Lucio’s POV Tinulungan ako ni Skyla sa paghahanap ng mga taong kailangan ko para gagawa ng bahay namin ni Lola Igna. Kapag talaga nariyan siya, hindi ko na kailangan pang maghirap dahil isang tawag lang niya sa mga kakilala niya, ito na, agad-agad, pupunta sila. Siya na rin ang kumausap sa mga ito dahil wala rin akong idea sa ganitong gawain. Tinanong na lang ako ni Skyla kung anong klaseng bahay ang ipapatayo ko. Sinabi ko naman kung ano ang gusto namin ni Lola Igna. Kung gaano kalaki ang bahay, kung ilang kuwarto ang gagawin, saan banda ang kusina, salas, CR at kung ano-ano pa. Ipaubaya ko na raw sa kaniya ang plano kaya tumango na lang ako dahil malaki naman ang tiwala ko sa kaniya. Nang araw ding ‘yun, tinanggalan na ng damo at mga puno ang lupang nabili ko. Pati na rin ang mga baton