SABAY na napabaling sina Lia at Calton sa dinaanan nila kasabay ng marahan nilang pagtayo nang makarinig sila ng isang putok ng baril. Agad na nakaramdam ng takot si Lia at ang bilis ng naging t***k ng puso niya.
"f**k!" narinig niyang mura ni Calton.
"Anong nangyayari, Calton?"
"I think PSIAS found us," mahina nitong sabi.
"A-ano na ang gagawin natin, Calton?" kinakabahang tanong niya. Her voice was trembling because of fear.
"I won't let them, get you," anito habang mahigpit na hawak ang kamay niya.
Maingat ang bawat naging hakbang nila pabalik sa mansion. Sa may likod ng bahay sila dumaan para hindi agad makita kung sino man ang mga ito.
Maingat na sumilip si Calton butas ng bintana at nakilala nito kung sino ang mga bagong dating. "Si Marcelo," anas nito.
Ngayong natagpuan na sila ng mga ito inaasahan na niya na kukunin siya para patayin.
"Nasan si Calton at ang anak-anakan mo, Marco?" narinig niyang tanong ng isang lalaki sa ama-amahan niya.
"Wala kang makukuhang sagot mula sa'kin, Marcelo. Sinabi ko na sa'yong hindi ko sila kasama," mariing sabi ng ama-amahan niya.
"Boss, merong pambabaeng damit ang nasa itaas ng kwarto," sabi ng isang lalaki na ikinapikit ng mga nata niya.
"Ngayon mo sabihin na hindi iyon damit ni Julianne Hosni, Marco."
Pero hindi sumagot ang kanyang ama-amahan. Nanatili itong tahimik.
"Marco! Kapag hindi ka nakipagtulungan mapipilitan ang PSIAS na ipapatay ka!"
Nanlalaki ang mga matang napasinghap siya sa narinig. Totoo pala talaga ang sinabi sa kanya ni Jacen.
"Calton..." anas niya.
"Shh..."
"Matagal naman na akong patay noong wala kayong ginawang tulong para mailigtas ang asawa ko! Humingi ako ng tulong sa inyo, pero anong ginawa niyo? Hinayaan niyo lang ang asawa ko at wala kayong ginawang hakbang!" narinig niyang sigaw ng ama-amahan.
Napatingin si Lia kay Calton. Nakita niya ang pagtigas ng bagang nito habang kuyom ang mga kamao dahil sa galit.
"Kaya naghiganti ka?"
Natawa si Marco. "Paghihiganti ba ang pagligtas sa inosenteng bata, Marcelo?"
"Pero anak sia ng kriminal! Nasa ulo niya ang microchip na nagsilbing remote control sa nakatagong bomba. Alam mo 'yan!"
"Pero inosente pa rin siya at walang kasalanan sa kasamaan ng ama niya! Marcelo, gustong mamuhay ng matiwasay ni Julianne. Bigyan mo siya ng pagkakataon na mamuhay ng tahimik."
"Hindi 'yun ganu'n kadali, Marco."
"Magiging madali kung nakikipagtulungan ka. Walang masama kung susubukan natin."
Marahas na nagbuntong-hininga si Marcelo. "Sa anong paraan?"
"Ipangako mo muna na hindi mo sasaktan si Julianne," si Marco.
Hindi agad nagsalita si Marcelo. Malalim muna itong nag-isip bago sumagot. "Okay sige."
"Mangako ka muna."
"Oo na, nangangako akong hindi ko sasaktan si Julianne."
"Calton, Lia, I know you're there. Come out," narinig na sigaw ng ama-amahan niya.
Hinihintay niyang kumilos si Calton pero nanatili lang ito sa pwesto nito habang mariin pa rin na kuyom ang kamao.
Hinawakan niya ito sa kamay. "Calton..."
Tumayo si Calton at hinawakan siya sa kamay. "Stay in my back," anito na nagpauna ng maglakad papunta sa loob ng bahay.
