MALALIM NA kaisipan ang bumalot kay Nat habang nasa loob siya ng restoran. Oras ng pananghalian no'n. Nag -iisa siya doon dahil eksaktong sinundo si Perl nang asawa nito kaya mas nagkaroon siya ng time para isipin kung anong dahilan ng kaniyang asawa para umuwi ng pinas. Wala din itong sagot sa lahat ng katanungan niya. Wala din itong sagot mula sa tawag niya. Tila ba gusto nitong mag-usap sila sa personal. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil makikita na niya ang sariling pamilya. Ang kaniyang inay, itay at ang dalawang kapatid niyang lalaki na may kaniya-kaniya ng pamilya. Kailan lang ay tumawag ang mga ito at namimiss na rin daw siya ng mga ito dahil mag- aanim na taon na rin siyang hindi umuuwi. Maging sa importanteng araw sa buhay niya ay hindi rin nakadalo ang mga ito dahil hindi na rin kaya ng kaniyang itay na magtravel ng malayo dahil kaoopera lang nito at patuloy pa rin sa pagda-dialysis sa sakit.
Napailing at napabuga siya ng hininga.
Wala siyang excitement na nararamdaman.
Ibinaba niya ang kutsarang katatapos lang niyang isubo ang laman. Hindi niya alam kung nginunguya ba niya ang pagkain. Masyadong palaisipan sa kaniya kung bakit sila uuwi ni Loren—kung bakit kailangan pa siya nitong kausapin sa personal na puwede naman sa telepono na lang?
Nawalan na siya ng gana kaya binitawan niya ang magkabilang hawak na kubyertos. Inabot at tinungga niya niya ang baso na naglalaman ng lemon juice.
Medyo nakatulong iyon dahil sa lasa. Manamis namis na maasim. Paborito niya iyon kaya sa tuwing magkikita sila ni Kyo ay iyon ang pasalubong nito sa kaniya.
Biglang nanlaki ang mga mata niya sa naalala.
Si Kyo ay kaniyang kababata. Kababata na nabibilang ang pamilya sa mayayamang tao. Nagkakilala sila nito nuong hindi sinasadyang nagkabungguan niya ito malapit sa paaralang pinapasukan niya. Nasa edad siyam siya nuon habang ito ay nasa edad na sampo. At dahil malapit ang tindahan sa gate nito eksaktong nagmamadali siya at hindi sinasadyang nagkabungguan sila nito. Natumba siya at habang ito naman ay walang pakielam na palinga-linga na animoy inosenteng ngayon lang nakakita ng maraming tao. Imbes na magalit siya ay tinayo niya ang sarili at hinarap ang batang tulad niya. Napagkamalan niyang bagong lipat bahay lang ang mga ito sa lugar na iyon. At hindi nagtatapos doon ang pagkikita nila ni Kyo. Kahit lalaki ito at babae siya ay nakikipag kuwentuhan siya rito sa tuwing uwian nila dahil para bang inaabangan siya nito. Aminadong napakadaldal niyang bata. Nagustuhan siya nitong kalaro maging siya kaya naging mag kaibigan sila. At dahil wala itong kaibigan sa paaralan na pinapasukan nito ay nagkasundo sila kahit na ba laging may sundo itong katulong para papasukin ito sa loob bahay nito.
"Ma'am."
Napataas ulo si Nat sa boses babae na nanggaling sa kaniyang uluhan. Mabilis niyang nginitian ang waitress.
"Tapos na po ba kayong kumain? Pasensya na po kung naistorbo ko kayo, ma'm. Meron na po kasing susunod na uupo." Dagdag pa nito sa kaniya.
"Yes!" masigla niyang sagot sabay tayo. Inabot niya ang kaniyang shoulder bag saka ngumiti sa waitress bago nilisan ang loob. Iniwan na rin niya ng pera ang mesa dahil naandoon na rin ang bill kaya ipinasak na lang niya doon sa loob.
Habang naglalakad siya sinipat niya ang pulsuhan. Nakita niyang mag -a alauna imedya na. Mabilis siyang naglakad kahit na ba malapit lang ang restoran sa trabaho niya.
Nabungaran niya sa loob ng opisina niya si Perl.
"Bakit naandito ka?" Takang tanong niya sa kaibigan. Nagpatuloy siyang naglakad papunta sa desk niya.
"Ang akala ko kasi naandito ka na girl." sagot nito habang pinagmamasdan siyang naglalakad.
"Wala ka bang trabaho? Ano bang kailangan mo?" saka inabot ang mga papel na nakapatong sa mesa niya. Hindi pa niya iyon natatapos. Halos hindi din nabawasan dahil sa kakaisip.
"Ha?" ito naman ang nakakunot nuo dahil sa sagot niya.
"Ang sabi ko wala bang trabaho?" Ulit pa niya.
"Gising ka ba? Kaya ako naandito dahil ang sabi ko kanina babalik na lang ako para kuhanin ang mga papers na kailangan mong pirmahan. Hindi ba't hindi nga natapos at ang sabi mo mamaya na?"
Napataas ang kanang kamay niya saka inihilot sa sintido. Nakalimutan niya iyon. Napag-usapan pala nila kanina ni Perl iyon bago ito umalis ng opisina niya, at kukuhanin na lamang nito after lunch. At dahil magulo ang isipan niya ay hindi niya iyon nagawa.
"Nat, may problema ba?" may pag alalang tanong ni Perl dahil naging seryoso ang boses nito habang nakatingin sa kaniya.
"Wala, Perl." Tanggi niya na hindi tumitingin sa kaibigan.
"Tuliro ka... Totoo? May problema ka ba?" tanong ulit nito dahil hindi ito naniniwala sinagot niya.
Umiiling siya. Ayaw niyang sabihin ang mga iniisip niya. Kahit tunay niyang kaibigan si Perl mas gusto niyang pribado ang naging dahilan at mga dahilan kung bakit siya nasa Germany. Sino 'man sa mga taong kilala niya sa trabaho o kaibigan sa Germany ay walang nakakaalam. Maging si Loren ay walang alam sa lahat tungkol sa kanila ni Kyo. Pinanindigan niya sa sariling walang sino 'man nakakaalam tungkol sa kanila ni Kyo. Maging ang kaniyang mga magulang ay hindi kilala ang binatang matagal niyang minahal.
"Magsabi ka na. Narinig ko kanina kausap mo si Loren. Nag-away ba kayo?" Usig pa nito sa kaniya nang wala itong makuhang sagot mula sa bibig niya. At dahil kitang -kita niya sa mga mata ni Perl ang malaking pag- alala ay nagsalita na siya.
"Nagtataka kasi ako Perl kung bakit biglaaan ang uwi namin ng pinas. May ticket na kami at bukas na bukas ay need namin umuwi."
"Nasabi mo na ba kay boss Jemaru?" banggit nito sa boss nilang hapon.
Nabanggit na niya iyon sa boss habang nananghalian siya. Matagal sila nitong nag-usap. Wala naman problema pag abot sa pagbabakasyon dahil sa tagal na niyang nagtatrabaho ay ngayon lamang siya nagpaalam na uuwi ng bansa. Nasaktuhan din niyang nasa mood ito kaya maayos ang pag-uusap nila ng amo. Asst manager ang papel niya sa trabaho. Man Power Agency ang pangalan ng work nila ni Perl. Isang ahensya na nagpapaalis patungong Japan.
"Kung ganoon ayus pala. Nakakainggit kasi makakaapak ka na ulit sa bansa natin." May inggit na namutawi sa boses ni Perl ng marinig niya. Ilan taon na rin itong hindi nakakauwi simula ng maikasal ito kay Rem.
Isang simpleng ngiti ang isinagot niya rito.
To be continued...