CHAPTER 4

1147 Words
Eden POV Bryce Tyron De Fazzio, only son of Tyson De Fazzio and Josephine De Fazzio and the heir of De Fazzio Real Estate Company with more than 10 branches around the world. He owns many villages and univerties inside and outside of the country. He also owns private plane and yacht. Top investors and stock holder in Ralattores Company. Huminga ako ng malalim pagkatapos kong mabasa ang family background niya. He's that rich, huh. I did my own research about him and I found this. Oh,yeah. Napailing ako. Now, I know kung bakit gusto ng mga magulang ko na magpakasal ako sa kaniya. "Ate, pwedeng dito ako matulog?" Napatingin ako sa kapatid ko na kapapasok lang dito sa kwarto ko. "Sure, Ellyn." Isinara ko ang laptop ko at ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Tumabi naman sa akin ng higa ang kapatid ko. "Ate, next week na ang kasal mo 'di ba?" "Oo." Pagtango ko. "Bakit?" "Sigurado ka na ba talaga?" "I have to do this, El. Ayaw kong ipahiya sina mommy at daddy. You know ... mabait sila." "Pero ang layo ng agwat ng edad niyo. Imagine, eight years." Nakangiwing sabi ni El. "Baka maaga kang mabiyuda, Ate." Natatawa nitong sabi. Natawa rin ako. "Pumayag ako dahil sa trabaho ko." Sabi ko. "Bakit, ate? Mission mo siya?" I nodded. "Oo." Ngumiti ang kapatid ko ng mapang-asar. "Ang tadhana nga naman." "Anong tadhana ang pinagsasabi mo diyan?" Binato ko sa siya ng unan. Natatawang inilagan niya ito. "Eh, ano? Are you going to spy him?" Ellyn asked. Umiling ako. "No. I'm his bodyguard." "Eh?" Hindi makapaniwalang sabi ng kapatid ko. "Oo and my boss said na ayaw niya daw na may nakabuntot sa kaniyang bodyguard kaya palihim ko siyang sinusundan araw-araw ..." Umirap ako sa hangin. "At ang nakakainis, may mga natatanggap na nga siyang mga death threats, may gana pa siyang mag-bar hopping. Hindi niya ba alam na delikado 'yon?" "Hindi siguro, ate." Sagot ng kapatid ko. "Aist!" "Pero ang ganda ng simula ng lovelife mo, ate." Ngumisi ang kapatid ko. "Hindi nga kayo nagligawan at naging boyfriend at girlfriend—" "Shut up, Ellyn." Sabi ko. Nagkibit ito ng balikat. "Okay. Pero ate wala ka bang nararamdaman?" "Lahat tayo may pakiramdam." "What I mean is ... hindi ba mabilis ang t***k ng puso mo ate kapag nakikita mo siya?" "Eh, ano naman ngayon kung mabilis ang t***k ng puso ko kapag nakikita ko siya?" My sister gasped. "Really, ate? You feel that." Hindi ako sumagot ang isinubsob ang mukha ko sa unan. "Oo nga pala, ate ... pinapasabi ni mommy na sa makalawa na daw ang alis natin papuntang Italy with Kuya Bryce and his parents." Patagilid akong humiga paharap sa kapatid ko. "Kuya, huh? Close kayo?" Ellyn smirked. "Bakit, ate? Hindi ko ba siya pwedeng tawaging 'kuya' magiging asawa mo naman na siya, ah." "Tsk!" I closed my eyes. "Pero ate ..." "Ano?" "Bagay kayo." Napailing na lang ako. "MUKHANG HINDI ka mahihirapan sa assignment mo, Light." Sabi ni boss habang nandito ako sa office niya at pinag-uusapan namin ang tungkol sa assignment ko. Napailing ako. "That's only the best choice I have and besides ayaw kong ipahiya ang mga magulang ko, Boss." Napatango si Boss. "So you will be wed in Italy?" Kumunot ang nuo ko. "Paano mo nalaman, Boss?" Boss grinned. "I received an invitation from your parents." Napailing ako. "Parang hindi yata maganda, Boss, na maging asawa ko siya." "What do you mean, Light?" Umiling ako. "I don't know, Boss." "Light, kung ang tungkol sa trabaho mo ang iniisip mo huwag mong alalahanin 'yon. Ang dapat mong gawin ay ang mapalapit ka sa kanya para malaman mabantayan mo siya. Kaya ang dapat mong gawin ngayon ay magrelax ka—" "Boss, paano ako magre-relax? Eh, palagi nga siyang pumupunta sa bar pagkagaling niya sa office niya. Boss, mag-iisang linggo ko pa lang siyang binabantayan pero sumasakit na ang ulo dahil sa kaniya." Boss smiled. Sumandal siya sa kaniyang swivel chair. "Agent Light, kaya ko ibinigay ang assignmet na 'to sa 'yo because I know that you can do it." "What do you mean, boss?" "Mas madali ang lahat kapag naging mag-asawa na kayo. Hindi ka masyadong mahirapan." Sabi ni Boss. "How do you say so, Boss?" "Well, I don't know a thing about marriage dahil wala pa naman akong asawa but you can use your power as a wife to him." Napailing ako sa sinabi ni Boss. "Malabong mangyari 'yan, boss." Napabuga ako ng hangin. "Bahala na." Sabi ko at tumayo. Tumingin ako sa wristwatch ko. "It's already 6 pm. Alam kong sa bar na naman 'yon pupunta." Nagpaalam na ako kay Boss at umalis na ako ng HQ namin. WHY GUYS loves to bar hopping? Can someone expalin it to me? Hindi ko kasi alam, eh. Tsk! Naiiling akong pumasok sa loob ng bar na pinasukan ni Bryce. Ang tigas rin ng ulo ng isang 'to. Hindi marunong sumunod sa magulang. Kung pwede lang sana akong lumapit sa kanya at hilain siya palabas ng bar kanina ko pa ginawa. Pinapahamak niya ang sarili niya. Sa dami ng natatanggap niyang mga death threats, hindi ba siya natatakot na pwedeng may pumatay sa kanya? Inayos ko ang suot kong maskara bago ko tinungo ang bar counter. Nakaupo si Bryce sa isang stool habang umiinom ng alak. Mag-isa lang siya? Naiiling na umupo ako sa katabi niyang stool. "One shot of Bloody Mary, please." Sabi ko sa bartender. "Yes, ma'am." Tumingin ako kay Bryce na umiinom ng martini at mukhang problemado dahil mukhang malalim ang iniisip nito. "Problem?" Tanong ko na ikinabaling niya sa akin. Kumunot ang nuo niya. "Sorry but I don't know you." Nagkibit lang ako ng balikat. "Thank you." Wika ko sa bartender nang inilapag niya sa harapan ko ang isang baso ng Bloody Mary. "Your welcome, ma'am." Sumimsim ako ng Bloody Mary pero napangiwi ako dahil sa lasa. I never tasted any kind of liquor. It's my first time to taste Bloody Mary, actually. Kailangan ko lang ang makibagay sa lugar na 'to. My mom hates alcohol except for beer, my dad loves it.  I sighed. Inilapag ko sa counter ang hawak kong baso at tinignan ang phone ko nang mag-vibrate ito. Napangiwi ako nang makita kong si mommy ang tumatawag. 2 missed calls and 1 message. "Mom ..." Pagsagot ko sa tawag. "Nasaan ka na bang bata ka? Bukas na ang alis natin papuntang Italy with Bryce's parents hindi ka pa nakakahanda ng mga dadalhin mo. Eden naman dapat hindi ka na pumasok sa trabaho mo—" "Mom, please, huwag niyo na akong sermunan. Nasa trabaho po ako, okay? At huwag kayong mag-alala dahil hindi naman ako tatakas, eh. At 'yong mga gamit ko ... mom, pakihanda po, please ..." I heard mom sighed. "Okay." "Thank you, mom, love you ... muwah." Pinatay ko ang tawag para hindi na siya makatanong pa. Napatingin ako kay Bryce nang tumayo na ito at mukhang aalis na dahil naglagay na ito ng cash sa counter. Naglagay rin ako ng cash a counter bago ko siya palihim na sinundan hanggang sa parking lot ng hindi niya ako napapansin. Mabilis ang hakbang kong lumapit sa kanya nang makita ko ang pulang tuldok sa ulo niya at itinulak ko siya. "What the f**k is your problem?!" Galit niyang sigaw. "Get in your car." Utos ko. "What?" "I said get in your car. Now!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD