HURT
EUNICE HAZE VALERIANO
"Come on fatty run faster!" sigaw ni Carmilla sa kanya na ilang metro ang layo at patuloy na tumatakbo samantalang siya ay hapong-hapong nakayuko at nakahawak sa kanyang magkabilang tuhod habang tagaktak ang pawis. Pagod na siya at hindi niya na kaya pang tumakbo ni humakbang kahit isa. Maaga siyang pumunta sa bahay ni Carmilla, doon na siya dumiretso at hindi na dumaan pa sa bahay ng fiancé dahil sigurado siyang wala pa ito doon at nasa opisina pa. Mamaya na lang siguro niya ito dadaanan pagkatapos ng work out session nila ni Carmilla. Nakailang ikot na sila sa buong village at pagod na pagod na siya samantalang ito ay parang hindi pa nauubusan ng enerhiya at patuloy pa rin sa pagtakbo. Bakit ba niya ginagawa ito? Hindi niya gustong mag-exercise at hindi niya rin gustong magbawas ng timbang dahil sa tuwing susubukan niya ay lagi niyang naalala ang sinabi ng kanyang ina at mga kaibigan. Maganda siya kahit na ano pa ang hugis, sukat o timbang niya. Maganda siya kahit na ano pa ang kulay ng balat niya. She is beautiful just the way she is, perfectly imperfect.
"Hey! Fatty! Run! Come! On!" sigaw muli ni Carmilla habang kumakaway, napakalayo na nito samantalang ilang minuto pa lang naman siyang nakahinto. Hindi niya pinansin ang pagtawag nito sa kanya at dire-diretsong umupo sa ilalim ng lilim ng puno sa gilid ng daan at nagpahinga. Agad na dinukot niya ang isang sandwich na baon sa suot na belt bag ngunit bago pa man siya makakagat doon at namnamin ang sarap ng sandwich na baon ay may humablot no'n mula sa kanyang mga kamay.
Nag-angat siya ng tingin upang makita ang nakakunot-noong mukha ni Carmilla, magkasalubong ang kilay nito habang pinagmamasdan siya. Agad na inabot niya sa kamay nito ang inagaw na sandwich pero bigo siyang makuha iyon dahil mabilis na itinaas nito ang kamay sa ere, hindi hamak na mas matangkad ito sa kanya kaya't napilitan siyang tumayo at abutin ang binaong pagkain. Tumalon-talon siya at pilit na inaabot ang sandwich, gutom na siya at pagod and her last resort is to eat that sandwich. Humahangos siyang tumigil sa pagtalon saka pasalampak na umupo muli sa semento.
"You're going to eat this?" maarteng tanong ni Carmilla na bakas sa tono ang pandidiri ngunit hindi niya pinansin ang sinabi nito at tinitigan niya lang ito.
"You're so gross," dagdag pa nito saka nakapilantik ang mga kamay na ininspeksiyon ang palaman ng tinapay bago kinkilabutang itapon sa kalapit na basurahan ang pagkain, huli na ang lahat para makabawi siya sa gulat dahil sa ginawa nito at mailigtas ang pagkain sa basurahan. Nanlalaki ang mata niyang binalingan ang babaeng pinapagpag ang magkabilang kamay.
"Bakit mo ginawa 'yun?" inis na tanong niya bago tumayo sa kinauupuan. Now, she's mad parang ayaw niya nang makipag-ayos pa rito at hahayaan niya na lang ang pag-aattitude nito sa kanya.
"Bakit ka kumakain ng ganoong mga pagkain?" balik tanong nito sa kanya habang maarteng nagsa-sanitize ng kamay, ngali-ngaling hatakin niya ang buhok nito dahil sa inasal.
"Kaya ka tumataba ay dahil kumakain ka ng mga ganoong pagkain," naikuyom niya ang kamao dahil sa tinuran nito. She encountered different types of bullying at isa na sa mga iyon ang ginagawa nito pero talagang kahit na ilang beses mo pa maranasan ang isang bagay ay hindi ka pa rin talaga masasanay.
"Kung gusto mo talaga kong maging kaibigan, you should play by my rules," wika pa nito bago muling tumakbo at iwan siya doong nakaupo. Inis na sinipa niya ang maliliit na batong naroon kaya tumalsik ang mga iyon kung saan-saan. She can't do this anymore, pwede pa naman siguro siyang humanap ng iba pang paraan para maging kaibigan ito huwag lang ang pag-eexercise dahil pati pagkain niya ay pinapakialaman nito. Tumayo siya sa semento bago lakad-takbo na tinungo ang daan papunta sa bahay ng fiancé, doon na lang siya magpapahinga bahala na si Carmilla mag-isa. May susi naman siya sa bahay ni Zeus kaya hindi problema sa kanya kung hindi pa rin ito nakakauwi hanggang ngayon.
Agad na dumiretso si Eunice sa ref upang kumuha ng malamig na tubig na maiinom at maglabas ng kahit na anong makakain. Nang matapos ay dumiretso siya sa sala saka pabagsak na inupo ang pagod katawan sa sofa at ilang saglit lang, dahil sa kapaguran ay dinalaw siya ng antok.
"OKAY! Okay dad! You don't have to tell me what to do!" naulinigan niya ang pagsigaw ng isang lalaki na agad ikinamulat ng kanyang mga mata. Inililibot niya ang paningin sa lugar habang nananatiling nakahiga sa sofa, nasa bahay pa pala siya ni Zeus at hindi niya namalayang nakatulog pala siya roon kanina. Patuloy pa rin sa pagsasalita ang lalaki na pinapakinggan lang niya sa papikit-pikit na mata, sobra talaga siyang napagod at inaantok.
"I have my own work too not only our company that's near to its bankruptcy!" Zeus shouted with a hint of frustration in his voice making her sleepy eyes wide open. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig sa narinig, wala siyang alam sa negosyo pero alam niya ang ibig sabihin ng salitang bankruptcy. Hindi niya alam na malapit na malugi ang kompanya na pag-aari ng pamilya nito, she thought they are doing well dahil nag-invest pa ang ama niya sa kompanya ng mga ito. Unti-unti siyang bumangon upang silipin ito, nakatayo ang binata na nakatalikod sa kanya habang kausap ang ama nito sa telepono kaya hindi niya makita ang mukha nito.
"I am doing my best, dad! Don't rush me I will do what I promised," narininig niyang marahas itong bumuntong hininga bago pabagsak na ilapag ang cellphone sa cabinet na naroon. Mabilis na muli siyang nahiga sa sofa saka ipinikit ang mga mata at nagkunwaring tulog.
"This f*****g sucks!" narinig niyang malakas na sigaw nito bago niya narinig ang nga yabag nitong papalapit sa gawi niya. Huminto ito malapit sa kanya habang siya ay nanatiling nakapikit at nagkukunwaring tulog.
"What the f**k is she doing here? f**k," narinig niyang tinuran nito.
"I don't want to deal with her today. Oh Lord! I don't even want to see her fat and ugly body," pagpapatuloy nito na naging sanhi upang makaramdam siya ng ibang klaseng sakit na lumukob sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang sinabi ng lalaki at wala siyang ideya kung kailan pa ito naging ganoon kasama pagdating sa kanya.
"f**k!" malakas na sigaw pa ng binata kaya nagkunwari siyang nagulat at nagising, mabilis siyang bumangon at kunwaring kinusot ang mga mata upang itago ang nagbabadyang mga luha roon bago tingalain ang nakatayong binata.
"What are you doing here?" tanong nito oras na magtama ang kanilang paningin.
"Ahhmmm," hindi siya makahanap ng dahilan na sasabihin niya sa binata.
"What?!" sumigaw nitong muli kaya napaupo siya ng tuwid.
"Pa...pasensya...pasensya ka na Zeus ano.... ano kasi-" naiinis na pinutol nito ang sasabihin niya.