"Julianne Hosni, at last nagkita rin tayo," seryosong sabi ng isang lalaki na sa tingin niya ay si Marcelo.
"Tulad ng ipinangako mo, Marcelo. Hindi mo sasaktan ang mga anak ko," sabi ng ama-amahan niya.
"Tangina! Kailan ba ako hindi tumupad sa usapan?"
"Naniniguro lang ako," si Marco.
"Calton, ang pinakapaborito kong agent sa PSIAS—"
"Huwag mo kong hahawakan," mariing sabi ni Calton nang akmang hahawakan ito ni Marcelo.
Nagbuntong-hininga ito. "You heard."
Napasinghap siya nang galit na kinuwelyuhan ni Calton si Marcelo. Mabilis itong tinutukan nang baril ng mga tauhan ni Marcelo.
"Calton!" si ama niyang si Marco.
"It's okay. Ibaba niyo ang mga baril," utos ni Marcelo sa mga tauhan na agad namang sumunod.
"Buong buhay ko, wala akong ibang sinisi kundi si dad, pero wala palang ibang dapat na sisihin kundi ikaw at ang bulok bulok na organisasyon!" sigaw ni Calton.
"Maniwala ka sa hindi, pinilit ko ang organisasyon na iligtas si Lia, pero hindi sila nakinig, Calton. Gustohin ko man na mailigtas ang in mo, hindi ko nagawa. Pasensya na."
"Pasensya? Para saan pa ang pasensya mo? Hindi na niyan maibabalik pa ang buhay ng aking ina!"
"Nagkakamali ka. Buhay pa si Lia."
Natigilan si Calton ganu'n din ang ama-amahan niyang si Marco.
Marahan na pinakawalan ni Calton si Marcelo. "What did you say?"
"Marcelo, ano itong sinasabi mo?!" si Marco.
Nagbuntong-hininga si Marcelo. "Ayon sa tauhan ko na siyang spy, ang huling report niya bago siya mamatay ay buhay pa si Lia."
"Paano siya nakakasiguro?"
"Kilala niya ang asawa mo, Marco. Isa siya sa nakiramay noon sa inyo."
Nakita niya ang parehong pagkuyom ng mga kamao ni Calton at ang ama nitong si Marco.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" si Calton. "Ilang beses kitang tinatanong tungkol kay mommy."
"Kailan ko lang din nalaman. Kaya nga desidido akong makuha si Julianne para ipagpalit kay Lia. Nasisiguro ako na papayag si Afzal na ibalik si Lia kapag nakuha na nito ang gusto niya."
"At ako 'yun?" singit niya.
"Yes," sagot ni Marcelo.
Sa tingin niya ito na ang tamang panahon para maibalik ang tulong na ibinibigay sa kanya ni Lia noon.
Hinawakan niya si Calton sa braso. "Calton..."
"No! Hindi ko isasangkalan ang buhay mo, Lia," mariing sabi nito ng makuha ang gusto niyang sabihin.
"Pero sa ganu'ng paraan maibabalik na si Miss Lia sa inyo."
"At ikaw naman ang mawawala? Hindi ako papayag, Lia. Hindi ako makakapayag na ibigay ka sa kanila," sagot ni Calton.
"Tama si Calton, Hija. Hindi rin ako papayag na maging kapalit ka. Meron pa tayong magagawang paraan," sabi naman ng ama-amahan niyang si Marco.
"Anong paraan?" si Marcelo.
Nagkatinginan sila Calton at ang ama nito. "We need Dr. Mendez," sabi ni Calton.
PAGKATAPOS ng pag-uusap nilang iyon ay hindi na kinuha pa si Lia at binigyan ng pagkakataon na gumawa ng plano ang ama-amahan niya. Pagkatapos din mag-usap ng lahat ay ipinatawag si Dr. Mendez at kung ano man ang pakay ng ama-amahan dito ay hindi niya alam.
Kasalukuyan siyang nasa portico habang nakaupo sa hanging chair nang lumapit sa kanya si Calton.
"Hi, miss beautiful," anito.
Inirapan niya ito. "Bola!"
"Hindi ah! Talaga namang maganda ka."
"Isang ngiti nga?" anito na nag taas-baba ang kilay sa kanya.
Hindi naman niya mapigilang hindi matawa. "See, you're really beautiful, Lia, lalo na kapag ngumingiti ka."
Nagbuntong-hininga siya. "Nakangiti ka pala talaga kapag nabawasan ang bumabagabag sa puso mo."
"Yeah."
"May mabuting puso din pala si Marcelo," aniya.
Nagbuntong-hininga ito bago naupo sa tabi niya. "Si Marcelo ang tumayong pangalawang ama ko noong nga panahong nagpasyang magpakalayo si daddy. Siya ang nagturo sa ibang mga nalalaman ko ngayon. Siya rin ang naghikayat na pumasok ako sa SEAL pagkatapos kong mag graduate ng college bilang doctor."
"Oo nga pala, nag take ka ba ng board exam?"
Umiling ito. "Not yet."
"Bakit?" usisa niya.
Nagkibit ito ng balikat. "Siguro dahil wala ng naging laman ang isip ko kundi ang paghihiganti. I want revenge for my mother. Gusto kong maging magaling makipaglaban para mapatay ko ang taong pumatay sa kanya."
"Wala ka na bang balak na maging isang doctor?"
Nilingon siya nito. "Gusto mo ba?"
"Gusto kitang makitang may suot na puting coat at marinig na tinatawag kang doc. Pero dipende pa rin 'yan kung gusto mo. Maging doctor ka dahil gusto mo, hindi dahil sa gusto ko, Calton."
Tipid itong ngumiti. "You reminds me of my mother. 'Yan din ang sinabi niya sa'kin noon."
Tumingin siya sa maitim na kalangitan at napapalibutan iyon ng mga makinang na bituin. "Naaalala ko ang sinabi sa'kin noon ni Miss Lia, sinabi niya sa'kin na meron siyang anak na lalaki at mahal na mahal daw niya ito."
Nang tingnan niya si Calton ay nakatingin din ito sa kanya. "Sinabi niya pa na ang gwapo-gwapo mo at mabait ka raw na anak. Sinabi rin niya na gusto niyang balang araw magkakilala tayo. Pero akalain mo nga naman na pagkakataon na mismo ang nagpakilala sa ating dalawa."
Hinawakan nito ang kamay niya at sa gulat niya ay kumuhod ito sa kanyang harapan at ipinakita ang mamahaling singsing na hawak nito.
"Alam kong hindi pa maayos ang lahat at alam kong marami pang pwedeng mangyari. Pero gusto kong sulitin ang bawat sandali at panahon na kasama ka at maging akin ka, baguhin ang apelyido mo at palitan ng pangalan ko. Julianne, will you marry me?"
Pumatak ang luha ni Lia. Alam niyang mahal siya ni Calton pero hindi niya akalain na gugustohin nitong maikasal sa kanya.
"Baby, will you marry me?" ulit nito nang hindi siya nakasagot.
Tutop ang bibig na marahan siyang tumango. "Yes, Calton. I want to marry you."
Isinuot nito ang singsing sa kaliwang kamay niya sa may palasingsingan. Tumayo at mahigpit siyang niyakap. "Let's get married tomorrow."
Gulat na napalayo siya rito. "Bukas na agad?"
"Oo, agad-agad. Bakit ayaw mo ba, hmm?"
"Hindi naman sa ganu'n. Pero alam na ba ito ni papa?"
Ngumiti ito. "Bago kita tinanong hiningi ko muna ang basbas niya. Baby, walang dahilan para patagalin pa natin 'to. Gusto ko maging ganap na Martinez ka na. Payag ka na hmm?"
"Oo na!"
Pinugpog siya nito ng halik sa mukha. "I love you, my baby."
"I love you more, Calton."