Naging maganda naman ang usapan namin ni Von at madami din naman siyang sinabi sa akin at kagaya ng aking inaasahan maka-ilang beses na akung tinawagan ng aking kasamahan pero sinabi ko nalang sa kanila na uuwi nalang ako mamaya hindi pa sana sila papayag pero ano ang magagawa nila dahil wala na ako doon. Sinabihan pa nila ako na sana huwag akung sumama sa mga hindi ko kilala dahil baka kung ano ang gawin sa akin, naiintindihan ko naman sila at mukhang hindi naman masamang tao si Von masaya nga siyang kasama at napapangiti niya din ako. Nakikita ko sa kanya si Law at marami nga silang pagkakapareho pero si Law ang bilis kasi uminit ng kanyang ulo. “Ihatid nalang kita mamaya sa inyo,” mabilis na saad nito kaya napatango nalang sabay inom ng aking kape at napatawa nalang ako sa kanila. “