Chapter 6

1861 Words
Lucio’s POV Alas siyete ng umaga nang gisingin ako ni Lola Igna. Nagulat pa ako dahil akala ko ay tanghali na kaya mabilis akong bumangon, maaga talaga akong gigising ngayon dahil alam kong may mga papakyaw ng mga pipino ngayong araw dito sa farm namin. “Sorry po, anong oras na po ba?” tanong ko kay lola habang papungay-pungay pa ang mga mata. Masakit ang ulo ko dahil pag-uwi ko kagabi galing sa birthday party ni Benjie ay tinuloy kong mag-isa ang pag-inom ng alak dahil ayokong mabitin, mas masakit sa ulo kapag bitin. Ayon, nang makarami ako kagabi, nalasing ako kaya heto, hang over is waving. “Huwag mo munang isipin ang tungkol sa pag-aani ng pipino ngayon dahil tila may mas mahalaga kang dapat gawin kaysa doon,” sabi niya kaya nagulat ako. “Hala, parang nakalimutan ko na po ata ‘yan. Bukod po ba sa pag-aani ng mga pipino ay may dapat pa po ba akong gawin?” tanong ko tuloy sa kaniya. Napakamot siya ng ulo. “Halika, heto ang tinutukoy ko oh,” sabi niya at saka ako hinila palabas ng kubo ko. Takang-taka talaga ako dahil hindi ko ma-gets ang sinasabi niya. Nang makalabas na kami ay nagulat ako sa isang magandang babae na nag-aabang sa amin habang nakaupo sa harap ng kubo ni Lola Igna. Nang makita niya ako ay nagulat siya. Namimilog ang mata nito at tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa. Pero tinaas niya ulit ang tingin niya hanggang sa tumigil naman siya sa may kargada ko. Doon ko lang napagtanto na topless nga pala ako at boxer short lang ang suot. Agad ko tuloy tinakpan ang alaga ko dahil alam kong kapag umaga ay bakat na bakat ito. “S-sorry, bigla na lang kasi akong hinila ni lola dito. Hindi ko alam na may bisita pala kami,” sabi ko. “Puwede bang magbihis muna ako?” paalam ko. “G-go ahead,” mautal-utal pa niyang sagot. Nagtatakbo tuloy ulit ako papasok sa loob ng kubo. Nagmadali ako sa pagkuha ng damit at short. Habang nagsusuot na ako ng damit, bigla akong napaisip. Sino ang babaeng ‘yun na tila mayaman? Sa itsura pa lang kasi ng katawan, pananamit at sa pagkilos ay halatang mayaman siya. Mabilisang toothbrush at hilamos ang ginawa ko at nakakahiya naman kasi kung makipag-usap ako sa kaniya na mabaho ang hininga ko. Inayos ko na rin ang buhok ko para mas maganda. Chicks kasi ang nandito kaya dapat lang na magpapogi ako. Paglabas ko ay wala na siya sa may kubo ni Lola Igna. Akala ko ay umalis na siya, ‘yun pala ay pinapunta lang ito ni Lola Igna sa may ilalim ng puno ng mangga na kung saan ay madalas kong pag-meriendahan dito sa farm. Doon daw kasi lilim at mahangin kaya doon niya hinatid ang babaeng ‘yun. Dinalan na rin daw niya ito ng maiinom at makakain kaya wala na raw akong dapat pang gawin. Makikipag-usap na lang daw ako dahil mukhang aalukin ako nito ng trabaho. Pinuntahan ko na siya at nakita kong hindi manlang niya ginalaw ang pagkain at maiinom niya. Hindi na ako nagtaka. Kapag ganito kasing mga mayayaman ay maseselan sila sa pagkain. Naupo na ako sa harap niya. Nakita kong bumuntong-hininga ka. “H-hello,” mautal-utal ko pang bati sa kaniya. “I’m Lucio Sarmiento,” pagpapakilala ko pa sa kaniya. “Didirestyuhin na kita. Gusto kang bigyan ng trabaho ng pamilya Ivy,” sabi niya kaya nagulat ako. Saglit akong napaisip dahil pamilyar ako sa surname na ‘yun. Sikat ‘yun eh. Madalas ko siyang marinig. Nang maalala ko na ay doon na lalo namilog ang mga mata ko. “Kung hindi ho ako nagkakamali, ang pamilya Ivy ay ‘yung sikat na bilyonaryong pamilya dito sa Maanghang Town?” tanong ko sa kaniya. “Huwag mo na akong hinu-ho at hindi pa naman ako matanda,” sabi pa niya. Ang sungit naman ng babaeng ito. “Pero, tama ka. Sila nga ‘yung tinutukoy mo,” sagot niya. “Kung ganoon ay ano ho bang…” nahinto ako sa pagsasalita nang manlaki ang mga mata niya. Ayaw niya nga palang hinu-ho siya. “Este, ano magiging work ko doon?” tanong ko. “Bulag si Skyla Ivy ngayon dahil naaksidente siya. Anyway si Skyla ay ang bunsong anak nila Don Simon at Donya Kyla. Magiging caregiver ka sa kaniya,” sabi niya kaya nagulat ako. “Caregiver?” napalakas pa ang boses ko. “Oo, caregiver, hindi mo ba alam kung anong work ang caregiver?” tanong pa niya na medyo iritado na. “Siyempre, alam ko. Aalagaan ko siya, ganoon ‘di ba ‘yun?” “Alam mo naman pala. So, ano? Tatanggapin mo ba?” Nagbuga ako ng hangin. Tatanggapin ko ba agad ‘yun gayong hindi pa naman niya ako parang nililigawan. Siyempre, dapat ko munang alamin kung dapat ko ba itong tanggapin ko o hindi. “Kailangan ko muna ng details tungkol sa trabahong ‘yan. Sahod, araw nang pagpasok at kung ano-ano pa na dapat kong malaman? Saka, ikaw, sino ka ba? Kaano-ano mo ang pamilyang Ivy?” sunod-sunod kong tanong kaya napairap siya. “I’m Freya Sandro, pinsan ako ni Skyla ivy. Magkapatid ang mga mother namin,” pagpapakilala na niya kaya napatango ako. “Ngayon, tungkol naman sa mga details na kailangan mong malaman. Everyday ang pasok mo, ibig sabihin pati Saturday at Sunday may pasok pa rin. Bulag nga kasi si Skyla kaya sa lahat ng oras ay kailangan niya ng taong mag-aalaga sa kaniya. Tungkol naman sa sahod mo, kalahating milyon ang makukuha mo kada buwan, tataas pa ‘yan kapag ginalingan mo ang trabaho mo,” sabi niya kaya napalunok ako ng laway. Napamura ako ng palihim dahil daig ko pa ang nagtatrabaho sa ibang bansa sa laki ng sasahurin ko sa kanila. Sabagay, hindi naman mahirap mag-alaga ng tao, lalo na at si Skyla Ivy pa ito. Sigurado akong maganda, sexy at mabango siya kaya hindi naman siguro nakakadiring alagaan. Pero, teka nga. Bakit imbis na babae ang kunin nilang mag-aalaga sa kaniya ay bakit lalaki pa at bakit ako rin? Nakapagtataka naman. “May tanong pa ako, Miss Freya?” “Ano ‘yun? Puwede bang pakibilis at medyo nangangati na kasi ako sa init dito,” maarte niyang sagot kahit ang lamig at ang hangin naman dito. “Bakit hindi babae ang kinuha ninyong mag-aalaga sa kaniya? Saka, sa lahat ng tao dito sa Maanghang town ay bakit ako pa?” tanong ko. “Ayaw mo ba? Naliliitan ka ba sa kalahating milyon na sahod sa isang buwan? My, God, nagsasayang lang ata ako ng oras at laway dito. Dapat kanina mo pa sinabi na ayaw mo pala,” sabi niya kaya nagulat ako. “Uy, hindi, gusto ko. Sige, tinatanggap ko na, hindi na ako magtatanong pa. Tatanggapin ko na ang trabahong ‘yan,” sabi ko kaya natigil na siya sa dapat na pag-alis na niya. “Kung ganoon ay pumirma ka na ng contract,” sabi niya at saka nilapag sa lamesa ang papel. Wala nang basa-basa, pumirma na agad ako at mukha nagmamadali na kasi siyang umalis. Hindi pala nagmamadali, gusto na niya talagang umalis dahil mukhang legit na nangangati na siya dahil kanina pa siya pakamot-kamot ng balat. Pagkatapos kong pumirma ng kotrata ay napanganga ako nang abutan niya ako ng isang sobra na may lamang makapal na pera. “One hundred thousand pesos ‘yan. Lucio. Bumili ka na ng mga magagandang damit, pabango, tooth brush, skin care at kung ano-ano pa para masabing mabango kang tignan, dahil kapag nag-start ka na sa trabaho mo, kailangan palaging kang mabango dahil bawal ang dugyot sa mansiyon ng pamilyang Ivy. Naiintindihan mo ba?” Tumango ako. “Yes, Miss Freya,” sagot ko. “Kung ganoon ay mauna na ako. Next week, mag-start ka na kaya mag-ready ka,” sabi pa niya. “Maraming salamat, hatid ko na po kayo,” sabi ko pa pero hindi na niya ako pinansin. Suplada. Pag-alis niya, tinignan ko na ang laman ng sobre. Nang makita kong totoong pera ito na sobrang bango pa na para bang kakalabas lang galing sa bangko ay kinilig ako ng husto. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakahawak ng ganitong kalaking pera. Nagtatakbo tuloy ako papunta sa kubo ni Lola Igna. Pagdating doon ay niyakap ko siya at hinalikan nang hinalikan sa pisngi. “Teka nga, ano bang nangyari at ang saya-saya mo diyan? Anong napag-usapan ninyo?” “Yayaman na tayo, Lola Igna kaya maging masaya ka na rin,” sagot ko. Naglabas ako ng pera sa sobre at saka ko inabot sa kaniya. “Oh, ayan, mag-grocery ka po at bilhin niyo po ang mga gusto ninyong bilhin, lola,” sabi ko pa kaya nakita kong nanlaki ang mga mata niya. ** Tulad nang sinabi ni Freya, sinunod ko ang mga sinabi niya. Nagpasama ako kay Benjie sa mall. Namili na ako ng mga magagandang damit, pantalon at sapatos. Bumili rin ako ng maraming pabango at ganoon na rin ng skin care. Niregaluhan ko pa nga ng sapatos si Benjie kaya tuwang-tuwa siya. Bumawi ako sa fifty pesos na damit na niregalo ko sa kaniya kahapon. Takang-taka naman siya kung bakit marami akong pera. Hindi ko nalang muna sinabi sa kaniya ang magiging trabaho ko at nahihiya pa kasi ako. Nagtira ako ng kaunting pera at next month pa kasi ako sasahod. Pang allowance nalang ang natira sa akin. Pag-uwi ko sa farm ay nadatnan kong nag-aayos naman si Lola Igna ng mga groceries na pinamili niya. Nakangiti siya at masayang-masaya rin. Doon ko napagtanto na mag-uumpisa nang maging ginhawa ang buhay namin. Kapag lumaon, magpapatayo n arin ako ng bahay dito at magpapakabit na rin ng aircon para kapag summer, hindi na kami nagtitiis ng init dito sa farm. Bibigyan ko na magandang buhay ang lola ko dahil siya na lang ang natitirang mahal ko sa buhay. Ngayon pa lang, ang dami nang tumatakbo sa isip ko. “Lola, oh, binili ko kayo ng mga damit sa mall, nakita ko kasi na paulit-ulit na lang ang sinusuot ninyong saya. Ngayon, hindi na kayo mahihiyang um-attend ng birthday ng mga kaibigan mo dahil may maganda ka ng damit. Hindi lang ‘yun, binili ko rin ho kayo ng sapatos.” Inabot ko sa kaniya ang mga paperbag kaya tuwang-tuwa naman siya. “Apo, inubos mo naman ata lahat ng pera mo?” “Ayos lang po ‘yan, lola. Mas malaki naman ang magiging sahod ko next month kaya huwag ka nang manghinayang,” sagot ko. “Oh, basta, galingan mo ang pagtatrabaho doon para magtagal ka. Kayanin mo para matupad mo ang mga pinangako mo sa akin na ipagpapatayo mo ako ng malaking hacienda,” sabi niya kaya tumango lang ako dahil alam kong binibiro niya lang ako. Pero walang imposible, baka kasi lumaki pa ang sahod ko roon. Sana lang talaga ay magtagal ako roon. At sana ay hindi ako mahirapan sa trabaho ko. See you soon, Miss Skyla. Please, be good to me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD