Skyla’s POV Tapik ni Mama ang gumising sa akin. “Halika na, luto na ang tanghalian kaya bumangon ka na riyan, Skyla,” sabi niya sa akin habang papungay-pungay pa ang mga mata ko. “Sige po, susunod na ako, gigisingin ko lang din po si Lucio,” sagot ko naman sa kaniya at saka ako bumangon. “Gising na, naroon siya sa labas at naka-istambay doon,” sabi naman niya. “Inaya niyo na po bang mag-lunch?” tanong ko pa habang nakaupo pa na sa kama. Gusto ko pa kasing mag-inin, kapag ganitong bagong gising ako, tinatamad pa akong maglakad at tumayo. “Hindi pa, ngayon lang naluto ang ulam eh. Sige, ikaw na ang umaya at ihahanda ko na muna ang pagkain sa lamesa.” Nauna na siyang lumabas sa silid ko. tumayo na ako at saka nag-ayos ng buhok. Pinusod ko lang ito at nagulo kasi sa aking pagtulog. Dina