Ang Nurse

6549 Words

Mistula akong napako sa aking kinatatayuan sa aking nakita habang silang dalawa naman na nagulat din ay nakatingin sa amin ni Noah. Doon ko nakumpirma. Siya ang maganda at seksing babaeng nakita ko noon sa mall. Nakasuot siya ng puting damit ng nurse, at sa kanyang ayos ay lalo pang tumingkad ang kanyang taglay na ganda. “T-tol!!!” ang sigaw ni Kuya Andrei noong nakita niya akong hindi natinag, nakatayo lang sa may pintuan na parang nakakita ng multo. “N-nandito ka pala???” Sa pagkasabi niya noon, bigla ring tumayo ang babae at naupo sa isang silya sa gilid ng kama niya. “S-siya pala si Alvin?” ang sabi niya. “P-parang nakita ko na siya ah!” Todo-ngiti siya, walang kaalam-alam sa tila nagugunaw ko nang mundo. Si Noah naman ay panay lang din ang ngiti, tila nagpapa-cute. Pareho sila noon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD