Chapter 3

1724 Words
Napaiwas ako ng tingin kay Rash habang ipinaghahain niya ko. Ang awkward, grabe. Hindi ako makatingin ng ayos sa kanya. “R-Rash...” napatingin siya sakin. Mukha na siyang kalmado ngayon kaysa kagabi. Natakot talaga ako sa kanya ng sobra. “Hmm?” tanong niya. “G-Galit ka pa ba sakin? Ayoko kapag tahimik ka, nakakatakot.” nakangusong sabi ko. Napabuntong hininga siya. Hinaplos niya ang buhok ko. “Sorry kung nagalit ako kagabi. A-Ayoko lang na nalabas ka tuwing gabi, at hindi rin maganda na basta basta mo binibigay ang number mo sa hindi mo pa lubusang kilala na lalaki.” napasimangot ako sa sinabi niya. “Bakit? Magkaibigan naman kayo ni Leo ah.” napakamot si Rash sa kilay niya. “Iniingatan lang kita, babaero ang Leo na 'yon.” Hinila niya ko paupo sa kandungan niya. Napanguso na lang ako at niyakap siya saka sinubsob ang mukha ko sa leeg niya. Niyakap niya naman ako sa baywang. “Alam mo namang mahalaga ka sakin diba? Kahit madalas tayong mag-away, sobrang espesyal mo para sakin.” bulong nito. Madalas kaming mag-away ni Rash, hindi ito ang unang beses. Weird man pakinggan pero ganito talaga kami maglambingan. “Sorry na. Basta wag ka ng magagalit ulit, nakakatakot ka.” natawa na lang siya sa sinabi ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa buhok ko. “I love you...” Natigilan ako nang maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. “...'cause you're like a sister to me.” nakaramdam ako ng pagkadismaya sa sinabi niya. Itong nararamdaman ko, mukhang hindi 'to maganda. *** “Grabe naman siya, ano mo ba siya? Boyfriend?” nakasimangot na tanong ni Lovely. “Hindi, concern lang talaga siya. Diba nga, babaero kasi talaga si Leo.” sabi ko habang naglalaro sa cellphone ni Lovely. Napaismid lang siya. “Ako iba ang pakiramdam ko kay Rash eh. Parang mas weird pa siya kay Dash kung oobserbahan mo siya.” sabi pa nito. “Loka. Ang bait bait na nga sakin nung tao tapos kung ano ano pang iniisip mo dyan.” Mabait naman talaga sakin si Rash kahit malakas ang topak niya minsan. “Basta ha, kapag nakaramdam ka na ng kakaiba sa Rash na 'yon, welcome na welcome ka sa bahay namin.” sabi nito. Nginitian ko lang siya saka binalik ang phone sa kanya. “Melody...” Natigilan ako dahil sa pamilyar na boses na 'yon. Automatic na kinilig ang buong body organs ko dahil sa gwapong mukha ni Leo. My ghad! “L-Leo, tungkol kagabi. Pasensya na kung hindi ako nakapunta. H-Hindi kasi ako pinayagan.” hindi ko sinabing si Rash. Baka magtaka pa siya. “Okay lang, naiintindihan ko. But you have to come with me in return.” nakangiting sabi nito. “Kausapin mo pa ulit si Leo, o kahit sino pang lalaki maliban sakin, makikita mo kung paano ako magalit.” Natigilan ako nang maalala ko ang sinabi ni Rash kagabi. Siguro naman hindi siya seryoso do'n diba? “S-Saan?” nakangiting tanong ko. “Magd-date tayo.” Parang nanginig ang cells ko sa sinabi niya. Grabe, niyayaya niya ko makipagdate?! OMG! Kumalma ka Melody, kumalma ka. Wag mong ipahalata na excited ka. “A-Ah, sige.” “Anong oras ka pwede?” tanong pa nito. “Wala na kong klase ng 4pm.” napatango siya at ngumiti. Grabe, ang gwapo talaga. “Sakto. Wala na rin akong klase no'n. Magkita na lang tayo sa gate.” tumango na lang ako at ngumiti. Kinikilig ako! *** “Sorry, pinaghintay ba kita ng matagal?” tanong ko kay Leo nang makarating ako sa gate. Umiling siya at ngumiti sakin. “Hindi naman, kakarating ko lang din.” Pinagbuksan niya ko ng pinto sa kotse niya. Buti na lang wala ng masyadong tao, magiging issue 'to pag nagkataon. Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe. Nahihiya akong magsalita, hindi ko rin naman alam kung ano bang dapat kong sabihin. Pero natigilan ako nang may maalala ako. “Hmm, Leo. P-Pwede wag mo kong dalhin sa mamahaling restaurant? Ayoko kasi sa mga gano'ng lugar.” mahihiyang sabi ko. Natawa naman siya sa sinabi ko. “Sige, hindi kita dadalhin sa mamahaling restaurant. Pero dadalhin kita sa paborito kong lugar.” nakangiting sabi nito. Makalipas ang ilang minuto, nakarating nga kami sa magandang lugar. Maraming mga halaman at bulaklak dito, pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang malaking puno sa gitna na may parang bahay sa taas. Tree house? Grabe, napakaganda naman ng tree house na 'to. “Kaming magt-tropa, mahilig kami sa tree house. May tree house kami sa mansyon, kahit sina Rash. May kakaiba kasi kaming memories dito.” hinawakan niya ang kamay ko at nagtungo kami doon. “Pumasan ka sa likod ko.” Nanginginig ang mga kamay na pumasan ako sa likod niya. Sinimulan niyang akyatin ang puno. Hindi naman gano'ng kahirap dahil may hagdan naman, pero medyo mahirap din kasi madaming mga sanga. “H-Hindi ka ba nabibigatan?” tanong ko sa kanya. Baka malaglag kaming parehas dito gaya ng mga nangyayari sa movies. “Hindi, ang gaan mo nga eh. Nakain ka pa ba?” natatawang tanong nito. Napanguso na lang ako. Grabe, ang bango bango niya. Hay! Kinikilig talaga ako. Maingat kaming nakarating sa tree house. Napanganga na lang ako pagkapasok namin sa loob. Malaki pala talaga ang tree house na 'to at may kama pa talaga sa loob. Meron ding flat screen na tv at may maliit na refrigerator. Agad akong nagtungo sa may mahabang upuan at umupo. Tumatama ang sariwang hangin sa mukha ko dahil nakabukas ang malaking bintana. Grabe, sobrang ganda. Natigilan ako nang umupo si Leo sa tabi ko. Nakatingin din siya sa may bintana. “Anong relasyon mo kay Rash?” natigilan ako sa tanong niya. “H-Ha?” “Ilang buwan ka na ring nakatira sa unit niya, diba?” tanong nito habang nasa bintana pa rin ang mga mata. Napaiwas ako ng tingin. Naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko. Humarap sakin si Leo at ngumiti. “Wag kang kabahan, wala akong pagsasabihan. Promise.” sabi nito at iniangat pa ang kanang kamay. “A-Ang totoo niyan, tutor niya ko.” natigilan siya sa sinabi ko. “T-Tutor ka niya?” tila hindi makapaniwalang sabi niya. Napakunot ang noo ko. “Oo, b-bakit?” Napaiwas siya ng tingin at napangiti. “Ngayon ko lang nalaman na kailangan pa pala ng isang Rash Pierre Farthon ng tutor.” natatawang sabi niya. Naguluhan ako sa sinabi niya. “H-Ha?” umiling lang siya sakin. “Wala. Wag mo ng pansinin 'yon.” tanging sabi na lang niya. “Leo, nangako ka sakin na wala kang pagsasabihan ah.” pinisil niya ang ilong ko. “Hindi ako tsismoso.” natatawang sabi niya. Napangiti na lang ako. “Pero may gusto akong malaman.” seryosong sabi niya. “Ano 'yon?” “May namamagitan ba sa inyo ni Rash? I mean, romantic feeling?” natawa ako sa sinabi niya. “Ano ka ba? Ni hindi nga ako tinuturing na babae no' eh.” sabi ko habang napapailing. “Ibig sabihin may pag-asa ako sayo?” nakangiting tanong niya. Natigilan ako. “A-Ang totoo niyan Leo, crush talaga kita. Pero kung sasaktan mo lang ako gaya ng ginagawa mo sa mga babae mo, isusumbong talaga kita kay Rash.” nakasimangot na sabi ko. Natawa siya sa sinabi ko. “You're one hell of a lucky woman, do you know that?” nakangiting tanong niya. Napakunot ang noo ko. “Sa maniwala ka man o hindi, ikaw ang unang babae na niyakag kong makipagdate.” nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? “Ang dami mo kayang ka-date lagi.” nakasimangot na sabi ko. “Sila ang nagyayakag sakin, magkaiba 'yon.” natatawang sabi niya. Napanguso na lang ako. “Hey Leo---” Natigilan kami at napalingon sa taong basta na lang pumasok ng tree house. Gano'n na lang ang gulat ko nang makitang si Rash 'yon. Napakunot ang noo niya nang mapatingin sakin. “Melody? What the hell are you doing here?!” mapanganib na tanong niya. Napalunok ako at napaiwas ng tingin. “Calm your t**s Rash. Ako ang nagyaya sa kanya dito. Ihahatid ko na rin naman siya eh.” sabi ni Leo at lumapit kay Rash saka ito tinapik sa balikat. “Ako na ang maghahatid sa kanya.” seryosong sabi ni Rash habang hindi maalis ang mga nanlilisik na tingin sakin. Dapat na ba akong kabahan? *** Tahimik kami ni Rash pagkadating namin sa unit. Umupo ako sa couch, hinabol ko lang ng tingin si Rash nang pumasok ito sa kwarto niya. Napabuntong hininga ako, nakakatakot kapag ganito siyang tahimik. Agad ring lumabas ng kwarto si Rash na may dalang box. “R-Rash, alam na ni Leo na dito ako nakatira sa unit mo.” pag-open ko ng topic, nabibingi ako sa katahimikan eh. Nagulat ako nang ibato sakin ni Rash ang kahon na agad ko namang nasalo. Napakunot ang noo ko. Cellphone? “Para saan 'to?” nagtatakang tanong ko. Umupo si Rash sa tabi ko. “Sinira ko yung phone mo diba? Pinalitan ko lang.” tipid na sagot niya. Nanlaki ang mata ko nang mapatingin sa phone. Grabe, ang ganda. Kulay baby pink siya, hindi ko na sasabihin yung brand. (a/n: trip ko lang ✌) Nagulat ako nang makita ko ang presyo nito sa box. Napalunok ako. 45,000 pesos?! “Grabe naman Rash. Ang mahal nito, 3,000 lang yung cellphone ko eh.” sabi ko at inabot sa kanya ang box matapos kong ibalik do'n ang phone. “Subukan mong isauli sakin yan, I will throw that sh*t outside.” seryosong sabi nito. Agad ko namang kinuha 'yon ulit. Baka itapon niya nga, sayang naman. “Ahm, m-malapit na pala yung birthday ni Shaun---” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita. “You don't have to worry about it, hindi na ikaw ang date ko.” malamig na sabi nito at tumayo na saka dumiretso sa kwarto niya. Napabuntong hininga na lang ako. Galit ba siya? *** “Hoy! Bakit tulala ka diyan? Si Rash na naman iniisip mo noh?” sabi ni Lovely habang nakain ng chips. “Eh kasi naman. Dalawang araw na niya kong hindi kinakausap. Hindi ako sanay na gano'n siya.” sabi ko at inagaw sa kanya ang kinakain niya. “Eh ano naman kung hindi ka niya kinakausap? Ikamamatay mo ba 'yon?” sabi niya at napairap. “Hindi mo ko naiintindihan, parte na ng buhay ko si Rash, pakiramdam ko kulang ang araw ko kapag hindi ko siya kakulitan.” nakangusong sabi ko. “Hindi kaya...” napatingin ako kay Lovely. Napakunot ang noo ko. “Ano?” “Hindi kaya may gusto ka---” “Melody...” napapitlag ako nang biglang sumulpot si Leo sa harapan ko. “L-Leo.” automatic na nagheart shape ang mga mata ko. “Okay gets ko na, wala kang gusto kay Rash.” bulong ni Lovely na hindi ko naman narinig. “Hmm, wala kasi akong date sa birthday ni Shaun. Pwede ka ba?” tila nahihiyang sabi nito at napakamot pa sa batok. Birthday ni Shaun? Ibig sabihin nandoon din si Rash? “A-Ah, kailan ba ang birthday niya?” nag-aalangang tanong ko. Parang ayokong sumama, lalo na kung nandoon si Rash. “Sa makalawa na, pwede ka ba?” tanong nito. Napatikhim ako. “A-Alam mo Leo, hindi ako mayaman. Wala akong magagandang damit na pwedeng suotin do'n, baka mapahiya ka lang kapag ako ang sinama mo.” nahihiyang sabi ko. “Ako ng bahala do'n. Please pumayag ka na Melody.” napaiwas ako ng tingin sa kanya. Bakit ba kasi ang gwapo gwapo niya? “S-Sige.” “Thank you Melody.” nakangiting sabi nito. Hindi ko naman siguro pagsisisihan 'to diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD