KINABUKASAN, nag-umagahan muna sila, nagpahinga bago sila nag scuba diving ni Calton. Sa araw na iyon ay wala silang ibng ginawa kundi ang mag water activity. Lahat yata balak gawin ni Calton na kasama siya at natutuwa naman siya roon at sobra siyang nag-enjoy.
Ibang-iba na si Calton mula nang may nangyari sa kanilang dalawa. Napapansin ni Lia na masyadong naging over protective si Calton sa kaniya. Ayaw na ayaw din nitong nawawala siya sa paningin nito.
Sa tuwing nakakapag solo silang dalawa lagi nitong ipinaparamdam ang langit sa kanya na para bang wala ng bukas.
"Hindi ka ba nagsasawa sa'kin?" tanong ni Lia nang mag-miryenda sila sa isang waffle cafe na nasa loob din ng island resort.
Kinuha nito ang kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa at dinala iyon sa bibig nito. "I'm not getting tired of you, Lia."
"Hmm... talaga ba?"
"Bakit nagsasawa ka na sa'kin?" balik tanong naman nito.
"Ako pa talaga ang tinanong mo ng ganyan, Calton?" natatawa niyang tanong.
"Baka nagsasawa ka na kasi."
Napansin niya ang isang babae na nakatitig kay Calton. Sa katunayan hindi lang ito ang gumawa ni'yon, maraming babae na rin ang palaging tumititig kay Calton kahit saan sila magpunta sa isla.
Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. "Bakit kasi ang gwapo mo? Ayan tuloy palagi kang tinititigan ng mga babae."
"Are you jealous?"
"Hindi naman, pero alam ko kasi na mas lamang sila sa akin. Ano ba ang laban ko?" malungkot niyang sabi.
Kung minsan talaga gusto niyang manliit sa sarili dahil sa mga babaeng nakapalibot o nagkakagusto kay Calton, sa itsura at postura pa lang alam niyang wala na siyang ibubuga.
"Malaki ang laban mo, Lia," anito.
"Bakit naman?" kunot-noong tanong niya.
"Kasi I like you. Ikaw lang ang gusto ko at wala akong pakialam sa kanila.
Napangiti naman siya sa kilig. "Talaga? Hindi mo ko binobola?"
"Hinding-hindi."
"Hmp! Alam mo lang kung paano kuhain ang kiliti ko eh."
"I'm telling the truth. Isa pa, You are more beautiful than them. Ang ganda mo lang ang gusto ko at wala ng iba."
"Sabi mo 'yan ha?"
Hinalikan nito ang likod ng kamay niya. "You are enough."
Pagkatapos nilang kumain ay muli siyang inaya ni Calton na mag water activity. Pagkatapos inaya na siya nitong bumalik sa cabin para maligo ng sabay.
"Calton, akala ko ba ligo lang?" Natatawa niyang tanong.
Ang kamay kasi nito ay kung saan-saan na dumadapo sa katawan niya. Ang sabi sasabunan lang daw siya pero hindi lang basta pagsabon ang ginagawa sa kanya.
"Ayaw mo ba?"
"Kasi ang sabi mo maliligo lang tapos lalabas na tayo ulit para pumunta sa mini zoo,"
"We can do that after I taste you, baby" anito sa tainga niya.
Bumaba ang labi nito sa leeg niya papunta kanyang batok. Napapikit siya nang maramdaman niya ang dila nitong dumila roon.
"Hmm... Calton..."
Ang pagpoprotesta niya kanina ay bigla na lang natunaw dahil lang sa simpleng ginawa nito.
Caltol touches and kisses can make her weak in instant. Kahit labanan niya ay talo pa rin siya sa isinisigaw ng katawan niya.
"Calton..." halinghing niya nang sipsipin at kagat-kagatin nito ang batok niya.
"Hmm?" tanging sagot nito.
"C-can we continue this tonight? Gusto ko lang talaga pumunta sa zoo," aniya na nilabanan ang sinisigaw na init ng kanyang katawan.
Nagbuntong-hininga ito at isang halik ang iniwan nito sa batok niya bago siya nito pinakawalan mula sa mainit na yakap.
"Okay, baby."
Pumihit siya paharap dito. "Hindi ka galit?"
"I'm not. Dahil gusto ng baby ko na magpunta sa zoo, dadalhin kita sa zoo."
"Thank you, Calton."
"Anything for you, baby."
Pagkatapos nga nilang maligo at magbihis agad na nilang tinungo ang mini zoo ng island resort na iyon.
Hindi niya mapigilang mamangha hindi lang sa mga iba't ibang hayop na nandoon kundi dahil na rin sa mgagandang tanawin na makikita mo mula roon. Hindi pa man din nila natatapos ikutin ang zoo at talaga namang napagod siya sa paglalakad.
"Maupo muna tayo, Calton, napapagod na 'ko," aniya na naupo sa bench na nadaanan nila.
Natatawa itong tumabi sa kanya. "Akala ko ba gusto mo maikot itong zoo?"
"Oo. Pero hindi ko akalain na malaki pala ang sinasabing mini zoo na 'to. Pero wala pa ata tayo sa kalahati."
Hinimas nito ang buhok niya. "You want water? Nagugutom ka na ba?"
Tumango siya. "Nagugutom na ako at nauuhaw."
"Okay, I'll buy. Dito ka lamg hintayin mo 'ko," anito.
"Okay."
"Iyung palagi kong sinasabi na huwag kakausap ng hindi mo kilala."
Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. "Opo."
"Good. Wait me here." Tumayo na ito at naglakad papunta sa bilihan ng tubig at ng foot long hotdog.
Sa kanyang paghihintay, may isang lalaking lumapit sa kanya. Wala sana siyang balak na pansin ito pero maayos naman ang pagtanong nito sa kanya ng direksyon.
"Thank you very much miss—"
"Julianne!"
Napatingin siya kay Calton na madilim ang mukha na nakatingin sa kanila ng lalaking nagtanong.
"I told you do not speak to strangers!" anito na malalaki ang mga hakbang na lumapit sa kaniya.
Napatayo siya. "Nagtatanong lang naman siya ng—"
"I don't f*****g care!" Matalim na tiningnan ni Calton ang estrangherong lalaki. Halatang natakot ito kaya nagmamadaling umalis.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Wala naman ginagawa yung tao nagagalit ka ng ganyan."
"Paano ka nakakasiguro na walang gagawin sa'yo ang lalaki na 'yon?"
"Dahil nagtanong lang naman siya ng direksyon."
"He can ask anyone, bakit sa'yo pa? Dapat sinabi mo agad na hindi mo alam para hindi na humaba pa!"
Napakurap-kurap siya sa galit nitong mukha. Hindi niya ito maintindihan kung bakit ito nagagalit ng ganito. Ang babaw lang kung dahil sa lalaking nagtanong sa kanya ng direksyon.
"B-bakit ka ba nagagalit ng ganyan? Sorry kung kinausap ko siya, pero nagtatanong lang talaga siya ng direksyon."
"Next time gawin mo kung ano ang sinasabi ko sa'yo, nagkakaintindihan ba tayo?"
Hindi niya maintindihan pero kusang pumatak ang mga luha niya dahil sa sama ng loob na nararamdaman. Wala naman kasi siyang ginawang mali.
Nang makita ni Calton ang pag-iyak ni Lia ay tila naman ito natauhan at nahimasmasan.
"Hey... why are you crying?"
"Ikaw kasi. Ayaw na ayaw ko kapag nagagalit ka sa'kin. Ang bigat kasi sa pakiramdam. Kaya wag ka ng magalit sa akin, please? Wala naman talaga akong ginawang mali eh."
Mariin na pumikit si Calton. Ibinaba nito ang hawak na pagkain at tubig sa bench tsaka siya nito niyakap. "Huwag ka ng umiyak. Hindi na ako galit. I'm sorry kung nasigawan kita."
Tiningala niya ito. "Talaga hindi ka na galit?"
Hinaplos nito ang mukha niya at pagkatapos ay mabilis siya nitong binigyan ng halik sa kanyang mga labi. "Yep. Hindi na po ako galit. But please next time don't talk to strangers okay?"
Tumango siya. "Hindi na."
"Good. Kainin na natin itong binili ko bago pa lumamig. Tapos ikutin na ulit natin ang zoo."
Pagkatapos nilang kainin ang biniling foot long hotdogs ni Calton ay tinapos na rin nila ang pag-iikot sa zoo. At pagbalik nila sa inuukopahang cabin siya naman ang gusto nitong angkinin ng paulit-ulit.