Hawak-hawak ni Law ang kamay ko habang naglalakad kami sa labas dahil sa ramdam na ramdam ko ang malakas na simoy ng hangin at ang malakas na hampas ng alon sa paligid at ang mabatong daan. Hindi sana ako papayag na lumabas kaso pinilit na niya ako hinila nalang ng basta-basta at wala akung ibang magawa kundi ang sundin nalang siya din. Sobrang higpit ng hawak niya sa aking kamay habang naglalakad kami at hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mapangiti kahit paano. “Kapag nakita tayo ng kaibigan mo dito tumakbo nalang tayo mamaya,” mabilis akung napatigil sa paglalakad at kinabahan ako pero isang munting tawa ang narinig ko mula sa kanya. “Hindi ko naman hahayaan na makita ka niya kaya huwag kang mag-alala, just trust me baby,” bigla akung napailing sa paraan ng pagkakatawag niya