"TAKE A rest, honey," wika ni Loren kay Nat ng makauwi sila ng bahay.
Hindi ito pumayag na hindi siya ipacheck -up kahit na ba ilang beses siyang tumanggi sa asawa. Wala din naman nakita ang doctor sa kaniya. Takbo ng puso, likod, katawan o tiyan ay walang pagbabago. Kailangan lang talaga niya ng pahinga. Mag-iisang linggo na rin siyang subsob sa trabaho. Nagbakasyon kasi ang boss niya kasama ang pamilya nito kaya sa kaniya naiwan lahat ang tambak na gawain nito.
"Hindi ka ba babalik sa opisina mo, Loren?" Mahinang tanong niya ng mailapat ang katawan sa malambot na kama habang ito'y katabi niya sa kaniyang gilid.
Ngumiti muna ito saka hinawi ang buhok na tumabing sa mukha niya.
"Siguro hindi na. Sa kalagayan mo na 'yan honey, kailangan mo nang magbabantay sa'yo. Nagchat na rin ako kay Ger." malumanay na sagot nito. Ang nabanggit ay isa sa mga kasamahan nito sa trabaho.
Awtomatikong gumalaw ang labi niya. Nagustuhan niya ang narinig at magkakaroon din sila ng oras. Madalang lang sa patak ng ulan ang magkasama sila sa isang bahay. Kundi darating ang anibersaryo nila o kaarawan ay hindi ito mangyayare. Nuon pa 'man alam na niyang masyadong busy sa lahat ng bagay si Loren, pero na kay Loren ang lahat ng gusto niya sa lalaki. Guwapo, matalino, mabait at wala ng mahihiling pa siya sa kaniyang asawa. Kahit kulang pa ito sa oras sa kaniya pero pag darating naman ang espesyal na araw sa kanilang dalawa ay malabo nitong makalimutan. Medyo maliit nga lang ang katawan nito na hindi naman kakulangan sa tindig nito.
"So, anong nararamdaman mo ngayon?"
Nasa boses pa rin ang malaking pag -alala sa kaniya.
"Mas magiging okay ako kung naandito ka, honey." Aniya na itinaas ang palad at inilampaso sa braso ng asawa. Ginawa din niyang maging seryoso ang boses na halatadong may ibig sabihin.
Nakita niyang mabilis na nagbago ang mukha nito. Segundo naramdaman niyang gumalaw ang mukha nito pababa sa mukha niya. Epektibo ang pang-qakit niya. Iyon lang naman ang hinihintay niya. Siguro kaya rin masama ang pakiramdam niya ay kulang din siya sa dilig.
Hindi na niya pinatagal pa at mabilis niyang ipinalupot ang baraso sa leeg nito. Makipagpalitan siya ng mainit na halik sa asawa. Daig pa niya ang hindi galing sa hospital kung gumalaw. Marahas lahat ng galaw niya habang ito naman ay nagmamadaling pumatong sa kaniya at mabilis na inalis ang pang ibaba niyang suot. Walang ano ay mabilis nitong naipasok ang nangangalit nitong sandata. Minuto lang ay natapos ang init ni Loren sa kaniya habang siya ay nagsisimula pa lamang. Ikom bibig na isinuot niya ang manipis na undies. Habang si Loren naman ay nagsisimula nang suotin ang pantalon na suot kanina.
Minsan naitanong niya sa sarili. Ganoon pa ang mag-asawa pag kasal na? Minsan gusto na rin niya mag search about sa marriage. Aminin 'man niya o hindi, kulang na kulang at may hinahanap siyang ligaya. Pero pilit iwinawaksi iyon. Hindi iyon ang bagay na nagustuhan niya rito pero kinakapa niya iyon kay Loren.
"Magpapadeliver na lang ako ng lunch natin, honey." wika nito matapos maisarado ang zipper ng pantalon. Nakahiga na siya at nakabaluktot sa kama habang nakatagilid na nakaharap kay Loren.
"Ikaw." mahinang sagot niya.
Yumukod ito at hinaplos ang mukha niya.
"Anong gustong mong food? Chicken curry o sweet and sour?" Gusto niyang sabihin ito ngunit natitigilan siya.
"Kahit ano." matamlay niyang sagot na lang.
"Bakit ang tamlay mo? Sure ka bang okay ka na?" nanliliit matang katanungan nito.
Aminin 'man, nabitin siya sa pagtatalik nila. Ayaw naman niyang sabihin na iyon ang dahilan kaya matamlay ang itsura niya.
"Hindi, uh! Okay na ako." Aniya na pilit isinisigla ang boses.
"Sure ka?" paninigurado nito.
Tumango na lamang siya.
"Drinks?"
"Kahit ano." mabilis niyang sagot.
"Hmm... Lemon juice?"
"Sige." payag niya.
Pagkatapos niyang sumagot nakita niyang kinuha nito ang sariling cellphone na nakapatong sa bench. Nakatalikod itong dumadayal.
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Bumulagat din ng bigla niyang maalala ang napaginipan kanina. Hindi niya maalala kung sino ba ang lalaking nasa panaginip niya. Hindi niya maalala ang pagmumukha nito na tanging kisig at animoy isang taong tagapagtanggol niya. At dahil sa isiping iyon namigat ang mga talukap ng kaniyang mata.
***
KUMAWAY si Nat nang paulit-ulit habang papalayo ang kotse ni Loren. Hinatid siya nito sa opisina at nang maihatid siya ay nagmamadali na itong sumakay ng sasakyan dahil late na ito.
Inayos niya ang shoulder bag sa kaniyang balikat habang ang isa naman ay bitbit niya sa kaliwang kamay bago humakbang.
Dumiretsyo siya sa kaniyang desk at binuksan ang cabinet sa ilalim ng table niya. Kinuha niya ang maliit na tela saka pinunasan ang table bago niya inilapag ang kalahating dangkal na papel na patong -patong. Ang iba doon ay kailangan niyang basahin at iba naman ay kailangan niyang pirmahan. Sa isang araw na hindi niya pagpasok sa opisina ay talaga namang natambakan siya ng trabaho. Panigurado niyang malelate na naman siya sa pag-uwi mamaya.
Nagtaas siya ng palad at ipinatong iyon sa labing naghikab. Halos mag a alas dos na siyang nakatulog dahil naulit ulit ang pagsisiping nila ni Loren ngunit sandali lamang iyon. Si Loren ang tipong hahalikan lamang siya sa labi. Hahaplusin sandali ang kaniyang harapan ngunit panandalian lamang dahil mas gusto nitong nakapasok kaagad ang sandata nito sa kaniya. Ending bitin na bitin talaga siya. Kailan ba siya hindi nabitin sa tuwing magsisiping sila nito? Ito lang naman nasasarapan habang siya'y nanakit puson. Minsan gusto na talaga niyang manuod ng porn at ipanuod iyon sa asawa.
"Okay ka na, girl?"
Boses na nagpataas ng ulo niya. Si Perl na hindi niya namalayang nakapasok sa kaniyang opisina. Magkasama sila nito sa iisang trabaho. At sa Germany din sila nito nagkakilala at residente na ito doon.
"Kararating lang." saka tumayo siya sa pagkakaupo. "Gusto ko ng kape Perl. Order ka naman." Utos niya sa kaibigan habang nagsisimula ng kumulo ang kaniyang tiyan.
"Oo, kasi halatadong inaantok ka pa." saka ngumiti na tila ba may ibig sabihin.
"Anong ibig sabihin ng ngiti na 'yan?" Tanong niya na pilit huwag mangiti sa pilyang kaibigan.
"Puyat si Inday. So, ginawa mo ba ang sinabi ko?"
"Perl, hanggang ngayon, e, iyan pa rin ang magiging topic natin?" saka tumalikod sa kaibigan. Inabot niya ang isang envelope.
"Ano 'to? Kelan 'to dumating?"
"Nakailan kayo kagabi? Mukhang nagmadamag kayo ni Loren, ah? Tiyak makakabuo kayo niyan." Sige pa nito.
"Hays! Perl! Kanino 'to galing?" Saka iwinagwag pa niya ang hawak sa harapan nito ng makaharap.
Ngunit inignora nito ang katanungan niya at nagpatuloy. "Gumanito ka ba?" saka iminostra ang sarili nitong gumagalaw ang katawan.
"Kahit hindi mo sabihin Perl. E , ginawa ko! Mag order ka na nga lang ng kape. Ang aga-aga ang halay mo!"
Saka tinalikuran niya ang kaibigan at naupo siya table niya.
"Good! Alam ko naman na gagawin mo 'yun." Anito na sinundan pa siya at naupo sa ibabaw ng mesa niya.
Akmang sasagutin pa niya ang kaibigan ng biglang tumunog ang telepono na nakapatong sa lamesa niya.
"Ako na?" Prisinta ni Perl.
"No! Ako na." Baka kasi ang boss niya iyon.
"Hello! Good morming! " Aniya ng maiangat iyon.
"Honey?" Mabilis niyang naulinigan ang asawa. Napakunot nuo siya. Hindi tumatawag si Loren sa ganoong oras sa kaniya.
"Yes! Honey. Napatawag ka?" Nakakunot nuong tanong niya kaagad.
"Nakabili na ako ng ticket natin pauwi ng pinas. Uuwi tayo bukas." Diretsyo at walang abog nitong sabi sa kaniya.
"U-uuwi? Ba-bakit?" Nauutal na tanong niya, "Biglaaan naman!" dagdag pa niya sabi.
"Mamaya na lang tayo mag-usap Mahal ko. Bye honey." Hindi pa 'man siya nakakapagsalita ay nawala na ang linya.
To be continued...