindi na natapos ang kanyang nais sabihin nang iniligay ng lalaki ang panggitn ng daliri nito sa bibig niya. “Honey, stop defending to her. I have an eyes on this house, kahit wala pa ako rito. Alam ko ang mga nangyayari. And besides, I know her. Kilala ko ang pag-uugali ni Mommy. That’s why we need to leave this house para sa ikatatahimik nating lahat. Hindi naman ibig sabihin na kapag umalis na tayo, kalilimutan na natin siya. She’s still my mom no matter what. At alam ko na darating din ang oras na matatanggap ka rin ni Mommy, but for now, kailangan ilayo muna kita sa kanya. Understand, Hon?” mahabang salaysay ni Michael sa kanya. Marahan siyang tumango bilang pagsang-ayon. Kahit ang totoo, nais niyang tumutol sa lalaki. Paano nga ba niya makukuha ang loob ng biyenan kung aalis sila? Paniguradong mas lalo lang itong magagalit sa kanya. NAPALUNOK si Angelie nang ng maraming beses habang mahigpit na napakapit sa braso ng kanyang asawa nang pababa na sila ng hagdan. Kung hindi lamang nakasuporta ang kamay ni Michael sa kanyang beywang, baka kanina pa siya nagpagulong-gulong sa hagdan dahil tila tinakasan siya ng lakas at maging ang kanyang mga tuhod daig pa ang gelatin sa sobrang lambot. Hindi niya mapigilan ang sarili na matakot at kabahan dahil nakita niya si Donya Clemente na prenting nakaupo sa pandalahawang sofa, mukhang hinihintay ang kanilang pagbaba. Napaiwas siya ng tingin sa matanda. Hangg’t maaari ayaw niyang tingnan ito. Mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak niya sa braso ni Michael dahil tila tumagos sa kanyang buong pagkatao ang matalim at mapang-uyam na tingin na ipunukol ni Donya Clemente. Bahagya siyang napatago sa likod ng kanyang asawa nang tuluyan na silang nakababa. Natatakot siya sa kanyang biyenan. “Don’t be scared, honey. I am here.” “Son, don’t do this to me, please. Huwag mo akong iwan. Masyadong malaki ang mansyon na ito para sa akin. Fine, kung gusto mo na humihingi ako ng tawad kay Anglie? Gagawin ko. I’m willing do that just don’t leave me,” puno ng pagsusumamo saad ni Donya Clemente kay Michael. Nanunubig na rin ang mga mata nitong nakikiusap sa anak. May kung ano ’ng kumukurot sa puso ni Angelie nang makita ang malungkot na mukha ng kanyang biyenan. Bahagyang napaatras si Angelie nang lapitan sila nito at niyakap ang anak. Namumungay ang mata ng Donya na tumingin kay Michael. Ngunit sadyang buo na ang desisyon ng lalaki na ilayo siya sa malupit nitong ina. “Angelie, hija. I’m really sorry for treating you so bad. Hindi ko sana ginawa ko ’yon sa ’yo. But I promise, hindi ko na uulitin ’yon. Please, help me to convince my son not to leave this house,” baling nito sa kanya. Napaigtad siya nang biglang kunin ni Donya Clemente ang kanyang kaliwang kamay upang humingi ng tawad at tulong para pigilin sa planong pag-alis ni Michael. Napatanga siya, hindi niya alam kung ano ang gagawin? Na-stock siya sa pagitan ng dalawa. Naguguluhan siya kung sino ang susundin dahil ang totoo nais na rin niyang umalis sa malaking bahay na ’to para wakasan ang kanyang paghihirap sa kamay ng kanyang biyenan. Kung kanina nais niyang manatili na lamang sila, ngunit nagbago na ang kanyang isip dahil nababatid niyang hindi sincere ang donya sa paghingi ng tawad nito sa kanya. Pero hindi rin niya nais na siya ang dahilan nang hindi pagka-uunawaan ng mag-ina. Kahit hindi maganda ang turing ng donya sa kanya. Hangad pa rin niya na maging maayos ang relasyon ni Michael at ang ina nito. Ngunit sa huli mas pinili niyang sundin ang matanda. Akmang ibubuka niya ang kanyang bibig para kausapin si Michael na huwag na silang umalis ngunit mas naunahan siya nitong nagsalita. “I’m sorry, Mom. Pero buo na ang aking desisyon na bumukod. I started my own family, kaya kailangan kong tumayo sa aking sariling mga paa. Hindi naman ibig sabihin na bumukod kami kalimutan ka na namin. Kailangan kong gawin ‘to para magsimula sa aming pamilya. But don’t worry every weekend pupuntahan ka rin naman namin,” paliwanag ni Michael sa ina. “I hope you understand, Mom. Infact, kahit maayos ang pagkikitungo mo sa aking asawa. Aalis pa rin kami rito dahil matagal ng tapos ang pinapatayo kong bahay para sa kanya.” Pagkatapos sabihin ang mga katagang ’yon kaagad na siyang hinila palabas ng mansyong ng kanyang asawa. Nais sana niyang magpalaam ng maayos kay Donya Clemente ngunit nang lingunin niya ito nawala na ang kaninang maamong mukha ng matanda ngayon muli na naman itong naging mabangis at matalim na tumitingin sa kanya. Hindi maipinta ang mukha ni Donya Clemente, mas lalong nagngingitngit ito sa galit. Naging kaagaw ang tingin nito sa kanya. “Sige! Umalis kayo! Hindi ko kayo kailangan! Nilason ng babaeng ’yan ang iyong utak! Mas pinili mo pa ang hampaslupang babaeng ’yan kaysa sarili mong ina. Wala na kayong aasahan sa akin!” sigaw ng kanyang biyenan. Natatakot si Angelie, hindi niya alam kung tama ba ang desisyon ni Michael dahil mas lalong kinamumuhian at ikinagalit ng kanyang biyenan ang kanilang pagbukod. Nagmistulang isang robot na lamang si Angelie at naging sunod-sunuran kay Michael. Naguguluhan siya sa kanyang gagawin. Napasinghap siya nang nakita niyang bumalong ang luha sa pisngi ni Donya Clemente. Kahit malayo ang loob ng kanyang biyenan sa kanya naawa pa rin siya sa matanda. Kahit balik-baliktarin man ang mundo ina pa rin ito ng lalaking kanyang minamahal. Halos mapatalon siya sa sobrang gulat nang biglang bumusena ng malakas ang kanilang sasakyan. Kanina pa pala nakapasok sa loob si Michael. Hindi man lang niya namalayan dahil abala ang kanyang isip sa maaring kahinantnan ng kanilang pag-alis. “Honey, get in!” sigaw ni Michael. Walang nagawa si Angelie kundi ang pumasok sa loob. Tahimik lamang siya habang binabaybay ang kahabaan ng daan. Hindi niya alam kung saan sila pupunta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD