Naibaba ko ang newspaper na binabasa ko. May nabasa kasi akong artikulo patungkol kay Leri at sa dati nitong nobya. May larawan pa ngang nakalagay doon na naghahalikan sila. Hindi ko alam kung ano ang iisipin at paniniwalaan ko. Nagtatalo ang isip ko at ang puso ko. Baka naman kagagawan ng dating nobya ni Leri ang artikulong ito na nagsasabing maayos na sila at nagkabalikan na. Kahit sino naman maniniwala dahil sa larawan na naghahalikan sila. Hindi dapat ako naniniwala sa artikulo na nakalagay sa newspaper. Minsan hindi naman totoo yun. Hangga't hindi sinasabi at pinaparamdam ni Leri na hindi na niya ako mahal siya lang ang paniniwalaan ko ngayon. Napatayo ako sa kinauupuan ko ngunit bigla akong napabalik sa pagkakaupo dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak ako sa sandala