Chapter 1

1084 Words
Karen “Lola, aalis na po ako." Paalam ko kay lola Engrasya. Siya na lang ang mayroon ako dahil matagal nang namatay ang mga magulang ko sa aksidente papuntang Maynila noong nasa edad sampung-taon pa lang daw ako sabi ni lola. Hindi ko na gaano natatandaan ang pangyayari. Pero ang naalala ko lang nagpupumilit sana akong sumama sa kanila dahil gusto ko makakita ng malalaking gusali na gaya nang nakikita ko sa palabas sa telebisyon ng kapitbahay namin. Nakikinood lang kasi ako dahil wala kaming sariling telebisyon. Eh ang kaso nga, kung kailan kasarapan na ng pinapanood kong Korean drama, saka naman nila pinapatay. Ang guapo pa naman ng bida 'yong bang si Lee Min Ho. Tapos may tatlo siyang mga kaibigan na mayayaman din, ang tawag pa nga sa kanila ay F4. May isang eksena doon na pinasara niya pa ang buong gusali para lang ibili ng damit iyong babae na hindi naman kagandahan. Maputi lang naman siya. Kung ako hindi bilad sa araw? Hindi hamak na mas maganda ako sa bida. Kaya simula noon, gusto ko rin makapunta sa malalaking gusali gaya ng mall, kaya ako nagpumilit na sumama kanila Inay at Itay, ang kaso nga ayaw naman nila ako isama. Tsk, tsk, tsk! Kung nagkataon pala, aba! baka na chugi na rin ako gaya nila. Kaya simula noon si Lola na ang siyang nag-aruga sa akin. Mahal na mahal ko ang Lola ko, kahit na parang armalite ang bibig gaya ngayon. " Karen Apo, umuwi ka kaagad at huwag ka nang magpa-umaga kung wala kang mabenta. Kaysa mabiktima ka pa ng mga lalake sa bayan. Ikaw ba naman ang hilig sa mga guapo. Tanggapin mo na kasi na walang magagandang lalake sa bayan. At kung mayroon man baka ‘yang puday mo lang ang habol niya," dere-deretsong paalala ni Lola sa akin. Sa araw-araw na lang ‘yan palagi ang sinasabi. "Lola, kabisado ko na po sa utak ko iyang paalala po Ninyo. Sige na po, mauuna na ako." Sinukbit ko sa aking likuran ang backpack na nilagyan ko ng mahahalagang gamit pati na rin ng pamalit, kahit hindi ako makauwi agad ay may magagamit ako. At ang pinaka-importante sa lahat, ang dala-dala kong ibebenta sa bayan na mga halamang gamot na gawa ni Lola. Isa kasi siyang magaling na albularyo noon. Sikat na sikat siya noong bata pa lang ako. Dinarayo at pinipilahan. Ngunit habang tumatagal humihina na rin ang mga nagpapagamot sa kanya gawa nang makabagong teknolohiya na ginagamit ng mga sikat na ospital at ng mga doktor. Doktor lang naman ang mag 'yan dahil nag-aral sila ng matagal. Kaya ko rin naman ang ginagawa nila. Ako yata si Karen, the Quack Doctor ng Baryo Pag-asa. Dalawang oras ang biyahe ko papunta sa Bayan, ang sentro at bagsakan ng mga produkto na nagmumula sa Maynila. Lahat ng mga nandirito’y abala sa pagtitinda at kasama na ako roon. "Miss Quack, may gamot ka ba sa pampatigil ng regla? Ayaw ko na kasi mabuntis. Ang hilig-hilig kasi ng asawa ko," napapailing na tanong ni Aling Mameng, ang may-ari ng karenderya kung saan ako kumakain "Aling Mameng, nireregla pa ho ba kayo?" pabulong kong tanong na ikinagalit yata nito. "Aba'y oo naman! Ano’ng akala mo sa akin, expired na?" taas kilay nitong sagot sa akin. "Isa na lang po, ilang taon na nga ho ba kayo?" usyoso ko pang tanong ulit sa kanya. "Huwag mo nang itanong! Ano meron ka ba o wala? Sayang iaawas ko pa naman ng limangpong pursyento ang utang mo sa akin. Basta mabigyan mo lang ako ng mabisang gamot, para hindi na kami mabitin ng asawa ko." Nagkainteres naman kaagad ako sa sinabi niya, kaya napilitan akong ibigay ang gamot. Ngunit imbes na pampaitigil ang ibinigay ko’y kabaliktaran nito. Pasimple ko lamang tinanggal ang nakalagay na etiketa sa botilya saka ibinigay kay Aling Mameng. "Ayan na ho, panigurado hindi na kayo rereglahin sa susunod na buwan. Kaya pagkainom po ninyo nito mamaya? Aba'y pwedeng-pwede na kayo makipagdigmaan sa asawa Ninyo," pangisingisi ko pang sabi. Pero sa loob-loob ko'y lihim akong nagdarasal. "Pasensya na po Panginoon, magkukumpisal na lang po ako kay Father mamaya," ani ng isip ko habang nakatingin sa kalangitan at kinakausap si Papa Jesus. Alam kong nariyan siya palagi upang bantayan ako. "Talaga ba Karen? Panigurado matutuwa ang asawa ko. Dahil diyan wala ka nang utang sa akin, burado na lahat at babayaran pa kita," masayang sabi nito. At iniabot nito sa akin ang dalawang daan bago pa kending-kending na umalis. "Haist, mabuti pa siya may love life, samantala ako kahit first kiss wala," may kahinaan kong sabi pero hindi ito nakaligtas kay Mando. Short for mandurukot na patay na patay sa akin. "Eh kung sinasagot mo na sana ako Karen my loves, hindi mo na kailangan magtinda pa dito habang tirik na tirik ang araw. Ang gagawin mo lamang ay hintayin ako sa bahay at pagsilbihan. Pangako ko sa ‘yo na pahihigain kita sa salapi at mga alahas na naisin mo," pagmamalaki nitong sabi bago iabot sa akin ang rosas na dinikwat niya lang sa kung saan. "Kilabutan ka nga sa sinasabi mo Mando! Hindi bale na lang na humiga ako sa puros mabato kaysa puros salapi na galing naman sa nakaw. Umalis ka nga diyan at baka hindi kita matansya ipatukhang pa kita," sabi ko at inihampas sa kanya ang dalang rosas nito. "Ito naman! Balang araw titigil din ako sa gawaing ito. At puwede bang huwag mo akong tawaging Mando. DJ ang itawag mo sa akin at kapag nagkatuluyan tayo ikaw naman ang Kathryn Bernardo ng buhay … "Aalis ka ba oh, ituturok ko sa 'yo itong gamot para hindi na tumigas iyang pinagmamalake mong hindi naman kalakihan." Iglap lang ay nawala na parang bula si Mando sa aking harapan, napapailing na lamang ako. Ganito ang buhay ko sa araw-araw. Kailangan kong kumayod at magtinda para may pagkain kami ni Lola at makaipon ng pang matrikula sa darating na pasukan. Gusto ko kasi maging English Teacher pero dahil hindi ako magaling sa English kaya baka Home Economics na lang kung saan may kaunti akong alam. Nagpatuloy ako sa pagtitinda hanggang maubos ko ang dala-dala kong gamot. Kilala na kasi ako bilang si Miss Quack. Hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang tawag nila. Pero mukha namang sosyal dahil sa salitang Miss. Pakiramdam ko isa na akong ganap na Guro ng Baryo Pag-asa, kung saan ang mga taong nakatira doon ay punong-puno ng pag-asa sa buhay, gaya namin ng Lola ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD