Lucio’s POV “Ganito talaga ako matulog sa gabi, walang mga saplot. Masanay ka na dahil ganito mo na ako palaging makikita sa gabi at sa umaga. Pero nais ko lang ipaalam sa iyo na sa oras na kuhanan mo ako ng video at ng litrato ay mabubulok ka sa bilangguan,” paalala niya kaya natakot ako. Binabalak ko pa naman sanang gawin ‘yun. Kasi nga bulag siya kaya kung kukuhanan ko man siya ng picture ay hindi naman niya malalaman. “Oo naman po, hindi ko ho magagawa ‘yun. Nagulat lang po kasi ako kaya ganito ang naging reaksyon ko,” sagot ko habang nauutal. “Parang bago naman sa iyo ang ganito. Hindi ka pa ba nakakakita ng hubu’t hubad na babae eh, ang pagkakaalam ko ay wild ka raw tuwing gabi kapag fiesta sa inyo. Na sabi lang sa akin ni Freya, nag-background check din kasi kami sa iyo bago ka n