“Si Melody, girlfriend ko.” pagpapakilala sakin ni Rash. Napalunok ako nang mapansin kong natahimik silang lahat. Hinawakan ni Rash ang kamay ko at hinila ako paupo. Nahihiyang nginitian ko ang pamilya ni Rash habang nagb-bow. “Tigilan mo nga yan, wala ka sa Korea.” bulong ni Rash sakin. Inapakan ko ang paa niya. “Aray.” mahinang daing niya. “Ice!” natigilan ako nang yakapin ni Ma'am Shenna si Mr. Farthon. “Akala ko magiging bakla ang anak natin. May girlfriend na si Rash!” napakurap ako. Umiiyak ba si Ma'am Shenna? “Ganyan talaga si Mama, OA.” bulong pa ni Rash sakin. “Damn, you're a pain in the ass.” sabi ni Mr. Farthon. Napasimangot si Ma'am Shenna at binatukan ang asawa niya. Napalunok ako. “Maghiwalay na nga tayo!” nakasimangot na sabi ni Ma'am Shenna. “Hala Rash, maghihiw