Kasalukuyan akong naglalakad nang marinig ko ang iyak na iyon. Kumunot ang noo ko, dahil ang pagtangis ay nanggagaling sa loob ng bahay namin. Wala na akong siyang na oras malalaki ang mga hakbang ko makarating lang sa munti naming tirahan.
Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad sa aking harapan ang kapatid ko, habang ang damit nito'y nababahiran ng mantsa ng dugo. May mga pasa rin ito sa mukha at mga braso. Para akong namamalik mata ng mga sandaling na ito. Hindi rin ako makaalis sa aking kinatatayuan.
"Ate! Binaboy nila ako!" Palahaw na iyak ni Jessa.
Doon lang ako natauhan nang marinig ko ang sinabi nito. Maliksi akong lumapit dito sabay yakap nang mahigpit.
"Jessa, saan ka ba nanggaling? Dalawang araw kang hindi umuwi tapos ganito ang sasabihin mo sa akin. Diyos ko naman!"
"Ate Jelly, hindi ko naman alam na gagawan nila ako nang masama. Akala ko sa isang birthday party lang kami pupunta, wala akong kamalay-malay na may plano na pala sila sa akin. At isa na roon ang boyfriend ko. Nagtiwala ako sa kanya at ganoon din sa mga kaibigan niya pero binaboy nila ako, ate Jelly!"
Napailing ako nang magkakasunod. Hindi matanggap ng isip at puso ko na ganito ang sasapitin ng kapatid ko. Simple lang naman ang pangarap ko para kay Jessa, ang makapagtapos ng pag-aaral dahil iyon ang pangako ko sa puntod ng mga magulang ko. Disi-otso lang ang edad nito. Pero nakaranas na agad ito nang kalupitan ng mga taong walang puso't kaluluwa. Bigla ko tuloy naikuyom ang mga kamao ko.
"Sabihin mo sa akin kung ano ang mga pangalan ng mga taong humalay sa 'yo, Jessa?!"
"Si Art, ang nobyong ko na pinagkakatiwalaan ko. Kasama rin ang dalawang kaibigan nito na sina Jay at Mon. Ngayon ako nagsisi dahil hindi ako nakinig sa mga payo mo, ate,” saad ng kapatid ko. At muli na namang humagulhol ng iyak, na kina durog ng puso ko.
Alam kong may katigasan ang ulo ni Jessa. Ngunit hindi ko akalaing hahantong sa ganito. Napuno ng pagkasuklam ang puso ko para sa mga taong humalay rito. Gusto ko silang puntahan upang ako mismo ang pumaslang sa kanila. Naramdaman kong may pumatak na luha sa aking mga mata.
Kilala ko rin ang mga binanggit na pangalan nito. Dahil mga kilalang tao ang pamilya ng tatlong lalaki. Diyos ko! Ano'ng laban naming mahihirap sa kanila na ginto pati kutsara.
"Ate, ano'ng gagawi ko? Sobra akong nandidiri sa aking sarili. Hindi ko matanggap ang nangyari sa akin!"
"Jessa, sa ngayon ay kailangan mo magpahinga. At bukas ng umaga pag-iisipan natin kung ano ang dapat gawin laban sa mga humalay sa 'yo."
"Hindi natin sila kaya ate, lalo at pinagbantaan nila ako na oras na magsumbong ay papatayin ka nila!"
Hindi ako nagsalita. Pero na kapaloob sa aking puso ang paghihiganti. Hindi ako uupo lamang sa isang tabi at hayaang nagdurusa ang mahal kong kapatid. Habang ang mga animal na iyon ay nagpapakasaya. Muli akong tumingin sa mukha ni Jessa, nakikita ko ang mga sugat doon dahil sa pananakit nila rito. Sisiguraduhin kong magbabayad sila. Ako ang gagawa ng sarili kong batas.
Kinabukasan maaga akong nagising upang maghanda para sa kakainin namin ngayon umaga. Mamayang gabi pa naman ang pasok ko sa hospital na kung saan ako nagtatrabaho bilang isang nurse.
Nang makapaghain na ako ay nagdesisyon na akong puntahan si Jessa sa kanyang silid upang sabay kaming kumain.
"Jessa, bumangon ka na riyan. Sumabay ka na sa aking kumain!" sigaw ko sa labas ng pinto ng silid nito. Ngunit wala akong narinig na sagot sa aking kapatid.
"Jessa! Jessa! Sumabay ka na sa aking kumain, alam kong hindi ka naghapunan kagabi!” muling pagtawag ko sa aking kapatid. Kinatok ko na rin ang pinto ng silid nito upang tuluyan itong magising. Subalit kahit ungol ay walang tugon mula sa dalaga.
Medyo nakaramdam ako nang kaba. Kaya naman dali-dali kong kinuha ang duplicate key sa aking silid. At nang makuha ko na ito'y agad kong binuksan ang pinto. Napansin kong nanginginig ang aking mga kamay tanda na labis akong kinakabaha. Kung anu-ano na rin ang pumapasok sa isipan ko ng mga oras na ito.
