Lucio’s POV “Maliligo ka?” tanong ni Nia nang lapitan ako dito sa may bench. Tinatawagan ko kasi si Skyla. Magpapaalam ako na mukhang gagabihin ako kaya mainam na ‘yung alam na niya na pumunta ako sa reunion. Ganoon naman ‘di ba kapag kayo na? Dapat alam na niya kung nasaan ka. Dapat nagpapaalam na rin, mali lang talaga ako na pumunta agad ako rito nang hindi nagpapaalam sa kaniya. Pero bakit ba hindi siya sumasagot? May nangyayari na naman ba sa hide out niya? “Malalaman, pero wala kasi akong dalang damit, pero ayos lang din naman, malapit lang naman ang inuuwian ko rito,” sagot ko sa kaniya. Naupo na rin siya sa tabi ko kaya tinabi ko na rin muna ang cell phone ko at mukhang walang balak sumagot si Skyla. Busy siguro talaga siya. “Puwedeng magtanong?” Napatingin ako sa kaniya dahil sa