C-4: Ang pagkupkop

1526 Words
Napalunok si Dion nang makita niya ang babae sa may ward. Pinalipat niya sa mas magandang room ang babae upang makapaghinga ito nang mas maganda. Marahang naupo si Dion sa tabi ng dalaga na nakatitig sa kanya. "H- Hi! Ako 'yong nakabangga sa'yo kanina, I'm sorry!" nautal pang sabi nito. Paano ba naman kasi ay kumakabog ang dibdib nito sa mga titig ng babae. Same sa kanyang naramdaman noong una niyang natunghayan ang masayahing si Strawberry. Hindi niya maintindihan kung bakit tila ang lakas ng dating nito sa kanya kahit ngayon lamang sila nagkita. "And, I'm Dion!" muling sabi nito. Marahang nagbaba nang tingin ang babae na tila nahiya ito kay Dion. "Anong pangalan mo?" tanong ni Dion. "Neptali," kiming sagot ng babae. Tumikhim si Dion dahil tila nagbabara ang kanyang lalamunan. Aaminin niya, kapag sa walang scar na pisngi ng dalaga ang nakikita ni Dion ay kumakabog ang kanyng dibdib na hindi niya mawari. Kapag sa may pilat namang pisngi ng babae ay nalulungkot din siya kung bakit may ganoon ito gayong napakaganda naman ng babae. Subalit bakit sa tingin niya ay may same figure ito ni Strawberry? Or, namamalik- mata lang ba siya? "Saan ka nakatira, Neptali?" tanong na naman ni Dion. Umiling ang babae saka ito muling tumingin kay Dion. "Pakiusap, huwag mo akong ibalik doon! Pagod na ako sa kakatakas sa kanila, ayoko nang bumalik sa mala- impiyernong bahay na iyon!" nagmamakaawang wika ni Neptali. Napaawang ang labi ni Dion dahil kitang-kita niya ang takot sa mga mata ng babae. Kitang-kita ring tila may trauma ang dalaga sa pinanggalingan nito. "Natuwa ako noong nabangga mo ako, sabi ko sa aking sarili ay makakatakas na ako nang tuluyan!" naiiyak pang sabi ng dalaga. "Wait, kinidnap ka ba?" tanong ni Dion. "Hindi ko alam! Wala akong matandaan na kahit ano, basta ang alam ko hindi ako galing doon!" sagot ni Neptali. Hindi nakapagsalita si Dion. Wala naman siyang napansin na nagkukunwari lamang ang babae. Kung hindi, katotohanang inabuso ito sa pinanggalingan nitong lugar kung saan man iyon. "Handa akong maging isang katulong mo kahit walang sahod basta huwag mo lang akong ibalik sa lugar na iyon." Nagsusumamong pakiusap ni Neptali at hinawakan pa niya ang kamay ni Dion. Dion couldn't bear it, iyong sakit at hirap na nakikita niya sa mukha ni Neptali. Nalulusaw ang kanyang puso at tila may isang tinig na nag-uudyok sa kanyang kailangang protektahan niya ito. "Okay! Stop it, kukupkupin kita from now on." Wala sa sariling sagot ni Dion. "Talaga? Maraming salamat sa'yo! Tatanawin kong utang na loob ito habang ako ay nabubuhay!" nagliwanag ang mukha ni Neptali saka ito ngumiti kahit luhaan. Napatitig nang matiim si Dion kay Neptali. Those eyes and smile from Neptali are resemblance of Strawberry's innocent when he first met her. Napakurap-kurap si Dion at naipilig nito ang kanyang ulo. Dahil parati na lang si Strawberry ang nasa kanyang isipan. Lahat na lang ng may pagkakatulad kay Strawberry na mga babae ay nagkakainteresado siya. Minsan naiisip niyang nasisiraan na yata siya ng ulo which is hindi na mga malayong mangyari kung magpapatuloy pa iyon. Nawala naman ang ngiti sa labi ni Neptali nang wala itong makuhang tugon mula kay Dion. Muling lumamlam ang mga mata nito at lumungkot dahil sa pag- aakalang nagbago na bigla ang pasya ni Dion. "Sabi ko na nga ba, nabigla ka lang. Salamat pa rin kahit papanlano," mahinang wika ni Neptali. Napakurap-kurap naman si Dion na tila natauhan sa mga oras na iyon. "No! I mean, sorry something came up into my mind. Huwag mo nang isipin pa, basta kukopkupin kita." Agad na turan nito. "Talaga?! Hindi ako magsasawang magpapasalamat sa'yo kung ganoon, Dion!" masayang tugon ni Neptali. Again, noon lang din napansin ni Dion na kaboses din nito si Strawberry. Mariing napapikit si Dion at pilit na iwinaksi si Strawberry sa kanyang isipan. Hindi siya uusad kung palaging inuokupa ni Strawberry ang buo niyang sistema. Susubukan niyang iwaglit na si Strawberry kahit paminsan-minsan lamang upang makausad naman na siya kahit papaano. "No worries! And, I think gutom ka," sabi na lamang ni Dion kay Neptali nang muli itong nagmulat. Napalunok naman si Neptali at namula ang pisngi nito. Indikasyon na tama ang sinabi ni Dion. "Nag- abala ka pa, hindi naman ako nagugutom." Nahihiyang sagot ni Neptali. Ngumiti naman si Dion. "Doctor knows the best hindi lang ang mga mother ang may alam no'n." Aniya. Kiming ngumiti si Neptali kasabay ang pagtulong ni Dion sa kanya upang bumangon ay sumandal sa