PIGHATI

1140 Words
Title: Pighati Author: SRRedilla "Bakit mo pinatay ang kapatid ko?!" sigaw sa akin ng babaeng kaharap ko. Napailing ako nang mgakakasunod. "Hindi ko siya pinatay! Alam ng panginoon iyon. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?!" sigaw ko kay Marites na dating kaibigan ko. "Talaga? Alam mong walang sakit ang kapatid ko, Mirasol! Paano siya namatay? Eh, ikaw lang ang katabi niya sa pagtulog ng gabing iyon?!" "Hindi ko alam! Wala rin akong matandaan. Sapagkat nauna akong natulog ng gabing iyon. Dahil lasing na ako," paliwanag ko. Totoo naman ang aking sinabi wala akong alam. Nagising na lang ako na wala na itong buhay sa aking tabi. Boyfriend ko ang kapatid nito. Pero ayaw na ayaw sa akin ni Marites para sa kapatid niya kahit magkaibigan naman kami. At simula ng maging kami ni Juan. Ay lagi nang galit sa akin si Marites. "Hindi ako niniwala sa 'yo. Kaya dapat kang makulong Mirasol! Sige na, ikulong ninyo ang babaeng iyan!" Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sumulpot sa aking harapan ang mga pulis. Para hulihin ako. "Hindi! Wala akong kasalana!" sigaw ko. Hindi naglaon ay nakarating kami sa presinto. Agad akong ipinasok sa loob. Parang hindi makatarungan ang ginagawa nila sa akin. Basta na lang akong kinulong. Agad naman namalisbis ang mga luha ko sa aking mga mata. "Wow! May bago pa lang pasok!" bigla akong napalingo sa boses na iyon. At nakita ko ang isang babaeng tila siga rito sa loob ng selda. Napansin ko rin ang mga tattoo nito sa katawan parang nahintakutan ako. Mas nagulat ako nang hawakan niya nang mahigpit ang buhok ko. Napangiwi tuloy ako sa sakit. "Bitawan mo ako! Nasasaktan ako!" sigaw ko sa mukha ng babae. Bigla tuloy itong napatawa. Pagkatapos ay walang babalang pinadapo nito ang kanyang kamay sa aking pisngi. "Gaga ka rin ano. Ipapaalala ko lang sa 'yo na ako ang pinuno sa seldang ito!" bulalas nito sa aking mukha. At mas lalong humigpit pa ang pagkakahawak sa aking buhok. "W-Wala na naman akong gingawa sa 'yo," maluha-luhang sabi ko. Ngunit isang sampal na naman ang pinagkaloob niya sa akin. Narinig ko rin ang tawanan sa buong paligid, tila tuwang-tuwang sa pananakit sa akin ng babae. "Simula ngayon, ikaw na ang magsisilbi sa akin. At oras na pumalpak ka'y masasaktan ka!" sigaw nito sabay tulak sa akin. Na siyang kinatumba ko. Tiniis ko ang sakit ng balikat ko dahil sa pagtama nito sa bakal. Jusko po! Hindi naman ganito ang gusto kong buhay. Ano bang naging kasalanan ko para mapunta ako rito? Nagmahal lang naman ako sa isang lalaking medyo may edad sa akin. Pero ganito pa ang sinapit ko. "Hoy! Ikaw! Ikuha mo ako ng tubig!" sigaw ng babaeng nanakit sa akin. Takot man ay pinilit kong tumayo para ibigay ang gusto nito. "Hi." Tumingi ako sa babaeng lumapit sa akin. Alanganin akong ngumiti rito. "Mag-iingat kay Buda. Lalo at marami na iyang nabugbog dito hanggang sa malagutan ng hininga. Ako nga pala si Marla," pagpapakilala nito sa akin. "Ako naman si Mirasol," pakilala ko sa babae. "Sige na, dalhin mo na ang tubig na hinihingi niya sa 'yo. Baka saktan ka ulit niya," pagbibigay paalala niya sa akin. "Salamat," tugon ko. At pagkatapos ay humakbang para ibigay ang tubig sa nagngangalang Buda. "Ang tagal mo? Ano'ng inigalay mo sa rito sa tubig ko?!" sigaw sa akin ni Buda. "Wala naman akong inilagay riyan," sagot ko sa babaeng siga. "Gaga! Hindi mo ako maloloko. At alam kong mayroon kang inilagay rito!" sigaw nito sabay sipa sa sikmura ko, dahilan para matumba ako. At siyang kinabasag ng basong dala-dala ko. Natapon din sa akin ang tubig. Narinig ko naman ang tawanan sa paligid ko. "Ano lalaban ka ba?!" sigaw ni Buda sa akin. Tumingin lang ako sa babae. Sa totoo lang ay labis akong naaawa sa aking sarili. Ganito na lang ba ako? Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Mamatay na lang akong kinakawawa ng mga taong nasa paligid ko. Muli akong tumingi sa babae. "Ang sama mong makatingin, ah!" turan nito sabay lapit sa akin. Naramdaman ko na lang ang pagsipa niya sa aking bilikat. At muli na naman akong napahiga sa malamig na semento. Ngunit mayroon akong nahawakang malamig na bagay sa akin kamay. Alam kong iyon ang baso na nabasag kanina lang. Kaya naman mahigpit ko iyong inawakan. Hindi ko ininda ang sakit ng bubog. Napag-isip-isip ko ngayon na kailangan kong lumaban, kahit mamatay ako ngayon ay nagawa ko naman ipagtanggol akong aking sarili. Muli akong napatingin kay Buda. Nakita kong papalapit siya sa akin. At nang tuluyang mapunta sa aking tabi ay walang babalang hinawakan ang buhok ko. Sabay hila sa akin, dahilan para ako'y magulagod. Nakita kong papunta kami sa banyo. Ako naman ay tiniis ko ang sakit ng anit ko. Pagdating sa loob ng banyo ay basta na lang akong inilublob sa timba na punong-puno ng tubig. Kahit magpupumiglas ako'y sadyang malakas ang babae. Ngunit hindi naman ako papayag na hindi masaktan ito kahit kaunti. Kailangan kong gawin iyon. Alam kong tutuluyan din niya ako. Kaya gaganti muna ako rito. Kahit nagpipigil ako sa aking paghinga ay itinaas ko ang aking kamay patalikod. Inilabas ko rin ang hawak kong bubog. Walang alinlangang inilapat ko iyon sa braso ni Buda, sabay diin at hiwa roon. "Peste ka!" sigaw nito. Ramdam kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking buhok. Kaya sinamantala ko iyon upang makaalis sa tubig na kung saan ako nakalublob. Maliksi akong lumayo sa babae. Nakita kong nagdurugo ang braso nito. Nanlilisik din ang mga mata habang nakatingin sa akin. Mayamaya pa'y lumapit siya sa akin sabay sipa nito. Kaya muli na naman akong natumba. Nasagi ko ang timba kaya natapon ang tubig nito. Mabalis kong kinuha iyon sabay bato sa babae. At tinamaan naman ito sa mukha. "Hayop! Talagang lalaban ka nga!" sigaw nito. Napansin ko agad ang kutsilyong hawak nito. Pagkatapos ay sumugod sa akin sabay umang ng kutsilyo sa tagiliran ko. Kahit umilag ako'y nahagip pa rin ako. "Aahhh!" sigaw ko nang mas idiin pa nito sa akin. "Huwag mo akong hahamunin dahil may paglalagyan ka sa akin!" "Hayop ka!" sigaw ko. Ngunit isang pagngisi lang ang ibinigay niya sa akin. Pagkatapos ay agad na hinugot ang kutsilyo sa aking katawan. Mayamaya pa'y muli na naman ibinalik sa aking tiyan. Sabay diin. Halos mapaiyak ako sa tindi ng sakit gawa sa pagsaksak nito sa akin. Pagkatapos gawin iyon ay basta na lang inalis ang kutsilyo sa tiyan ko. Bago ako bitawan ay inuntog pa ang ulo ko sa pader. Hanggang sa tuloy-tuloy akong bumagsak sa semento. Siguro'y hanggang dito na lang ako. Tanggap ko naman ang aking kamatayan. Upang wala nang mang-api at umapak sa aking pagkato. Ramdam ko ang luhang lumabas sa akin mga mata. Magkikita na kami ng mahal ko. At tuluyang ipinikit ang aking mata. Wakas
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD