Skyla’s POV Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa ibaba. Ramdam ko na rin sa mukha ko ang sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kuwarto ko rito sa farm ni Mama Layla. Tumingin ako sa orasan, pasado alas otso na pala ng umaga. Ayoko pa sanang bumangon pero may mga kailangan kasi akong gawin ngayong araw dito sa farm. Tumayo na ako at pumunta sa banyo. Naghilamos at nag-toothbrush. Paglabas ko ay hinubad ko na ang damit pantulog at saka ako nagpalit ng bagong damit. Humarap ako sa salamin ng vanity table ko para magsuklay ng buhok. Ayokong lumabas ng mukhang bruha. At dahil narito rin ako sa farm, naglagay din ako ng suncreen sa mukha ko at ganoon na rin sa balat ko para hindi ako mangitim. Nagtatawanan sa ibaba sina Lola Igna at Mama Layla nang makita ko. Kaya naman pala maingay at d