Pag gising ko kinabukasan, balik sa dating gawain ko. kailangan kong gawin ito para sa batang aking tinutulongan. masaya ako Pag nakakatulong ako sa mga batang kapos palad. Mamaya na ulit ako didiskarte. Makabili man lang ako ng grocery nila lola Tasha, at sa mga ibang bata.
Dadaan muna ako kila, lola Tasha, ngayon upang kumustahin ang matanda.
Papasok na sana ako ng banyo upang maligo ng marinig kong may tumatawag sa aking pangalan.
"Jackie!!!!!" Andyan kaba, sa loob nang bahay mo!" Sigaw ng taong tumatawag sa akin pangalan.
'yamot na 'yamot tuloy ako ng buksan ko ang pintuan ng aking bahay, Pag kabukas ko nakita ko lang naman ang masugid kong manliligaw, na si Garry.
Kahit ilang beses ko na itong binasted pabalik balik pa rin ito para suyuin ako.
"Naistorbo ba kita?"
Pasensya kana, dinalahan lang kita ng pandesal para sa almosal mo,"
Saad ng lalaki habang iniaabot nito ang supot na may lamang pandesal.
Kahit gusto kong tangihan ang pandesal na dala nito,
Napilitan parin akong tangapin.
"Salamat dito," wika ko sa lalaki.
"Walang ano, man Jackie", saad nito habang nakangiti ito sa akin.
napasimangot tuloy ako ng makita ang ngpin nitong maiitim.
nag totoothbrush pa ba itong lalaking ito, tanong ko sa aking sarili.
"Pwede na ba akong pumasok sa loob? dahil may pupuntahan pa ako.
Wika ko sa lalaki ,habang nakakunot ang aking noo.
"Sandali Jackie, May sasabihin sana ako pwede bang bumisita sa'yo mamayang gabi?" Tanong ng lalaki sa akin.
"Pasensya, kana Garry, wala ako rito ng mga ilang araw dahil aayusin namin ng mapapangasawa ko ang aming kasal.
Pag sisinungaling ko sa lalaki, upang tinigilan na ako ng lalaking ito.
"Kaya hindi kana pwedeng manligaw sa akin." Wika ko.
Nakita ko ang pagkadismaya sa mukaha ng lalaki.
"MAG aasawa kana ba, talaga Jackie?" Tanong, ni Garry, sa akin habang nasa mukha nito ang lungkot.
"Oo," matipid kong sagot.
"Kung ganon aalis na ako"
Pa alam, ni Garry, sa akin tumango lang ako sa lalaki ngunit makikita mo sa mukha nito ang lungkot.
Nang makaalis ang lalaki agad akong pumasok sa loob ng bahay at nagmamadali akong pumasok sa loob ng banyo.
makalipas ang sandali na aking pag ligo pinunasan ko ng tuwalya ang basa kong katawan at binalot ko ang katawan ko ng tuwalya bago lumabas ng banyo.
mabilis rin akong nagbihis.
Tinignan ko muna ang mukha ko sa harap ng salamin bago lumabas ng aking bahay.
at kinuha ko ang maliit kung bag na naglalaman ng gagamitin ko mamaya sa pag iibang ng aking itsura.
Bago ako umalis isinarado ko muna ng mabuti ang maliit kong bahay, Na iniwan ng aking magulang. Ito na lang ang tangging alaala ng aking magulang.
Nang matiyak kong nakasarado ng ayos ang pintuan ng aking bahay mabalis na akong umalis para puntahan, si Lola Tasha, sa maliit nitong bahay, sa ilalim ng tulay.
"Ate, Jackie!!" Tili ng batang si Lala ng makita ako habang tumatakbo itong palapit sa akin napangiti ako ng bigla na lamang yumakap, si Lala sa akin.
"Ate Jackie!" may piso ka?"
bibili sana ako ng lolipop, dyan sa may tindahan bagong bukas , ni Tandang Nena. Saad ng bata sa akin.
may tindahan na pala dito, buti naman para hindi na maglakad ng malayo pag may kailangan bilhin bulong ko.
Dumukot ako ng binte sa akin bulsa at ibinigay, ko kay Lala.
"Wow madaming lolipop, ang mabibili ko rito salamat, ate Jackie,"
"Oppss!" bawal ang lolipop sa bata dahil masisira ang ngipin mo, dapat ang bilhin mo tinapay lang.
Napangiti ako ng sumimangot ang bata.
"Sige po, Ate Jackie!" pero bibili lang ako ng dalawang lolipop,"
hirit ng bata, at masayang nagtatakbo ito patungo sa tindahan.
"Lola Tasha!" kumusta po?" Tanong ko ng makita ko ang matanda habang naglalaba ito.
"Tulungan ko na po kayo.
"Wag; na ineng, at patapos na rin ako uniform lang naman itong nilalaba ko.
Saad ng matanda.
Ngunit tinulungan ko parin itong banlawan ang uniform pang school ng tatlong batang pumapasok na apo, ni Lola Tasha.
"Siya nga po pala dumaan lang, po ako rito upang tignan kung ano pong kulang sa gagamitin nyo po sa pag
Luluto at mga kulang sa pambaon ng mga bata.
Tanong ko kay, Lola Tasha.
"Ineng marami pang stock Na mga delata Dyan.
Sa sudunod mo na lang kmi bilihan, pag naubos na ang unang grocery mo.
Baka maubusan ka ng pera ineng.
"Ayos lang po, Lola Tasha," Wala naman akong pag gagamitan.
Wika ko sa Matanda.
"Inaalalalang, kita Ineng baka kasi hindi kana nakakaipon, para sa sarili mo, puro kami na lang ang inaalala mo.
Kailangan mo rin mag ipon ineng.
Mahabang wika ng matanda.
"Wag po kayong mag alala "Lola Tasha,"
May natitira pa naman po sa akin" Sagot ko naman sa matanda.
"Sige po "Lola Tasha," aalis na po ako didiskarte pa po' ako Ngayon araw.
Paalam ko sa matanda.
"Sige Mag ingat ka lagi ineng.
"Opo, Lola Tasha," Sige po mauuna na po ako. Wika ko sa matanda bago ako tuluyan umalis.
Sumakay na ako ng tricycle upang mag pahatid sa bayan habang nasa loob ako ng tricycle.
Binago ko ng kunti ang aking itsura para hindi ako makilala ng ibang nakaka kilala sa akin Nag lipstick ako ng makapal sa akin labi at ginawa ko rin makapal ang aking kilay. gamit ang pencil eyebrows.
AT naglagay rin ako ng fake na nunal at inilagay ko ito sa ibabaw ng ilong ko at nagsuot rin ako ng malaking salamin sa mata napangiwi ako ng makita ko sa maliit na salamin na dala -dala ko ang aking itsura. Para tuloy akong mankukulam bulong ko.
Manong dito na po ako pakitabi na lang po saad ko kay manong driver.
huminto naman ang tricycle na aking sinasakyan. Kaya mabilis akong bumaba at humarap kay manong para iabot sa kanya ang bayad ko.
Gusto kung matawa sa itsura ni manong ng makita ang itsura ko.
habang kakamot kamot ito na parang kinakabahan. nagtataka siguro ito bakit nag iba ang itsura.
"Ineng ikaw ba ang sumakay kanina?
Bakit pumangit ka, para kang isang mankukulam ngayon.
Wika ng matanda habang kinakabahan ito.
"Opo' manong pag ganitong oras po kasi nag iiba ang itsura ko sana po wag kayong ma ingay manong.
Saad ko kay manong.
"Mahabagin diyos!'
Saad ng matanda bago nito pinaharorot ang tricycle nito na para bang takot na takot ito pa alis.
NapaHalakhak tuloy ako ng malakas.