Mas sumakit ang ulo ni Dion pagkatapos nitong marating ang hospital na kinaroroonan ni Tylane. Halos manginig siya sa mga pinagsasabi ng kanyang mga biyenan. They need Grandchild mula sa kanila ni Tylane. Gustong - gusto nang sabihin ni Dion sa mga magulang ni Tylane na they will divorce the soonest. Kaya lang nakiusap si Tylane na bigyan niya pa ito ng konting time at ito na raw mismo ang magsasabi sa mga magulang nito.
"Thank you dahil pinagbigyan mo ako ulit ngayon." Malungkot na sabi ni Tylane habang nakatitig ito kay Dion.
Nag- iwas ng tingin si Dion.
"Promise, I will behave the entire month pagbigyan mo lang ulit ako." muling sabi ni Tylane.
Bumuntonghininga naman si Dion.
"This is not gonna work out, Tylane. We cannot fixed our marriage and relationship as before. Kailangan na nating mag- let go pareho para sa ikakatahimik nating dalawa." Saad nito.
"Dion may iba ka na bang nagugustuhan? Okay sa akin, basta maging honest ka lang! At hindi ako nakahandang pagtawanan ng ibang tao pagkatapos nating mag- divorce." Mangiyak-ngiyak na wika ni Tylane.
"Tylane, it's not about my love life! It's about peace of mind, hindi na tayo puwedeng magsama pa. Mas kapwa lang tayong masasaktan!"
Umiling - iling naman si Tylane.
"Learn to accept your mistakes, and learn from your mistakes!" patuloy na sabi ni Dion.
"Kahit sa papel lang Dion, kahit sa papel lang tayo magiging mag- asawa please lang!" pagsusumamo ni Tylane.
Dion was speechless, hindi naman siya maawaing tao but weaknesses niya ang isang babae sa totoo lang. Walang masyadong nakakaalam sa tunay niyang pag- uugali. Dahil nasanay ang iba na isa siyang suplado, fiercely, at istrikto.
"Magpahinga ka na muna, bukas ka pa raw lalabas!" bagkus ay sagot ni Dion.
"Dion..." Sambit ni Tylane.
"I want to rest, Tylane please lang!" malamig na sabi ni Dion at tumayo na ito upang lumabas ng silid.
Nakagat ni Tylane ang labi nito, nagtagis ang kanyang mga ngipin. Tutuklasin niya kung may ibang babaeng kinahuhumalingan ang kanyang asawa. Naipangako niya sa kanyang sarili na kung hindi siya liligaya ay hindi rin liligaya si Dion maging sina Strawberry at Spencer.
Nauntag ang naglalakbay na diwa ni Dion nang iabot ng kanyang bodyguard ang mobile phone niya. Si Jayson ang tumatawag, isa sa kanyang tauhan na kanyang binilinan kanina about kay Neptali.
"Anong problema, Jayson?" tanong nito agad.
"Puwede na raw lumabas ngayon si Miss Neptali sabi ni Dok!" sagot ni Jayson.
Tiningnan ni Dion ang relo nitong nasa kanyang bisig. Past six na, ibig sabihin maya-maya pa'y madilim na ang paligid.
"Sige! Sa aking private resort mo dadalhin si Neptali. Dadaan na rin kayo sa Mall para bumili ng mga gamit niya."
"Are you sure boss?" paniniyak pang tanong ni Jayson.
"Yeah... pupunta ako roon mamaya!" tugon ni Dion.
"Sige boss!" 'yon lang at nawala na si Jayson sa kabilang linya.
Napangiti naman saglit si Dion pagka- alala kay Neptali. Inosente ito just like Strawberry before. Lihim na pinagalitan ni Dion ang sarili nito. Dahil walang araw na hindi nito nababanggit o naikukumpara si Strawberry. Iniiwasan na nga niyang makita ito kahit si Kashimira para magkaroon naman ito ng peace of mind. Mabilis lang nakarating si Dion sa bahay nito na agad sinalubong ni Aling Carmen.
"Kumain ka n ba Senyorito?" tanong ng Ginang.
"Mamaya na po Aling Carmen! May alam ba kayong gustong pumasok na kasambahay?" sagot ni Dion.
Napaawang ang labi ng matanda.
"Para po sana may makasama no'ng babaeng nabangga ko. Sa private resort ko siya titira pansamantala!" pag- amin ni Dion.
Hindi naman na iba sa kanya si Aling Carmen at ang lahat ng kasama niya sa bahay.
"May nabangga ka Senyorito?" namimilog ang mga mata ni Aling Carmen.
"Oho! Walang matirhan, parang inabuso siya kaya ayaw na niyang bumalik sa kanila. Kawawa nga po ang hitsura niya kung makikita niyo siya." Paliwanag ni Dion.
Tumango-tango naman si Aling Carmen.
"Sige, bukas itatanong ko sa amin! Kawawa naman ang babae kung ganoon!" sagot ng Ginang.
"Bale, kasama na lamang ng mga caretakers sa resort ang babae saka ang katulong na kukunin ko." Saad ni Dion.
"Makakaasa ka Senyorito!" mabilis na sabi ni Aling Carmen.
"Saka po, kung puwede huwag nang makarating ito kay Tylane. Ayoko na pong madagdagan ang mga dalahin ko about sa kanya!" bilin ni Dion.
Marahan namang tumango si Aling Carmen. Naiintindihan niya ang alaga nito dahil isa ang Ginang sa saksi ng buhay ni Dion mula noon hanggang sa mga sandaling iyon.
"Ahm... Senyorito tumawag si Strawberry kanina. Pinasasabi niya, kung puwede raw ikaw ang sasama kay Kashimira sa activities nito bukas." Pagbibigay alam ng Ginang.
Nahinto sa paghakbang si Dion. Pangalan pa lamang ni Strawberry ay humihinto na ang inog ng kanyang mundo.
"A- Ano raw pong activity?" nautal pang tanong ni Dion.
"Sa ballet dance po yata, baka raw po kasi ma- late siya sa pagdating. Kaya po kailangan ni Kashimira ang kasamang mauna roon!" saad ni Aling Carmen.
"Sige po!" tipid na sagot ni Dion.
Gusto niya sanang personal na makausap si Neptali bukas. Pero baka hapon na makapunta si Dion sa resort. Isasama na lamang niya si Kashimira kung okay lang kay Strawberry. Na alam naman ni Dion papayag si Strawberry dahil palagay ang loob ng mag- asawa sa kanyam Lalo pa't close si Kashimira sa kanya, mas bet pa siya ng bata kaysa sa mga naroon sa Mansiyon.
Pabagsak na nahiga si Dion sa kama nito. Uminom na rin ito ng gamot para sa sakit ng kanyang ulo. Stress na talaga siya kay Tylane, mas gugustuhin pa nitong magpaka- busy sa trabaho kaysa makasama ang kanyang asawa. Noon lang napagtanto ni Dion na isang malaking pagkakamali ang kanyang nagawang pagpapakasal kay Tylane. Kung mayroon man siyang napakalaking pagkakamali sa kanyang buhay iyon ay ang sinabayan ang kalokohan ni Tylane na nauwi sa kanilang pagpapakasal. Sana ngayon ay naipaglaban niya ang kanyang nararamdaman kay Strawberry. Kung hindi lang siya nabulag noon ng selos, inis at muhi sa mag- asawa.
Kinabukasan. Maaga pa ring nagising si Dion. Kahit day off niya sana ang araw na iyon pero duty naman niya kay Kashimira. Nataranta pa tuloy si Dion nang mag- ring ang phone nito at si Strawberry ang tumatawag.
"Kuya, are you free today?" kay lambing ng boses ni Strawberry.
Napapikit tuloy si Dion at huminga nang malalim upang maging normal ang kanyang tinig.
"Yup... do you need me?"
"Nasabi na ba sa'yo ni Aling Carmen?" tanong ni Strawberry.
"Oo, sinabi niya kagabi! Ano ba kasing activity na 'yan? Ang bata pa ng Kashimira ko, nadamay na riyan?"
Dinig ni Dion ang hagikgik ni Strawberry sa kabilang linya. And it was an angelic song for Dion.
"Kagustuhan naman po niya, kaya pinagbigyan ko na po!" sagot ni Strawberry.
"Okay! I will be there in a minute!" pagpayag naman ni Dion.
"Thank you! Hihintayin ka na lang namin, may meeting kasi ako eh!" masayang tugon ni Strawberry.
"Sige!" wika ni Dion at pinatay na nito ang phone.
Hindi kasi makahinga si Dion sa labis na tensyon. Idagdag pa ang nakabibinging kabog ng dibdib nito. Mabilis na kumilos si Dion upang mapuntahan na niya si Kashimira. Mainipin pa naman ang batang iyon na nagmana kay Spencer. Maikli ang pasensiya ng mga triplets parang si Spencer lang ang siyang kadugo ng mga ito. No wonder, malakas talaga ang dugo nilang pamilya. Matamis ang ngiti ni Dion na sumakay sa sasakyan nito patungo sa kanilang Mansyon kung saan naghihintay ang mag- inang Strawberry at Kashimira.