headboard ng kama. Inilapit naman ni Dion ang tray ng pagkain at ipinatong iyon sa mini table na inilagay niya sa harapan ni Neptali. "Lalabas na muna ako para makakain ka nang maayos. Baka kasi mahihiya ka kapag narito ako pinapanood kang kumain. Make sure na maubos mo ang lahat ng ito para naman lumakas ka kahit papaano!" Saad ni Dion. "Salamat!" mahinang tugon ni Neptali. Ngumiti lang si Dion at lumabas na nga ito. Hindi pa ito nakakalayo sa may pinto nang tumunog ang kanyang phone. Nakita niyang si Tylane ang tumatawag, napabuga nang hangin si Dion bago niya iyon sinagot. "Where are you? Alam mong narito ako sa hospital pero hindi ko ako dinadalaw!" agad na sabi ni Tylane. "Ako ang nagdala sa'yo riyan, paanong hindi kita dinadalaw? Noong isang gabi ka lang diyan naisugod, pumunta ako riyan kahapon at kaninang umaga. Ano pa bang gusto mo?" mahinahong sagot ni Dion. As much as he wants, cease fire muna sila ni Tylane. Gusto niya ng peace of mind kahit sandali lamang. "At ngayon? May nagsabi sa aking nasa iba kang hospital, sinong dinalaw mo riyan ha? Kerida mo? Kung totoo mang may kerida ka, sinasabi ko sa'yo Dion humanda siya sa akin!" mataray na wika ni Tylane. "My God, Tylane! Give me a break, puwede ba? Nakabangga ako ng tao and then ganyan lang ang sasabihin mo sa akin? Mas inuna mo pa iyang selfish mo kaysa sa malasakit? At mas pinaniniwalaan mo pa ang ibang tao kaysa sa maayos ka sanang magtatanong sa akin?" Galit na ring sagot ni Dion. Natahimik si Tylane. "Wala ka na bang alam gawin kung hindi ang awayin ako nang awayin? Sabi ko naman sa'yo, pirmahan mo na ang divorce papers natin para kapwa na tayo makahinga nang maayos!" patuloy na sabi ni Dion. "I'm sorry! Kasi, tinatanong ka nina Daddy kanina hindi ko alam ang aking isasagot kaya na- stress ako!" kapagkuwan ay sabi ni Tylane. "Enough! I'm tired, be a good patient there!" turan ni Dion at pinatay na nito ang kanyang phone. Ayaw niyang mas humaba ang kanilang usapin ni Tylane. Alam niyang mauuwi lang iyon sa bangayan. Bangayan na nakakarindi na at nakakasawa para kay Dion. Gusto na niya ng isang tahimik at maayos na pamumuhay araw-araw. Pagod na pagod na siya sa totoo lang. And if puwede pa sanang ibalik ang nakaraan, babaguhin niya ang kanyang mga naging padalos-dalos na desisyon. He will fight for his love for Strawberry rathern than thinking competence between them ni Spencer. Nang sa ganoon ay may maipagmamalaki naman siya kahit papaano at hindi namumuhay ngayon na isang tila talunan at napakalungkot. Muling bumalik si Dion sa kinaroroonan ni Neptali. Matamis namang ngumiti ang dalaga nang makita niya ito. Napansin ni Dion na naubos nga ni Neptali ang pagkaing ibinigay niya. Kahit papaano ay nakadama nang saya si Dion. Tila kasi hindj naman matigas ang ulo ng dalaga dahil una pa lamang ay sinunod na siya nito. "Time to take your medicine, Neptali! Bukas ka pa lalabas mula rito sa hospital." Wika ni Dion sabay abot sa mga gamot ng dalaga. Agad namang inabot ng dalaga ang kanyang gamot mula kay Dion at ininom niya iyon. "Anong nararamdaman mo ngayon?" tanong ni Dion na matamang natitigan ang dalaga. "Medyo okay na ang pakiramdam ko, siguro dahil sa sobrang pagod ko at gutom." Mahinang sagot ng dalaga. "Well, kung magbi- behave ka all day tuluyan kang lalakas at gagaling." Masayang turan ni Dion. "Salamat!" kiming tugon ni Neptali. Tumango- tango naman si Dion kasabay ng kanyang pagtingin za relong nasa bisig niya. "May urgent meeting pa ako, babalikan kita afterwards!" Pahayag ni Dion. "Sige! Mag- ingat ka," kiming wika ni Neptali. "Sige!" ani naman ni Dion at tumayo na ito. Muli pang nilingon ni Dion si Neptali bago ito tuluyang lumabas ng kwarto. Ang totoo, bibisitahin niya si Tylane dahil ipinapatawag siya ng mga magulang nito na nasa hospital. Nataranta na naman siguro si Tylane kung kaya't hindi na naman makakapaghintay na dumating siya roon. Gustong- gusto na niyang sabihin sa kanyang mga biyenan ang tunay na estado ng kanilang pagsasama ni Tylane. Subalit muling nakiusap si Tylane sa kanya na huwag muna dahil hindi pa raw ito handa. Wala na namang nagawa si Dion kundi ang pumayag sapagkat marami rin siyang inaasikaso ngayon para sa kanyang mga negosyo. Mas lalo na kasi itong lumalago kahit na mas malaki at mas malago na ang kay Spencer. He's making on his own way, para naman ma- impress sa kanya ang kanilang ama. At para rin may maipagmamalaki siya sa kanyang bagong mahahanap na pag- ibig kung mayroon pang para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD