Lucio’s POV Pati almusal niya, prinsesang-prinsesa ang dating dahil sa dami ng pagkaing laman ng tray. Ang mga mayayaman talaga, ayaw rice, kaya siguro karamihan sa pamilyang ito ay hindi matataba dahil iniiwasan nila ang kanin. Limang plato ang mayroon sa tray, ang unang plato ay may lamang pancake na may syrup sa ibabaw, ang ikalawang plato naman ay mayroong fried egg, bacon at saka ham. ‘Yung ikatlong plato naman ay may iba’t ibang klase ng tinapay. ‘Yung pang-apat na plato ay waffle naman ang laman at ang pinakahuli ay ‘yun mga hiwa-hiwa ng mga prutas. May dalawang klase rin ng maiinom, ang isa ay mainit na kape habang ang isa naman ay malamig na juice. Bigla ko tuloy naisip kanina ang almusal ko, kape at pandesal lang ay okay na sa akin. “Anong una mong gustong kainin, Ma’am Skyla?