“U-Unit ko 'to Sir Rash.” nauutal na sabi ko. Tumayo siya at naglakad papalapit sakin. Napaiwas ako ng tingin dahil ang sama ng tingin niya sakin at ang lapit na niya sakin. “Pa'no mo naging unit 'to Ms. Natividad? I bought this fvcking unit five years ago.” napatingala ako sa kanya. Mas tumangkad na rin pala siya. Napalunok ako. “S-Sakin na ang unit na 'to, binigay na ni Ma'am Shenna sakin 'to. Kung gusto mo ipapakita ko pa sayo ang mga papeles.” hindi ako makatingin ng ayos sa kanya. Medyo dumistansya siya kaya pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag. “Bakit ibibigay ni Mama sayo ang unit na alam niyang pag-aari ko? Sino ka sa buhay namin?” Pakiramdam ko nanghina ang mga tuhod ko sa tanong niya. Ngayong wala siyang naaalala, sino nga ba ako sa buhay niya? “Umalis ka.” nanlaki ang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books