Lucio’s POV Binuhat ko agad si Skyla papunta sa loob ng bahay nila dito sa farm. Mabuti na lang talaga at nag-abiso siya na mawawalan siya ng malay. Kasi kung nahimatay siya at nasa likuran ko siya, tiyak na tatama ang ulo niya sa lupa. Ang matindi ay baka sa bato pa. Tiyak, comatose ang aabutin niya. Pero bakit kaya nahimatay siya? “Oh, anong nangyari sa kaniya?” napatayo agad sina Lola Igna at ang mama niya nang makitang buhat-buhat ko ang walang malay-tao na si Skyla. Hiniga ko siya sa sofa. Si Tita Layla, kumuha agad ng pamaypay para paypayan ang anak niya, habang si Lola Igna naman ay nilabas ang pinapahid niya sa katawan kapag may rayuma siya. Mabango daw ‘yun at nakakatulong manggising ng mga taong nawawalan ng malay. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naba-blanko talaga ako kapag may