Naglalakad-lakad muna ako at pa linga -linga sa paligid upang maghanap ng aking mabibiktamang madudukutan, ngunit wala akong makita na pwede kong dukutan hanggang sa mapatingin ako sa loob ng restaurant, at nakita ko lang naman ang isang lalaking kilala ko, animal, ito lang naman ang lalaking balak pa akong ipakulong noon.
Tamang -tama ang gagawin kung pag hihiganti ngayon, sa lalaking ito bulong ko.
Napansin ko rin ang kasama nitong Babaeng mukhang tarshier sa laki ng mata nito.
Napangiti ako ng may maisip akong kalukuhan.
bumili ako ng lobo sa naglalako at inilagay ko ito sa loob ng aking damit. Kaya lang sinong maniniwala sa akin nito na buntis ako nakamaong short lang ako na maiksi at malaking damit,
sinong mag iisip na buntis ako,nito kung ganito ang suot ko, samantalang malaki na ang tiyan ko.
Bahala na nga wala naman sigurong makakakilala sa kabaliwan kong kong ito. bulong ko.
Pagpasok ko pa lamang ng restaurant ay nakatingin na agad ang karamihan sa akin ngunit hindi ko sila pinansin basta nagtuloy -tuloy lang akong nag lakad sa kinaroroonan ng lalaki habang nakatalikod ito ng makalapit.
Ako bigla ko itong sinigawan.
"HOY! Lalaki sabay hampas ko sa balikat nito.
Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap pati ang mga anak mo iniwan mo! lang basta sa bahay .hindi mo ba naisip! buntis pa ako tapus makikita lang kita dito.
Kasama mo ang pangit na babaeng ito! Singhal ko sa lalaki. Nakita ko naman ang dalawa na biglang nagsalubong ang kilay ng mga ito, gusto kung humagalpak ng tawa dahil sa itsura ng dalawa.
"Ano lalaki hindi ka pa ba uuwi?!
Umuwi kana! at mag saing kana doon.
Baka nagugutom na ang mga anak mo. Mas gusto pang makipaglandian sa babaeng mukhang tarshier na ito!! Tuloy -tuloy kong salita.
"What! Hindi ako pangit! At lalong hindi ako mukhang tarshier!! Sigaw ng babae habang galit na galit itong naka tingin sa akin, alam ko naman maldeta itong babaeng ito basi sa itsura ng mukha nito.
Napansin ko naman ang lalaki na pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa, napatigil ang mata nito sa mahahaba at mapuputi kong hita, Manyakis pa yata ang lalaking ito bulong ko.
"HOY! Lalaki namamanyak ka nanaman ba! sa mga hita ko, wag mong sabihin na nalilibugan ka nanaman sa akin?!.
Malaki na ang tiyan ko kaya hindi kana pwedeng makipag s*x sa akin Sambit ko sa lalaki, narinig ko naman malakas na ng tawanan ang mga tao sa loob ng restaurant dahil sa aking sinabi.
gusto kong humgalpak ng tawa dahil sa itsura nitong kunot na kunot ang noo. Habang hindi maipinta ang kanyang mukha.
"Ano ba to?! Singhal ng babae sa lalaki ngunit hindi pinansin ng lalaki ang babae.
SA pag sigaw nito.
"Umuwi kana, muna Beth.
Saad ng lalaki sa babae na tinawag nitong Beth.
"What! Bakit ako uuwi?!
Dapat ang babaeng 'yan! ang paalisin mo! Hindi ako, pagmamaktol pa rin ng babae.
"Sinabi ko umuwi kana! Singhal ng lalaki sa babae, walang nagawa ang babae kundi umalis ito ng restaurant, habang palaalis ang babae nakatingin ito sa akin ng masama.
"Ngayon babae, magtutuos tayong dalawa saad naman ng lalaki. Sa akin kaya bigla akong kinabahan baka nakilala ako ng lalaking ito. pero imposebleng makilala pa ako ng lalaking ito bulong ko.
Napansin ko ang lalaki nag senyas ito sa sa tauhan nito at gusto ako nitong ipahuli ng lalaking manyak na ito.
" Sweetheart mauuna na ako sumunod ka! Na lang sa akin at sa bahay. na lang tayo mag tutuos dalawa. Sabay kindat ko pa sa lalaki na lalong nag pakunot sa kanyang noo.
Gusto ko pa sanang asarin ang lalaking ito dahil natutuwa ako sa itsura niya.
Ngunit palapit na ang mga tauhan nito sa akin handa na sana akong kumaripas ng takbo ng bigla akong pinalibutan ng mga tauhan ng manyak na lalaking ito.
Ng lingunin ko ang lalaki naka ngisi ito sa akin.
Ngunit kinindatan ko lang, ulit ang mokong.
"Kayo hulihin niyo ang babaeng yan! At dalhin sa akin! Utos ng lalaki na parang hari kong makapag utos sa mga tauhan nito,
Napansin ko rin ang mga taong kumakain sa loob ng restaurant, isa -isa na rin nag si labasan.
Nakita ko ang lalaki umupo ulit ito sa kanyang kina uupuan at parang hari ang lalaki sa pagkakaupo nito.
Tinanggal ko na rin ang lobo na nilgay ko sa loob ng aking damit.
Napansin kong nagkatinginan ang mga tauhan ng lalaki
"Ano pang hinihintay niyo sugod na kayo,
mayabang kong Sambit sa tauhan ng lalaki.
Susugod na sana ang mga tauhan nito sa akin ng bigla ko, Silang inawat napag isip- isip ko, pag sabay-sabay na sumugod ang mga tauhan ng lalaki tiyak na madudurog ang buto ko.
"Sandali lang naman, wag naman kayong magsabay sumugod hindi ko kayo kakayanin.
Sa dami n'yo ba, naman mga bakla ba, kayo?! Sambit ko habang nakapamaywang ako sa harapan ng sampong lalaking malalaki ang katawan.
lumingon ako sa lalaki habang nakaupo ito sa upuan.
kaya ito ang hinamon ko ng labanan.
"Hoy! LAlaking mahilig sa babaeng mukhang tarshier! Tawag ko sa lalaki na kinasalubong nito ng kanyang kilay, habang nakatingin ito sa akin ng kakaiba.
Kaya bahagya akong lumapit dito ngunit ang lalaki nakaupo pa rin siya na parang isang hari habang nakadikwatro pa ito.
"LAlaki hinahamon kita!
Sambit ko.
Nagulat ako ng bigla na lang nawala ang lalaki sa kinauupuan nito.
grabe ang bilis ng galaw ng lalaki ng agad itong nakalapit sa aking ng hindi ko napapansin.
nagulat ako ng bigla niyang hinipan ang mukha ko, kaya na langhap ko ang mabango nitong hininga.
"Nagulat ka ba ugly lady? Saad ng lalaki sa akin, ngunit nginitaan ko lang ito.
At ginantihan ko rin ito.
Siya lang ba ang marunong humihip sa mukha ako din noh!
talagang nilapit ko pa ang mukha ko sa mukha nito at tiyaka ko ito hinihipan ang kanyang mukha.
"Nagulat ka rin ba lalaking mahilig sa babaeng mukhang tarshier?"
Nakita ko itong bahagyang napapikit ang lalaki kaya sinamantala ko ang pag kakataon at bigla ko na lamang itong sinapak sa mukha.
Sabay kumaripas ako ng takbo,palabas ng Restaurant.Nabigla rin ang mga tauhan nito sa aking ginawa na pagsapak sa kanilang boss, kaya kinuha ko ang pagkakataon para makaalis ng restaurant.
"Damn! Narinig ko pang sigaw ng lalaki.
.