Hanggang sa tuluyan kong mabuksan ang pinto ng kwarto ni Jessa. Ngunit nagimbal ako nang makita ko itong nakahiga sa kama habang ang pulsuhan ng kapatid ko'y puro dugo. May kutsilyo rin sa ibaba ng tiles.
"J-Jessa!" malakas na sigaw ko, habang namamalisbis sa aking mga mata ang masaganang luha. Mabilis akong lumapit sa kapatid ko, sabay yakap nang mahigpit. Nang hawakan ko ang katawan nito ramdam kong sobrang lamig na. At alam kong wala na siya. Isang malakas na pagpalahaw ng iyak na lamang ang aking nagawa.
Lumipas ang dalawang araw, nagdesisyon na rin akong ipalibing ang bangkay ni Jessa. Alam kong magiging masaya na ito dahil makakasama na nito ang ama at ina ko.
"Ang daya-daya naman ninyo! Iniwan ninyo akong mag-isa," kausap ko puntod ng kapatid ko habang umiiyak. Kuyom din ang mga kamao dahil sa galit sa mga taong bumaboy kay Jessa.
"Bunso, pagbabayarin ko sila sa ginawa nila sa 'yo. Ako ang magbibigay ng katarungang nararapat sa ‘yo..." bulong ko. Pero ang dibdib ko'y halos sumabog sa puot laban sa mga taong iyon. Isabay pa ang malakas na pagbuhos ng ulan at para bang nakikiramay sa aking pagluluksa.
Kinagabihan, nagdesisyon akong hindi pumasok sa trabaho. Pero balak kong lumabas ngayong gabi upang simulan ang plano para sa mga animal na iyon. Kinuha ko ang kutsilyog bagong bili ko. Hinasa ko rin ito para mas tumalim pa. Nagsuot ako ng kulay itim na jacket at ito'y may hood sa ulo. Paglabas ng bahay ay ramdam ko ang lamig pang-gabi. Pagtingin ko sa relong suot ko'y alas diyes na pala. Tama lang ang oras na ito.
Nilakad ko lang papunta sa Village Dos, kung saan nakatira ang tatlong lalaki na gumahasa sa aking kapatid. Napangisi pa nga ako nang makita ko ang security guard na busy sa cellphone nito. Kaya nakapuslit ako para makapasok sa loob. Tumingin ako sa kulay puting bahay.
"Jay, nabalitaan mo ba ang nangyari kay Jessa Yeng?"
Bigla akong napatago sa likod ng kotse nang marinig ko ang boses na iyon. Parang sumikdo rin ang dugo sa aking ulo.
"Oo, sayang nga, eh. Uulit pa sana ako sa babaeng iyon kaso nagpakamay naman," narinig kong sabi ni Jay. Bigla ko ring nahawakan ang kutsilyong dala-dala ko.
"Babalik muna ako sa loob ng bahay dahil hindi ko pala nakuha ang susi ng kotse."
"Sige lang Mon, hintayin na lang kita rito," narinig kong sagot ni Jay sa kausap nito. Bigla akong napangisi. Mukhang dalawang tao ang maagang susunduin ni kamatayan. Nakita ko mula sa aking pwesto na sumandal ito sa kotse na kung saan ako nakatago. Marahan akong lumapit dito sabay undang ng saksak sa tagiliran nito.
"Agghh!" tanging lumabas sa bigbig nito. Pagkatapos ay tumingin sa akin.
"S-Sino ka?" Hindi ako nagsalita. Muli kong hinugot sa katawan nito ang kutsilyong nakabaon doon. Ngunit isa pang saksak sa tiyan nito ang ibinigay ko na siyang kinaluhod ng lalaki. Hindi pa ako nasiyahan, itinaas ko ang hawak kong patalim sabay gilit sa leeg nito. Tumalsik ang dugo nito pero hindi ko iyon ininda. Agad ko naman hinila ang kawatan nito sa likod ng kotse upang 'di agad makita ng kasama nito.
Hinintay kong lumabas si Mon. Upang ito naman ang pagbayarin sa ginawa kay Jessa.
"Jay, saan mo ba inilagay ang susi?" narining kong tanong ni Mon kay Jay. Kaya naman maliksi akong umalis sa aking pinagtataguan upang salubungin ito.
"Heto ang susi," sabi ko, sabay saksak sa dibdib nito ng kutsilyong hawak ko. Nagulat ito sa aking ginawa. Napatingin pa nga ito sa akin. Katulad nang ginawa ko sa kaibigan nito ay ganoon din dito. Walang takot na ginilit ko ang leeg nito. Hindi ko alintana ang dugong tumalsik sa aking mukha.
Nang makatiyak akong wala ng buhay ang dalawang gumahasa kay Jessa ay nagmamadali akong umalis sa lugar na ito. Habang wala pang nakakapansin sa akin. Pagdating sa bahay ko'y agad akong naglinis ng katawan dahil puro dugo ako. Inilagay ko sa isang bag ang kasuutan kong may bahid ng dugo. At bukas ng umaga ay susunugin ko ito.
May ngiti sa aking labi nang mahiga ako sa kama at tuluyang makatulog. Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Una kong kinuha ang mga damit kong susunugin at dinala ko sa likod bahay.
"Grabe 'yung sinapit ng magkaibigang Mon at Jay. Wala man lang nakakita kung sino ang pumatay sa dalawa." Bigla akong napahinto sa aking ginagawa dahil sa narinig kong usapan ng mga kapitbahay ko.
"Baka naman may nakaaway sila? Saka medyo mayabang din ang dalawang iyon. Kaya ayon tinuluyan sila." Napangisi na lang ako sa mga naririnig kong pinag-uusapan nila.
Hanggang muli na namang sumapit ang gabi. Maliksi ang mga pagkilos ko. Isang pantalon na kulay itim at damit na itim din ang suot ko. Malalaki ang mga hakbang ko papalapit sa Village Dos. Hindi naman kalayuan kaya puwedeng lakarin.
Subalit bigla akong napahinto sa aking paglalakad. Nang mamataan ko si Art. Pansin ko'y nasiraan ito ng sasakyan.
Ang swerte ko naman ngayon gabi, dahil hindi ko na kailangan pumunta sa bahay nito. Umikot muna ang mga mata ko sa buong paligid upang makatiyak kung may mga tao pa ba. Lalo akong nagdiwang nang makita kong kami na lang ang nandito. Sabagay hating gabi na rin, kaya alam kong mga tulog na ang karamihan.
Kaya walang takot na lumapit ako sa dating boyfriend ng kapatid kong pumanaw. Maliksi ko ring kinuha ang kutsilyong dala-dala ko. Saktong paglapit ko sa likuran nito ay siyang pag-undang ko ng patalim sa likod ng lalaki.
"S-Sino ka?" tanong nito sa akin. Pero ramdam ko sa tono ng boses nito ang sakit. Lalo at nakatarak pa rin ang kutsilyo sa likod niya.
"Ang iyong tagasundo. Huwag kang mag-alala dahil magkakasama na kayo ng mga kaibigan mo!"
"Wala akong kasalanan sa 'yo!"
"Wala? Sigurado ka ba, Art?"
"Oo!"
"Ang bilis mo naman makalimot. Sige itatanong ko na lang sa 'yo. Kilala mo ba si Jessa Yeng?"
Hindi ito nakapagsalita. Ramdam ko ang kaba nito. Dapat lang na matakot siya dahil hawak ko ang buhay niya.
"Kilala ko siya, ang dating girlfriend ko. Pero patay na siya."
"Tama ka patay na siya. Pero kayo ang dahilan kaya siya namatay ng maaga!" sigaw ko, sabay hugot ng patalim sa likod nito, ngunit muli ko ulit isinaksak sa katawan nito. Namilipit naman ito sa sakit. Pero ang puso ko'y labis na nagagalak sapagkat mabibigyan ko na ng katarungan ang sinapit kapatid ko.
"Please. . . huwag mo akong patayin. Pangako, ako mismo ang lalapit sa mga pulis para magpakulong."
"Hindi ko na puwedeng bawiin ang pangako ko sa puntod ni Jessa," anas ko. Pagkatapos ay walang takot na pinagsasaksak ko ito. Tanging mga daing lang ang naririnig sa buong paligid. Hindi pa ako nasiyahan ginilit ko rin ang leeg niya. Isang matagumpay na ngiti ang namutawi sa aking labi. Masaya ako dahil nabigyan ko ng husisya ang sinapit ng mahal kong kapatid.
Hindi na rin ako nagtagal sa lugar na ito. Nagmamadali akong bumalik sa bahay ko. Dating gawi. Pagkatapos maglinis ng katawan ay muli kong itinago ang mga damit kong may bahid ng dugo.
"Ate! Sumama ka na sa akin..." Napahinto ako sa aking ginagawa nang marinig ko ang bulong na iyon sa aking punong tainga. Hindi ako puwedeng magkamali, boses iyon ni Jessa.
"Jessa! Ikaw ba iyan?!"
"Ate Jelly, sumunod ka na sa akin..." Muli ko na namang narinig ang bulong na iyon malapit sa aking tainga. Napabaling din ang tingin ko sa kutsilyong nahulog mula sa ibabaw ng lamesa. Tila may nag-uutos sa akin na kuhanin ko iyon.
Parang may isip ang mga paa ko na lumapit sa patalim na nasa ibaba, sabay dampot doon. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili para bang may nag-uutos sa akin na kitilin ko ang buhay ko. Hanggang sa magkakasunod kong sinaksak ang aking tiyan. Ramdam ko ang pagbulwak ng dugo mula sa katawan ko. Pati ang sakit nang pagbaon ng patalim sa loob ko’y damang-dama ko. At tuloy-tuloy na akong bumagsak sa malamig na semento. At tuluyang malagutan ng hininga.
Wakas.