Lucio’s POV Napagod na si Tita Layla kaya nagpahatid na siya sa bahay na tinutuluyan namin. Nagpaiwan na siya roon. Magbe-bake na lang daw siya ng cake at cookies. Kaya pala bumili ito ng maraming strawberries. Imbis daw kasi na bumili pa ng pasalubong, igagawa na lang daw niya ng mga tinapay at cake ang mga staff niya. Sinabi naman ni Skyla na ibibili na lang ng pasalubong ang mga ito, pero ayaw niyang pumayag. Ngayon, kaming dalawa na lang tuloy ni Skyla ang nasa pasyalan. Solong-solo ko na ito at puwede na kaming mag-sweet-sweet-an “Ito na ba ‘yun?” tanong ko kay Skyla. “Oo, ‘yan na nga ‘yung sikat na Tsokolateria,” sagot niya. Nag-park na ako ng sasakyan. At dahil nga pagod na rin kami sa papamasyal, kailangan na namin ng matamis na maiinom. Kailangan na rin nang pampagising kaya