"Ano?! Anong ginagawa mo rito?" muli ay tanong nito na hindi makapaghintay sa sasabihin niya, napayuko siya dahil sa gulat at dahil gusto niyang itago ang sakit na bumabalatay sa kanyang mata.
"I have no time for you, Eunice. Kung ano man ang ginagawa mo rito o gagawin mo, gawin mo na tapos umalis ka na," pagpapatuloy nito saka tumalikod at nagdire-diretsong pumasok sa kwarto nito. Naiwan ang dalagang nakayuko at nasasaktan sa ikalawang pagkakataon, hindi niya namalayang tumutulo na ang mga luha niya. Nagsimula lang ang pagiging ganoon ng binata noong nagyaya itong magpakasal kaya hindi niya mapigilang isipin na baka napilitan lang itong alukin siya ng kasal dahil napepressure lang ito ng mga taong nakapaligid sa kanila.
Tumayo si Eunice saka lumabas ng bahay habang mahinang humikhikbi at pinipilit ipasok sa kanyang isip na pagod lang ang kabiyak kaya siya nito tinatrato ng ganoon. Mabilis siyang sumakay ng kotse at nanatili doon pansamantala habang nakatanaw sa pinto ng bahay, umaasang lalabas doon ang binata, hahanapin at pipigilan siyang umalis tulad sa mga napapanood niyang KDrama. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit walang lumabas na Zeus doon pero maghihintay siya kahit ilang oras pa siya abutin. Malakas na pagtunog ng kanyang cellphone ang nagpaalis ng tingin niya sa pinto ng bahay, agad niya iyong dinampot at sinagot.
"Eunice!" tili ni Rem ang narinig niya sa kabilang linya ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig. Sa totoo lang ay ayaw niyang kumausap ng kahit na sino ngayon pero wala na e nasagot niya na ang tawag.
"Eunice? Hello? Are you there?" patuloy nito nang walang sumagot.
"Eunice Haze Valeriano, hello? Are you there?" tumikhim siya at pinunasan ang magkabilang pisngi bago magsalita.
"Yes I'm here," sagot niya, pinipigilang mabasag ang kanyang boses.
"Why are you so tagal to answer? Something wrong?" maarteng tanong nito ngunit bakas sa boses ang pag-aalala. Hindi niya napigilang mapasinghot at mapaluha muli dahil sa tanong nito, there is something wrong with her relationship with Zeus and she's deeply hurt by the actions of him.
"Are you crying?" tanong nito marahil narinig ang kanyang pagsinghot.
"Oo," sagot niya.
"What? Why?" hindi niya na mapigilan pa ang nga luha niya at tuloy-tuloy na bumagsak. Rem is really worried about her but she can't say her problems to her because she's used to solving it all alone eversince.
"I'm rewatching Scarlet Heart Ryeo and for the nth time it hurts me," palusot niya, hinihiling na kumagat ito.
"That KDrama again! I told you not to rewatch it because it's making you cry but there you are, watching it over and over again. You're so hard-headed," nakukunsuming sambit nito na kinagat ang palusot niya.
"Anyway meet me at Jucia's unit we're gonna plan what to do on their anniversary," pag-iiba nito ng usapan at pagpapahayag nito ng kailangan sa pagtawag.
"Okay I will meet you there," nakuha niyang pasiglahin ang boses kahit na ang mga mata'y puno ng luha.
"Oki, be safe and don't rewatch that KDrama again!" sambit at paalala nito bago ibaba ang tawag. Inihagis niya sa dashboard ang cellphone saka inayos ang sarili bago pasibadin ang kotse papunta sa condo unit ni Jucia.
"Rem," tawag niya sa kaibigang nakatayo sa tapat ng elevator at naghihintay iyong bumukas. Humarap ito sa kanya at nakangiting kumaway.
"b***h!" sigaw nito habang naglalakad siya palapit dito. Yumakap ito sa kanya at bumeso nang makalapit siya.
