Eden POV "Want to eat—" "Ty ..." Natatawangpigil ko sa sasabihin ng asawa ko. "Kumain na tayo sa bahay kanina kaya busog pa ako. Gusto mo yata akong patabain, eh." Tumawa lang si Tyron at sumimsim ng alak sa hawak niyang wine glass. Napapansin ko. Paminsan-minsan na lang siyang uminom ng alak. Well, sabi niya pangtanggal stress daw. "Bryce!" Sabay kaming napatingin sa tumawag kay Tyron. Kumunot ang nuo ko. Isang babaeng revealing ang damit na suot ang lumapit sa amin. Kung hindi ako nagkakamali, this woman is Janice Mejia. Tsk! As if I care. "Bryce, i'm glad that you're here." Maarte niyang sabi at bago pa siya makalapit sa asawa ko ay humarang ako. Tinaasan ko siya ng kilay. "Who are you?" Maarte niyang tanong. Ngumisi ako. "Hindi mo ako natatandaan?" Tanong ko at napailing.