"Tayong dalawa lang?" tanong niya sa kaibigan at magkasabay na pumasok sa elevator.
"Yeps. The two are busy about who knows what," natatawang sambit nito habang pinipindot ang floor ng unit ni Jucia.
"Kumusta na pala 'yung paghahanda niyo about sa kasal? May napili ka na bang theme? Gusto mo tulungan kita?" sunod-sunod na tanong nito habang excited na nakatanghod sa kanya at nakangiti.
"Ahmmm..." hindi niya alam ang isasagot sa kaibigan dahil kahit ilang buwan na lumipas noong alukin siya ni Zeus ng kasal at wala pa rin silang ginagawang preperasyon.
"Hmmm?" naghihintay pa rin ito sa susunod niyang sasabihin habang titig na titig sa kanya.
"Ahmmm ano.. ano kasi Rem,"
*DING!* saved by the bell.
"Tell me about it later," sambit ni Rem na naunang lumabas ng elevator. Sumunod siya rito na dire-diretsong pumasok sa nakabukas na pinto ng unit ni Jucia.
"Ju! Where ka? Ju! Yohooo. May people ba here?" tawag nito sa kaibigan na kalalabas lang galing kusina.
"Anong ginagawa niyo rito?" gulat na tanong nito sa kanila habang tinatanggal ang apron at gloves.
"Dinadalaw ka, bakit bawal na ba? Nandito ba si Lorenz?" tanong ni Rem habang sinisipat ang paligid.
"Wala siya rito," walang ganang tugon ni Jucia habang sinusundan nila ito papuntang kusina, patuloy na nag-uusap ang dalawa niyang kaibigan pero walang pumapasok at nagrerehistro sa utak niya. Her mind is wandering somewhere and she can't get a hold of what they are talking about. Naupo sila pero nilamon na talaga ang utak niya ng ibang bagay. Napatingin siya sa engagement ring na nasa kanyang hinliliit, gusto niyang maayos kung anong meron sila ni Zeus, ayaw niyang itapon ang dalawang taong pinagsamahan nila at mauwi iyon sa wala. Gustong-gusto ito ng kanyang pamilya at ganoon din naman ang pamilya ng binata sa kanya. Gagawin niya ang lahat, whatever it takes maging masaya lang sila ni Zeus.
"THIS b***h here is spacing out. AGAIN." sambit ni Rem na natatawa kaya napakurap-kurap siya at agad na bumalik sa wisyo bago napatingin dito at sa kaibigan katapat nila, nakatulala rin ito gaya niya
"Hey, baka may problema lang siya," she said with a concerned look bago ginagap ang kamay nitong nakapatong sa lamesa ngunut hindi ito gumalaw kahit kaunti. Pumasok ang nobyo nitong si Lorenz at nakangiting lumapit sa kanila, tinignan siya ni Rem bago senyasan.
"The boyfriend is here, let's go na Haze?" aya sa kanya ni Rem na agad niyang tinanguan. She wants to rest, rest her tired body, hurt heart and her tired mind.
"Hey Lorenz kausapin mo ‘yang jowabels mong 'yan ah ilang araw nang natutulala. Anyway highway alis na kami," bilin pa nito sa boyfriend ng kaibigan bago sila parehas na humalik sa pisngi nito at lumabas ng unit.
"So?" tanong nitong malawak na nakangiti sa kanya nang tuluyan silang makalabas.
"Ano?" balik tanong niya sa kaibigan saka naunang pumasok sa nakahintong elevator.
"So, ano? May naplano na ba kayo para sa kasal?" tumitig muli sa kanya ang kaibigan habang excited na nakangiti.
"Ano kasi-" pinutol nito ang sasabihin niya. Nagriring ang cellphone nito at mukhang sasagutin muna iyon ni Rem bago pakinggan ang sasabihin niya.
"Wait may tumatawag," sambit nito habang nakatapat sa mukha niya ang isang kamay at dumudukot sa bag ang kabila. She sighed heavily and like everybody, she really wants to rest for a while.
_annmazing_